Spike's POV.
Dalawang buwan na ang nakalipas at puro latay na rin ang katawan ng dalawang Nightblood na bihag namin dahil sa walang patid na paglatigo sa kanila ni Spane.
Hindi ko na matagalan ‘to...
"Spane, tama na ‘yan." Hindi niya ako pinakinggan. Para bang sayang-saya siya sa ginawaga niyang paglatigo sa dalawang bata. Mas lalong bumabakas ang tuwa sa mukha niya sa tuwing may tumitilamsik na sa dugo sa paligid at sa kaniyang katawan.
"Hindi..." Napakunot ang noo ko. Anong 'hindi' ang ibig niyang sabihin?
"Spane, stop."
"Ko kayo..."
"Spane!
"Mapapatawad!" Isang malademonyong ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha saka malakas na hinampas ang Spaenson Whip sa katawan ng dalawang Nightblood.
Parang lantang gulay na ang katawan nilang dalawa. Umaagos din ang dugo sa kanilang malalalim na sugat dahil sa paghampas ng Spaenson Whip sa kanilang balat. Hindi ko na rin alam kung wala na ba silang buhay o wala lang silang malay.
Akmang hahampasin pa muli sila ni Spane pero pinigitan ko siya. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kaniyang pulsuhan dahilan para mapadaing siya sa sakit at nabitawan niya rin ang Spaenson Whip.
"Tama na sabi!" Pabato kong binitawan ang kaniyang pulsuhan. Nawalan siya ng balanse at napasalampak siya sa sahig.
"What the hell is your freakin' problem, Spike?!" Galit niya akong tingnan na para bang may mali sa ginawa ko.
There is. I don't know why I feel pity to this kids. They are Nightbloods! I should feel mad at them! But... I can't. I don't know why!
"J-just take a break, please. Sa loob ng dalawang buwan na hawak natin sila hindi ka tumigil sa paghampas ng Spaenson Whip sa kanila. We don't even know if they're still alive!" Isang makahulugang tingin ang binigay sa akin ni Spane. Hindi na namin sinusuot ang maskara at ang hooded cloak namin. There's no use if we still wear those shitty stuff. They already recognize Spane. They already know who Spane is.
Such a careless b*tch!
"Naaawa ka ba sa mga ‘to?" Tinuro niya ang dalawang anak ni Killy. "Don't tell me—babaliktad ka?" She raised her left eyebrow.
"Are you suspecting me?"
"No, but you're giving me a reason to suspect you, Spike."
"Why? What is the point of suspecting me?"
Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakasalampak at tiningnan ako sa aking mga mata. Hindi ako umiwas. Ayokong umiwas ng tingin dahil kapag ginawa ko ‘yon, lalo niya akong pagsususpetiyahan.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Spike. Gusto mo pa ba na ituloy ‘to? Gusto mo pa ba na maghiganti? Kasi ako—gustong-gusto ko! Spike, angkan natin ‘yong pinatay nila! Angkan natin, kasama ang magulang natin! Nagkahiwalay tayong dalawa dahil sa kanila! Nawalan ako ng alaala dahil sa kanila! Kasalanan ‘to ng mga Nightblood! Nararapat lang sa kanila ang mamamatay!" Kitang-kita kong ang puot at galit sa mata ni Spane. Totoo ang mga sinabi niya, pero may mga bagay pa siyang hindi nalalaman. Masyado siyang padalos-dalos magdesisyon!
"Spane, huwag mo akong tanungin kung gusto ko pa ba ‘to. Kapatid kita at susuportahan kita sa mga desisyon na gagawin mo." Kahit na gusto ko ng itigil ang kahibangang ‘to. "Pero sana naman isipin mo ang ginagawa mo. Sa tingin mo ba magtatagumpay ‘tong plano na ‘to kapag patay na ang mga batang ‘yan? Hindi, Spane! Papalpak ang plano mo at paniguradong papatayin tayo ng halimaw na nasa loob ng katawan ni Killy!" Natigilan siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...