Third Person's POV.
Palaisipan pa rin sa tatlo kung sino ang babaeng nakita nila na kasama ni Mrs. Conshin. Nagtataka sila kung bakit ang seryosong tingin ng babaeng ‘yon ay naging masamang tingin.
"Sila na ba?" tanong no'ng babae kay Mrs. Conshin na hindi man lang inalis ang masamang tingin sa kanilang tatlo.
"Yes, sila nga," sagot ni Mrs. Conshin. "Take a sit. Kakausapin lang kayo ni Mrs. Nightmare." Sumunod ang tatlo sa sinabi ni Mrs. Conshin. Umupo sila sa upuan katapat ang babaeng sinasabi ni Mrs. Conshin na si Ms. Nightmare.
"Bakit n'yo ba kami pinatawag dito?" tanong ni Killian habang nakataas ang kilay. Natural na lang sa dalaga na itaas ang kaniyang kilay kapag may kausap.
Tinaasan din siya nang kilay ni Mrs. Nightmare. "Kayo! Kayo ang dahilan kung bakit nasa ospital ang anak ko at ginagamot! Ang kakapal ng mga mukha n'yong saktan ang anak ko! Sino ba kayo para gawin ‘yon sa kaniya?! Ha?!" Galit na tanong ni Mrs. Nightmare na ina pala ni Estina.
Killian tsked and gave Mrs. Nightmare a boring look. Mrs. Nightmare looks really wealthy, and her surname...
"Eh, ‘yong anak mo? Anong karapatan niyang api-apihin at saktan ang kapatid ko?" Natigilan si Mrs. Nightmare sa tanong ni Killian. "Bago mo sabihin na ang kapal ng mukha naming saktan ang anak mo, dapat inalam mo muna kung gaano ka kapal ang mukha ng anak mo. Tinatanong mo kung sino kami para saktan ang anak mo? Bakit? Sino rin ba siya para saktan ang kapatid ko?" Mataray ang pagkakatanong ni Killian. Ang nasa isip niya ngayon ay hinding-hindi siya magpapatalo sa babaeng kaharap niya.
Sino nga ba naman ito para pagsalitaan siya? Isa siyang Nightblood at ito naman ay isa lamang Nightmare. Malayo ang agwat nilang dalawa, sa sobrang layo—paniguradong hinding-hindi siya maabot ni Mrs. Nightmare.
"Bastos ka!" Galit na sigaw ni Mrs. Nightmare at akmang sasampalin si Killian, ngunit napatigil ang kamay niya sa ere nang agad itong dakmaiin ni Killian at hawakan ng mahigpit.
"Kagalang-galang ka ba?" tanong ni Killian at pabatong binitawan ang kamay ni Mrs. Nightmare.
"Mrs. Nightmare, Ms. Night. Tumigil na kayong dalawa." Awat sa kanila ni Mrs. Conshin. "Pag-usapan natin ‘to nang maayos, hindi natin kailangang gumamit ng dahas."
Napairap na lang si Killian at umupo muli. Gano'n din ang ginawa ni Mrs. Nightmare. Napatayo silang dalawa no'ng sila ay nagsagutan dahil sa galit at inis na kanilang nararamdaman.
"Ate, kumalma ka," sabi ni Killiav habang hinahagod ang likod ng kaniyang kapatid na si Killian na nakikipagpalitan ng masamang tingin kay Mrs. Nightmare.
"Madadaan natin ‘to sa matinong usapan," sabi ni Mrs. Conshin, at nakapahawak sa kaniyang sintido. "Ikalma n'yo muna ang sarili n'yo bago natin pag-usap—"
"Wala nang dapat pang pag-usapan!" Pagputol ni Mrs. Nightmare sa sinasabi ni Mrs. Conshin. "Gusto kong mapatalsik ang tatlong ‘to rito sa Heaven University! Lalong-lalo na ang bruhang ‘yan!" galit na sabi ni Mrs. Nightmare habang nanggigigil na tinuro si Killian. "Isang malaking kahihiyan ang magkaroon ng istudyanteng katulad niya rito sa unibersidad na ‘to!" Pinanlakihan sila ng mata ni Mrs. Nightmare. Halatang-halatang sa mukha ng ginang ang galit kina Killian, Killiam at Killiav.
"Nang pinasok mo ang anak mo rito sa Heaven University, ‘yon ang malaking kahihiyan," sabi ni Killian. "Wala namang ginawa ang anak mo kun'di ang mam-bully. Feeling niya ikinaangas niya na ‘yon? Pinagmamalaki niya pang isa siyang Nightmare. Eh, ano naman ngayon? Pakialam ba namin kung Nightmare siya o kung anong klase siyang nilalang?" Humalikipkip si Killian at nag-crossed legs habang nakataas ang kilay.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...