Chapter 3

4.7K 158 5
                                    

"K-Killy?" Nanlaki ang mata ko. Paano nalaman ng babaeng ‘yon ang pangalan ko? "Killy... Anak... Ikaw ba ‘yan?" May tumulong luha sa mata no'ng babaeng maganda na nasa pintuan.

"Anak? Ako? Anak mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Levi, siya nga si Killy!" Sabi no'ng babae sa kaniyang asawa. Base sa pagsabi niya no'n, siguradong-sigurado na siya na ako ang anak niya.

"Teka! Alam ko pong ako si Killy. Sino po ba kayo? Bakit alam n'yo po ang pangalan ko?" Wait a minute! Pamilyar sa akin ang pangalang Levi, parang narinig ko na ‘yon kani-kanina lang.

"Let her, Shasha. Let her guess who we are," wika ng lalaki na kaniyang asawa.

Ngayon naman Shasha, pamilyar talaga—

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaki at babaeng nasa harap ko ngayon. Tatakbo na sana ako papunta sa kanila pero biglang sumakit ang ulo ko at may mga alaalang bumalik sa aking isipan. Mga alaalang kasama ko silang dalawa ang angkan ng Nightblood.

"AHH!" Napasabunot ako sa buhok ko na g sumakit ang aking ulo. Sobrang sakit! Parang nilalagari paunti-unti ang ulo ko.

"Rica! Anong nangyayari sa ‘yo apo!?" Nag-aalalang tanong ni lolo't lola. Hindi ko sila masagot dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"‘Wag kayong lalapit sa kaniya! Papaslangin ko kung sino man ang magtangkang lumapit o humawak sa anak ko!" Lalong nagpasakit sa ulo ko ang boses na ‘yon. Sigurado ako na galing ‘yon sa aking ama na si El Diablo.

Makalipas ang ilang minuto. Unti-unting nawala ang sakit sa aking ulo. Hingal na hingal ako at pagod na pagod, parang binugbog ang katawan ko. Nang tuluyan ng nawala ang sakit, maraming memorya ang bumalik sa aking isipan. Mga memorya na kasama ko si Mom, Dad, Kuya at mga lolo ko. May alaala rin na may mga kasama akong ibang half bloods, hindi ko makita ang mukha nila dahil blurred ang kanilang mukha sa alaala ko. Sino ba ang mga ‘yon?

"Killy, are you okay? How's your feeling?" Lumapit sa akin si Dad at tinulungan akong tumayo.

"I'm fine," sagot ko "You're my Dad, am I right?" Biglang akong niyakap ni Mom.

"Ako anak? Nakikilala mo ba ako?" Naiiyak na tanong sa akin ni Mom.

"Y-Yes, you're my Mom."

"Killy, anak ko. Salamat at bumalik ka na sa amin." Niyakap ako nang mahigpit ni Mom at niyakap ko din siya pabalik.

"I have to call Zack, he has to know that we found Killy." Kinuha ni Dad ang cellphone sa kaniyang bulsa at tinawagan si Kuya.

"Rica..." Napatingin ako kay Lolo at Lola. "Masaya kami at nakita mo na ang tunay mong magulang." Nakangiti sila pero may lungkot sa kanilang mga mata.

"Lolo... Lola..." Gusto kong maiyak pero pinigilan ko. Sinabi na nila saakin ‘to noon pa lang. Na kapag nakita ko ang tunay kong magulang, huwag daw akong iiyak sa harapan nila dahil ayaw nilang nakikitang may luha na tumutulo sa mata nang kanilang apo. Alam na nila na darating ang araw na makikita ko ang tunay kong magulang, handa na sila na ibigay ako sa tunay kong pamilya, pero ako? Hindi, hindi pa ako handa na iwanan si Lolo at Lola. Sila na ang tumayong magulang sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nalayo ako sa kanila.

"Handa ka na ba, apo? Magsisimula na ang bago mong buhay kasama ang tunay mong magulang, hindi ka ba masaya apo?" tanong ni Lola.

"Paano po ako magiging masaya kung kapalit ng pagsama ko sa kanila ay ang pag-iwan ko naman po sa inyo."

"Ganon talaga ang buhay apo. May mga panahon na kailangang may iwanan ka at may mga panahong ikaw naman ang iiwanan. Pero hindi ibig sabihin no'n na kakalimutan mo na ang mga iniwan mo at ang mga nang iwan sa ‘yo. Nagbibigay sila ng aral na kailangan mong isabuhay, mga aral na magpapalakas sa ‘yo. Ituloy mo lang ang buhay, apo. Marami kapang pagdadaanan, marami ka pang makikilala na magbibigay ng aral sa ‘yo. Marami pa." Niyakap ko si Lolo at Lola.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon