Killiam's POV.
Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ang araw na tumatama sa aking mukha, hindi lang ‘yon, may yumuyugyog pa sa balikat ko.
"Kuya, wake up. We're going to make our breakfast." Rinig kong sabi ni Killiav.
Tumayo ako at nag-inat-inat sandali bago inayos ang aking kama. Nahagip ng mata ko si Killian na natutulog pa rin sa kama niya.
Sa aming tatlo siya ang huling nagigising, pero siya ang pinakamabilis kumilos. Kahit late na siyang gumising, nauunahan niya pa rin kaming maligo. Ewan ko ba kung anong klaseng pagligo ang ginagawa niyan ni Killian.
"Killiav." Tawag ko kay Killiav na inaayos pa rin ang kaniyang kama, "Pagkatapos mong magligpit gisingin mo na ‘yang ate mo."
"Opo kuya." Good girl.
Nagtungo ako sa banyo ko rito sa taas. Gusto ko sanang maligo sa baba, kaso ang hassle naman kasi hindi konektado ‘yong banyo na ‘yon sa walk-in closet ko.
Hinubad ko lahat ng damit ko at sinimulang maligo. Napatigil ako sa pagsasabon sa aking katawan nang biglang pumasok sa isip ko yung punishment na binigay ni Mama.
"No..." Kaya kong iwasan si Papa pero paano kung kulitin niya ako? Baka bigla ko na lang siyang masapak kapag nagkataon. "Chill, Killiam. You can ignore him and pretend that you doesn't see him. That's the best thing to do," I said to myself.
Nang natapos akong maligo, kinuha ko ang aking bathrobe at nagtungo sa aking walk-in closet. Sinuot ko ang aking uniporme at pumasok muli sa loob ng banyo. Ibinalik ko ang aking bathrobe kung saan ito nakalagay no'ng kinuha ko at agad din namang lumabas nang banyo.
"Tagal, ah!" Ani Killian na nakataas na naman ang kilay. Katabi niya si Killiav at katulad ko naka-uniporme na rin silang dalawa. "Ang bagal mo talaga maligo kahit kailan! Lagi ka na lang naming hinihintay."
"Sino ba may sabing hintayin n'yo ako?" tanong ko.
"E di dapat sinabi mo na huwag ka naming hintayin para hindi na kami nagsayang ng oras," sagot ni Killian.
I sighed. "It's early in the morning Killian, not now." Bumababa na ako at nagtungo sa kusina. Natigilan ako at napatitig sa lalaking nagluluto. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya nilingon niya ako at nginitian.
Argh! Ang aga-aga nabwibwisit ako!
"Hey, good morning." Bati niya sa akin.
"What are you doing?" I asked.
"Cooking breakfast for you and your sisters," he replied.
My brow automatically wrinkled. "Why are you doing this? Nasanay na kami na wala ka, nasanay na kami na hindi ka nakikita. Nag-sink in na sa utak namin na kahit kailan hindi na mabubuo ang pamilya natin. So why? Why are you doing this to us?"
He just smile. "Let's not talk about that. The food is ready." Inilapag niya sa lamesa ang pagkain na hinanda niya.
"What the..." Napatingin ako sa likod at nakita ko si Killian at Killiav. Nag-isang linya ang kilay ni Killian nang makita si papa habang si Killiav naman ay nakangiti. "This is hell." Rinig kong bulong ni Killian.
"Good morning, Papa." Bati ni Killiav kay Papa at hinalakan pa ito sa pisngi. Napansin kong natigilan si Papa sa ginawa ni Killiav, mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa ni Killiav. "Tara kain na po tayo."
"S-Sige." He's still shock.
Umupo na kaming lahat at nagsimulang kumain. Tumigil ako nang makita kong naglabas si Killian ng cellphone.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...