Killy's POV.
Buong buhay ko naging matapang ako. Lahat ng problemang ibinabato sa akin buong puso kong tinatanggap.
Lahat ng utos ni Pappoús sinunod ko. Lahat ng masasakit na salitang ibinato at ipinukol niya sa akin ay walang reklamo kong tinatanggap. Pinatatag ko ang loob ko dahil 'yon ang kailangan kong gawin.
Utos 'yon ng mas nakatataas sa akin, at wala akong ibang magagawa kun'di ang sundin 'yon. I'm just a puppet- before.
But now? This puppet can stand on her own. This puppet can fight for her self and for her love ones. This puppet doesn't have a puppeteer anymore.
I can do what I want. I can decide on my own. I can stand on my own feet. And no one will dictate what should I do because this is my life, mine and mine alone.
Ilang daang taon na akong nabubuhay at masasabi ko na marami na akong natutunan. Mga aral na magsisilbing gabay sa aking buhay. Kagaya nga ng naririnig ko noon.
Experience is the best teacher.
Which is true!
"Naririto na tayo," I announced. Tumingin ako sa mga mata niya at gano'n din siya sa akin. "Liam, nagpalasalamat ako sa pagpupursigi mo para makuha ang loob ng mga anak natin. Hayaan mo, balang araw matatanggap ka rin nila. Basta 'wag mo lang susukuan,"
"Ako dapat ang ang nagpalasalamat sa 'yo," he uttered.
"Why?" I asked.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "'Cause I have a very understanding and beautiful wife that alway forgiving me."
"You're so close to me," I whispered. "And correction, I'm not your wife." I rolled my eyes.
Ang lalakeng 'to talaga! Walang pinipiling lugar! Mamaya may makakita pa sa amin dito!
"I like it when you're close to me. Pakiramdam ko sa akin ka lang. Well... akin ka lang naman talaga, walang puwedeng umagaw sa 'yo."
"Kailan ka pa naging possessive?" I asked while raising my eyebrow.
"Simula nang makilala kita."
"Okay. Whatever." Nag-iwas ako ng tingin ngunit agad akong tumingin sa kaniya nang marinig ko siyang tumawa ng marahan. "What's funny?" I asked while glaring at him.
"Nothing. I just love you so bad," he admitted. My heart beat fast and I can feel that my cheeks turning red! "You're blushing," he smirked. "Ganyang-ganyan ang epekto ko sa 'yo noon, Kill. Ganyang-ganyan." Pagdidiin niya sa kaniyang sinabi.
I sneered, "Noon 'yon." F*ck! Wala akong masabi! Ah, basta! Aarte na lang ako na kunyari wala akong pakialam sa sinasabi niya.
Nang hindi na siya sumagot pa, binuksan ko na ang pinto ng dining room. Bumungad sa amin ang isang mahabang lamesa na may labindalawang upuan sa magkabilang gilid at tig-isang upuan sa magkabilang dulo.
As usual, si pappoús ang naka-upo sa dulo ng mesa sa kaliwang parte. Nasa kanan niya naman si dad at ang mga bata. Si kuya Zack naman ang naka-upo sa kaliwang bahagi ni pappoús.
"Killy." Si kuya Zack ang unang nakapansin sa akin.
"Mama!" Tawag sa akin ng mga anak ko.
Lumapit kami sa kanila at nagbigay galang. Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Liam. Ang sama kasi ng tingin sa kaniya ni Dad.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...