Killy's POV.
"Salamat sa pagpunta n'yo. Alam kong abala rin kayo katulad namin ngunit kailangan talaga namin ng tulong n'yo. Siguro naman nakarating na sa inyo ang masamang balita tungkol sa pagnakaw sa tatlong makapangyarihang armas ng Heaven University." Bakas ang pagod sa mukha ni Rovi Suez, isa sa mga konsehal. Naririto kami nina Val at Ain para tulungan ang konseho sa paglutas sa kasong ito. "Gumagawa na rin ng paraan ang head concilor upang masolusyonan ang problema. Marami na siyang binayarang mga imbestigador upang imbestigahan ang kasong ito, ngunit ni isa sa kanila ay walang natagumpay." Malaking problema talaga ito sa punong konseho. Kapag hindi nila ito nasolusyonan kaagad, paniguradong magkakagulo rito sa Heaven University. Hindi nila gugustuhing mangyari ‘yon dahil paniguradong papatayin sila ng hari kapag hindi nila naayos ang kanilang trabaho.
Isang malaking unibersidad dito sa aming mundo ang Heaven University. Maraming mga malalakas at makapangyarihang armas ang nakatago rito. Kailangan ‘yong protektahan ng mga nakatataas o ang tinatawag dito sa aming mundo na punong konseho.
Nagtaas ng kamay si Val upang kunin ang atensyon ni Mr. Suez. "Yes, Mr. Volckzrin?"
"Kailangan ba naming magtulong na tatlo o pwede kaming magsarili ng trabaho?" tanong ni Val.
"Inaalala ng punong konseho ang kaligtasan ninyong tatlo kaya naman hindi nila kayo pinahihintulutang maghiwalay sa trabahong ito," tugon ni Mr. Suez. "Pasensya na. Hindi namin gugustuhing may mapahamak sa inyo. May tiwala kami sa lakas at kakayahan ninyo pero ayaw rin naman naming magkagulo sa konseho kung may mangyari mang hindi inaashan sa inyong tatlo. Lalo na't galing kayo sa matataaas at kilalang pamilya. Si El Rica na galing sa pamilyang Nightblood, si Mr. Valdimox na galing sa pamilyang Darknight at si Mr. Ain na galing sa pamilyang Dravino. Kilala ang pamilya at angkan n'yong tatlo rito sa mundo natin at kaya nila kaming patayin ng isang iglap kung may mangyari man sa inyo. Hindi namin gugutuhing mangyari ‘yon." Napatingin ako kay Val nang marinig ko galing kay Mr. Suez na galing siya sa pamilyang Darknight. Seryoso lang na nakikinig si Val at mukhang hindi inalintana ang sinabi ni Mr. Suez.
Paanong nangyari na isang Darknight si Val kung Volckzrin ang apilyedo n'ya?
"Kung hindi kami maaaring maghiwa-hiwalay, kung gano'n kailangang may isang mamumuno sa amin para kung sakaling kailangan naming magdesisyon," saad ni Ain. "Si Rica ang pipiliin kong maging pinuno ng grupo." Sinamaan ko ng tingin si Ain pero mukhang wala lang sa kaniya ‘yon.
"Ganon din ako," segunda naman ni Val.
"Teka! Bakit ak—" Naputol ang sinasabi ko nang biglang bumakas ang pinto at pumasok si... "L-Liam..." bulong ko
Nilibot niya ang kaniyang paningin at nang magtama ang mata namin, nagkaroon ng kakaibang emosyon ang kaniyang mata na hindi ko maintindihan. Nag-iwas na lang ako ng tingin para makapag-focus ako sa kailangan naming gawin ngayon.
"Nabalitaan ko ang nangyari." Umupo siya sa bakanteng silya sa tabi ko at laking gulat ko nang kunin niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita at pinigsiklop ang aming mga daliri. "Ako na lang ang mamumuno sa grupo namin dahil mukhang ayaw naman ng aking asawa." Misteryoso siyang tumingin sa akin at mga ilang minuto ang nakalipas bago ko naintindihan ang gusto niyang iparating.
Si Mr. Suez ay parte ng konseho. Kapag nalaman niya na hindi naman talaga kami kasal ni Liam, paniguradong ipaparating niya ‘yon sa head councilor at kukunin nila sa akin ang mga anak ko.
Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon!
"Maaari, Mr. Darknight. Kung pahihintulutan ng iyong mga kasamahan," ani Mr. Suez.
"Kasamahan? Ang akala ko kaming tatlo lang ang gagawa ng trabahong ‘to? Bakit kasama pa ‘yang lalaking ‘yan?" Halata ang iritasyon sa boses ni Ain nang itanong niya ‘yon.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...