Chapter 29

2.8K 109 6
                                    

Liam's POV.

"Nice. This clothes suits me well." Inayos ko ang buhok ko at lumabas na ng dressing room na para sa mga lalake.

Mas lalo akong gumwapo, paniguradong mamahalin na ulit ako ni Killy. Baka matulala ‘yon kapag nakita niya ako.

"You look good on that clothes, Prince," sabi ni Shafina.

"Thank you." Pagpapasalamat ko. "By the way, where's my wife and my children? I want to see them."

"Princess Killy, Killian and Killiav is still in the dressing room. Prince Killiam is with Prince Zack."

"Is that so?" Nauna kasing nagbihis si Killiam kaysa sa akin. Kinakausap ko siya sa loob ng dressing room pero hindi niya naman ako pinapansin. Nakakalungkot lang na iniiwasan ako ng anak kong lalake. "Can you please tell me where's the dressing room for women? I will check my wife and daughters."

"The dressing room for women is located in right wing, third door."

"Okay. Wait us here." Tumango si Shafina at yumuko.

Nagtungo ako sa right wing. Excited na akong makita si Killy at ‘yong mga anak ko. Ano kayang itsura nila ngayon? Paniguradong mas lalo silang gumaganda. Mas lalo tuloy akong na-excite.

Nang makarating ako sa right wing. May natanaw akong babaeng nakabistida na hanggang talampakan ang haba. Kulay ginintuan ang buhok niya at maputi ang kanyang balat.

Natigilan ako nang humarap siya sa akin. Ang ganda ng bughaw niyang mga mata, ang labi niyang kulay rosas na parang ang sarap halika—Aish! Ano bang iniisip mo Liam?! Paniguradong magagalit sa ‘yo si Killy kapag nakita niya ang paghanga mo sa magandang babae na ‘yon. Gusto mo ba talagang hindi mabuo ang pamilya mo?

"Ti káneis edó̱?" What are you doing here?

Nagulat ako nang tanungin niya ako.

"Mou milás?" Are you talking to me?

Hangal! Malamang! Ako lang naman ‘yong nandito! Ano bang nangyayari sa ‘yo Liam? Bakit nabobobo ka dahil sa babaeng ‘to?

"Óchi, miló̱ sto toícho dípla sas," she said sarcastically.
No, I'm talking to the wall beside you.

"Syngnó̱mi̱. Eímai edó̱ gia na elénxo̱ ti̱ gynaíka mou kai tis kóres mou," I said.
I'm sorry. I'm here to check my wife and my daughters.

"Échete gynaíka?" You have wife?

She look so surprised.

Lumapit ako sa kaniya pero siniguro ko na may pagitan sa aming dalawa.

"Yes. Her name is Killy, she's the love of my life. I love her so much more that I love my life." Nakakaintindi kaya ‘to ng Inggles?

Kanina ko pa napapansin. Pamilyar ang amoy niya, parang naamoy ko na siya noon. Sobrang pamilyar talaga, eh.

"As far as I know we're not married." Nagulat ako sa sinabi niya. Assuming! ‘Di naman siya ‘yong tinutukoy ko.

"I'm not referring to you miss. I'm referring to my wife, Killy." Lahat na lang ng babae nagkakagusto sa akin! "Am I really that handsome? All of the girls that I encountered are attracted to me. Miss please, I don't want my wife get angry at me, don't be so attracted to me." Baka magselos na naman si Killy kapag nakita niya akong kausap ang babaeng ‘to.

"Sabi nang hindi mo ako asawa, eh! Kulit mo, ah! Ako si Killy, okay?! Ito ang tunay kong wangis! At puwede ba?! Sinong nagsabing attracted ako sa ‘yo?! Kapal nito! Nagbuhat ka naman ng sarili mong bangko! At saka ano pa ang sabi mo? Lahat ng babaeng nakatagpo mo naaakit sa ‘yo? Sige! Doon ka sa babae mo ah! Bwisit ‘to!" Natulala ako sa kaniya. Ang ganda at ang amo ng mukha niya pero kung magalit siya parang mabangis na hayop.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon