Killy's POV.
"Liam! Stop it!" Hinampas ko ang balikat niya nang maramdaman kong sinusundot niya ang tiyan ko.
Wala bang magawa ang lalaking 'to?
"What?" He asked while chuckling.
"Stop poking my tummy!"
"Sana magkalaman 'yan." Nanlaki ako ang mata ko nang marinig ang sinabi niya.
W-What the hell?!
"A-Anong pinagsasabi mo? Anong magkalaman ka d'yan?!" Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. F*ck!
"Baby. Sana magkaroon ng baby sa loob ng sinapupunan mo. I want a baby. Our baby."
Tiningnan ko siya ng masama. Siraulo talaga ‘tong lalaking ‘to! "Hindi pa ba sapat sa ‘yo ‘yong tatlo nating anak? Gusto mo pa talaga?"
"Wala namang masama, ‘di ba? Kaya naman natin siya alagaad. Kaya naman natin ibigay sa kaniya ang mga pangangailangan at gusto niya." Nag-iwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.
Oo nga, kaya nga naming ibigay sa kaniya ang mga pangangailangan at kagusto niya, pero hindi ang normal na buhay. Kung magkakaroon man kami ng anak ni Liam gusto ko ‘yong tahimik na ang buhay namin. ‘Yong wala na kaming problemang kinahaharap.
"Saka na, kapag okay na ang lahat. Kailangan muna nating iligtas si Killiam at Killian. May alam si Hevianna tungkol sa pagkawala ng mga anak natin, pero kailangan nating pagplanuhan ang lahat." May tiwala ako sa mga anak ko. Alam kong kakayanin nila hanggang sa dumating kami para iligtas sila.
"Si Killiav? Nasaan siya?"
"Nasa baba, kasama niya si Hevianna."
"Nasaang lugar ba tayo?" Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Paano ko ba ‘to ipapaliwanag sa kaniya? "Kill? May problema ba?" Hinawi niya ang mga buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inipit ‘yon sa likod ng tenga ko.
"Ano kasi..." Aish! Saan ako mag-uumpisa?
"Kasi?"
"Um... Alam mo ba ‘yong sikreto ng Heaven University?" tanong ko. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha nang marinig ang tanong ko. Sapat na ang ekspresyon na ‘yon para malaman kung may alam nga ba siya.
"B-Bakit mo natanong?"
"Kasi ang sikretong lugar na ‘yon... ang pinkatatagong sikreto ng Heaven University. Ito ang lugar na ‘yon." Mas lalo siyang nagulat at mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Napasabunot siya sa kaniyang buhok at nakikita ko ang takot at pangamba sa kaniyang mukha.
I feel you, my King. I feel you.
"S-Sigurado ka ba? B-Baka naman nakakamali ka lang? Ang tunay mong ina, siya ang nagdala sa akin dito—"
"At siya rin ang punong tagapaglipol sa lugar na ‘to."
"No..."
"Yes, she is."
"Kung gano'n dinala niya tayong lahat dito para patayin?" Gusto kong matawa sa sinabi ni Liam, pero may punto siya. Maaari nga na ang dahilan kung bakit niya kami dinala rito ay para patayin kami.
"Maaari, pero mukhang hindi naman. Siguro dinala niya tayo rito dahil may balak siya. Nawawala ang dalawa nating anak at paniguradong alam ni Hevianna kung paano natin sila maililigtas." Hinawakan ni Liam ang kamay ko. Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...