Chapter 38

2.4K 95 18
                                    

Nandito na kami sa department store. Mukhang bad mood pa rin si Liam kahit ipinaliwanag na sa amin ni Lucaf ang lahat.

"Liam, sa tingin mo ilang spaghetti pack ang kailangan kong bilhin?" tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko, bahala ka na." Ilang beses ko na siyang tinatanong at puro ganiyan lang ang sagot niya. Minsan nga iniisip ko na dapat ako na lang ang pumunta rito, eh, parang wala rin naman akong kasama kahit nandito si Liam, ‘di ko ramdam ang presence niya.

"‘Di ba pinaliwanag naman na sa atin? Bakit ganiyan ka pa rin? Dapat nga maging masaya ka kasi nasa panig natin si Lucaf." Iritado siyang tumingin sa akin at bigla itinulak ang push cart na hawak niya na naging sanhi ng pagbagsak nito sa sahig.

"Liam! Ano ba?!" Buti na lang wala masyadong tao rito sa pwesto namin.

Napanganga na lang ako nang mabilis siyang naglakad patungo sa exit ng department store.

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Ngayon pinagsisisihan ko na na sinama ko si Liam. Hindi na nga siya nakatulong, ang lakas pa ng loob na manggulo! "Great! Magsasayang ako ng oras para pulutin ‘tong bibilhin ko na nagkalat na sa sahig." Well, wala naman na akong ibang magagawa kun'di ang itayo ang push cart at pulutin ang mga bibilhin ko. Binilisan ko na ang pagpupulot at nagsimula na muling mamili.

Naiinis ako kay Liam! Pinaliwanag na nga sa amin ni Lucaf ang lahat at sumang-ayon naman siya sa plano ni Lucaf! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon siya! Hindi basta-basta ang araw na ‘to sa akin. Kaarawan ng mga anak ko bukas—ng mga anak namin! Dapat hindi siya nag-iisip ng kung anu-anong makakasagabal sa paghahanda namin.

No'ng kausap kasi namin si Lucaf...

Flashback.

"Ikakasal na kami. Hindi mo ba nabalitaan yon? Nakatakda kaming mag-isang dibdib sa susunod na buwan." Walang emosyong sabi ng gwapong nilalang.

"Tayo...? IKAKASAL?!!!" Joke ba ‘yon? Puwes kung oo! Hindi ‘yon magandang biro!

Tumango siya. "Ayon sa iyong Pappoús... ganon na nga."

"Si Pappoús? Siya ang may pakana ng kasalan kuno na ‘to?" Nababaliw na ba siya? Nananahimik na ako! Bakit ba gustung-gusto niya akong pinahihirapan?! Bakit ba ayaw niya akong patahimikin? "At pumayag ka naman?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon.

Tumango siyang muli. "Dahil yon ang kailangan kong gawin."

Napakuyom ang kamao. "Nahihibang ka na ba?! Sumusunod ka ro'n sa matandang hukluban na ‘yon? Wala ka bang babaeng mahal? Asawa o girlfriend?!" Nakakainis! Naiinis ako sa mga nilalang na sumusunod sa gusto ni Pappoús! Minsan na akong naging sunud-sunuran sa matandang ‘yon at pinagsisisihan ko ang panahon na sumunod ako sa mga sinasabi niya.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon