Chapter 40

2.5K 89 11
                                    

Liam's POV.

"Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong. Malamang may balak na naman ‘tong babaeng ‘to kaya siya naparito. Hindi naman siya pupunta rito nang walang dahilan.

"Nandito ako para ibigay ang regalo ko para sa mga bata at para magbakasyon." Saad niya habang may pekeng ngiti sa kaniyang labi. Lumapit siya sa mga anak ko at binigyan sila ng tig-iisang paper bag. "Para sa inyo ‘yan, regalo ni tita Esperanza." Hindi ko mapigilang hindi mapang-uyam na matawa. Seryoso ba siya?

"Killiam, Killian, Killiav." Kuha ni Kill sa atensyon ng mga bata ngunit ang paningin niya ay nakatuon lang kay Esperanza. Masama ang kaniyang mga tingin na para bang gusto niyang patayin si Esperanza. "Alam kong tinuruan kayo ng lolo El Rio ninyo ng GMRC pero puwede bang kalimutan n'yo muna ‘yon ngayon?" Nagtagis ang bagang ni Killy nang bigyan siya ng mapang-asar na tingin ni Esperanza.

"Sure." Nakangising tugon ni Killian. Seryoso lang si Killiam at Killiav.

Kinuha nilang tatlo ang laman ng paper bag. Mga gadgets ang laman no'n. Isang makahulugang tingin ang binigay nila kay Esperanza bago walang pagdadalawang isip na sinara ang mga gadgets. Siniguro nilang sirang-sira iyon bago nilang pabatong ibinalik kay Esperanza.

"Argh! This gadgets are expensive!" Galit na saad ni Esperanza.

"We don't need expensive things from you," tugon ni Killiam.

"Get those trash of yours and leave this rest house. Leave us alone! We're happy and we will never let you ruin our family again!" Matapang na saad ni Killian.

"Ms. Esperanza, please be professional, since you're a famous actress. Hindi po kasi maganda kung bigla-bigla ka na lang susulpot dito at manggugulo. Matagal na po kayong hiwalay ng papa ko. Hindi po magandang tingan na hinabol-habol mo ang lalaking wala namang nararamdaman na kahit kaunting pagmamahal para sa ‘yo. Nagmumukha ka lang pong desperada." Biglang nagngitngit sa galit si Esperanza dahil sa sinabi ni Killiav. Tinago ko ang mga bata sa aking likuran. Hindi ko hahayaang saktan niya ang mga anak ko.

"Ang kapal ng mukha n'yo! Bakit?! Sino ba ang unang nang-agaw?! ‘Di ba ‘yang ina n'yo!!!" Nakakatakot ang awrang bumabalot kay Esperanza. Kailangan ko siyang mapigilan.

"Umalis ka na lang Esperanza! Kahit anong gawin mo hinding-hindi na kita babalikan! Alam mong una pa lang si Killy na ang may karapatan sa akin! Si Killy lang ang babaeng mahal ko! Iniwan mo ako noon at sobra ang naging paghihirap ko! Si Killy lang ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal na hindi mo naibigay sa akin noon! Iniiwan niya ako pero bumabalik siya para ayusin ang nasirang ako!

"Eh, ikaw? Anong ginawa mo? Iniwan mo ako! Iniwan mo ako at hindi ka na muling bumalik pa! Ni anino mo hindi ko nakita! Esperanza mahal kita! Mahal na mahal kita noon! Halos mabaliw ako no'ng mawala ka na umabot sa punto na gusto ko na lang patayin ang sarili ko! Pero hindi... Hindi ko gagawin ‘yon lalo na no'ng dumating si Killy sa buhay ko at lalo pang tumibay ang pagmamahal ko sa kaniya nang dumating ang mga anak namin. I LOVED you, Esperanza. Ang nakaraan ay nakaraan na. Palayain mo na ako. Mag-move on ka na kasi pare-parehas lang tayong masasaktan! Masasaktan mo kami at masasaktan mo ang sarili mo. Please, ako na ang nagmamakaawa sa ‘yo, tama na... Tumigil ka na." Kung ito lang ang tanging paraan para tumigil na siya, para tantanan niya na kami ng pamilya ko gagawin ko! Magmamakaawa ako sa kaniya kung ‘yon ang gusto niya. Para sa pamilya ko, gagawin ko kahit na ano.

"Do you think madadaan mo ako sa kadramahan mo, Liam?" Seryoso niyang tanong. "If you really want to get rid of me, then talk to me privately. Ipamukha mo sa akin na hindi ka karapat-dapat sa akin at hindi ako karapat-dapat sa 'yo. 'Yon lang ang paraan. You'll choose, Liam. Gagambalain ko kayo o makikipag-usap ka sa akin." Tumingin ako kay Killy at nakita ko ang pagtutol sa kaniyang mga mata.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon