Chapter 37

2.7K 88 25
                                    

Killy's POV.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito sa tabing dagat. Kanina pa ako rito, siguro mga alas kuwatro ng madaling araw, tapos sa tantiya ko mga alas siyete na ng umaga ngayon. Ilang oras na pala akong naririto. Ni hindi man lang ako makaramdam ng gutom, siguro dahil iniisip ko si Hevianna. Hindi siya mawaglit sa isip ko simula pa kagabi.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa buhanginan at pinagpagan ang puwitan ko. Baka nag-aalala na sila sa akin, hindi pa naman ako nagpaalam sa kanila kasi mga tulog pa sila no'ng lumabas ako sa rest house.

"KILLY!" Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses.

It's Liam!

Natigilan ako nang makita siyang tumatakbo papunta sa akin habang...

Naka-boxer short lang at walang pang-itaas na suot.

"Ano bang pinaggagagawa mo ha?! Alam mo bang pinag-alala mo kami lalo na ako?! Kanina ka pa namin hinahanap!!! Halos suyurin ko na ang beach resort na ‘to para makita ka tapos naririto ka lang pala!! Dapat nagsabi ka man lang na aalis ka!!! Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan nang makita kong wala ka sa tabi ko no'ng magising ako!!! Takot na takot ako!!!" Hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala lang. Nakakatawa na hindi man lang ako nagalit sa pagsigaw niya sa akin, parang may humaplos pa sa puso ko. Naaawa ako na natutuwa sa paraan ng pag-aalala niya.

"Liam... Ano kasi—" Natigilan ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit. "Liam..."

"‘Wag mo ng uulitin ‘yon! Alam kong marami akong masamang ginawa sa ‘yo at pinagsisisihan ko na ‘yon! ‘Wag naman sanang ganito Kill, ilang beses ka ng nawala sa akin, ilang beses ka ng nalayo sa akin. Ayoko na, ayoko ng malayo sa ‘yo! Parang awa mo na, oh." Narinig ko ang paghikbi niya at naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko. "P-Please...‘w-wag...mo akong...i-iwan. N-Nagmamakawa ako...K-Kill..." Hinaplos ko ang likod niya para maiparamdam sa kaniya na hindi ko siya iiwan. Na naririto lang ako sa tabi niya.

"Praning ka na. Bakit naman kita iiwan? Sira-ulong ‘to! Nagpapahangin lang ako rito." Inalis niya ang mga braso niyang nakayakap sa akin at hinarap ako. Napa-iling na lang ako at ginamit ang dalawa kong kamay para pahirin ang luha sa kaniyang mukha't pisngi. "Parang bata! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. Childish ka pa rin at—"

"At takot pa rin akong mawala ka sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya. "I love you Killy, do you love me too?" Natulala ako sa pula at berde niyang mga mata. Hindi siya naka-contact lense ngayon, madalas niyang ginagamit ang contact lense niya kapag nandito kami sa mundo ng mga tao, mukhang sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya na nasuot ang contact lense niya.

"I..." Ano na?! Anong isasagot ko? "I... I'm starving." True, ngayon ko lang naramdaman na nagugutom na ako!

He chuckled and he pat may head. Parang aso lang, gano'n. "Ipangako mo sa akin na hindi ka na aalis nang walang paalam. Kapag ginawa mo ulit ‘to itatali na kita sa tagiliran ko para hindi ka mawala sa tabi ko." Hindi ko alam kung banta ba ‘yon o ano, naging cause kasi ‘yon ng pamumula ng pisngi ko kaya mabilis akong tumalikod sa kaniya.

"Hays! Umiinit na, bumalik na kaya tayo sa rest house?" Pagdadahilan ko. Pero ang totoo'y iniiwasan ko lang na makita niya ang pamumula ng pisngi ko.

"Sus! ‘Wag ako Kill, 7:20 pa lang ng umaga at hindi pa sumisikat ang haring araw. Mahangin pa rito at malamig ang sea breeze. Mga dahilan mo, eh, bulok na bulok na. Ang sabihin mo kinilig ka lang sa sinabi ko." Mayabang niyang saad.

Hambalusin ko kaya ‘tong mokong na ‘to?

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Alam mo hindi ka lang isip bata, assuming ka rin! Kaya ka nasasaktan, eh!"

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon