Chapter 55

2.4K 79 0
                                    

2 months later.

Dalawang buwan ang hinintay ko bago pumayag si Hevianna na ituro ang lokasyon kung saan itinago ng mga kidnapper ang anak kong si Killiam at Killian. Sa dalawang buwan na nakalipas, hindi mawala sa akin ang kaba at pag-aalala.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Kinakabahang tanong ko kay Hevianna. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Huminahon ka Killy. Makakasama ang sobrang pag-aalala sa anak mo." Napahawak ako tiyan ko na malaki na. "Napakabilis ng panahon. Malaki na kaagad ang tiyan mo at malapit ka ng manganak, isang linggo na lang ang hihintayin mo. ‘Yong anak mo namang isa na si Killiav, mabilis siyang matuto at sa wakas nagawa niya ng ilabas ang kapangyarihan niyang nakatago. Paglipas ng ilang oras maibabalik na ang koneksyon niya sa mga kambal niya, malalaman na natin kung buhay pa ba si Killiam at Killian sa tulong ni Killiav. Ang pagbabalik ng koneksyon nilang tatlo ang magbibigay sa atin ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng dalawa mong anak," sabi ni Hevianna. Isang tipid na tango lang ang aking naging tugon.

Kinakabahan ako.

Napatingin kaming dalawa ni Hevianna sa pinto nang bigla itong bumakas.

Kaagad akong tumayo mula sa aking kinauupuan nang makitang pumasok si Liam at Killiav na puno ng pawis sa katawan.

"Puro pawis na naman kayo." Napailing ako at kumuha ng bimpo at pinunasan ang mukha at ulo nilang dalawa. "Kumusta ang training? Any improvements?" Bumaling ako kay Killiav. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang masulayapan ko ang mata niyang nagpapalit ng kulay sa tuwing siya ay kukurap.

Pula, berde, at itim. Iyang mga kulay na ‘yan ang nagpapalitan sa tuwing kumukurap si Killiav.

"Mayro'n, ang laki ng improvements ni Killiav. Gaya ng dati hindi kami nahirapan sa pag-control sa kapangyarihan niya. Magaling talaga ang anak kong ito." Ginulo ni Liam ang buhok ni Killiav. Hindi naman nagalit o nainis si Killiav sa ginawa ng kaniyang ama, mukhang mas natuwa pa nga siya.

"Mama! May good news po ako," nakangiting sabi ni Killiav.

"Ano ‘yon anak?" tanong ko.

"Kaya ko ng kontrolin ang pagbabago ng kulay ng mata ko!" Masayang niyang sabi. "Kapag pinanatili kong kulay itim ang mata ko, ang ilang kapangyarihang namana ko sa ‘yo bilang isang demon ang tanging nagagamit ko. Kapag red naman kapangyarihan ng bampira, kapag green naman ay sa wolf. Mayro'n pa, Ma!" Napabungisngis ako na parang isang bata. Nakakatuwa kasi si Killiav, talagang pinapakita niya sa akin kung paano niya napapanatili ang kulay ng kaniyang mata.

"Ano pa ang gusto mong ipakita?" Nasisiyahan kong tanong.

"Kaya ko rin po na alternate ang kulay ng mata ko! Sa gano'ng paraan magagamit ang dalawang klase ng kapangyarihan."

"Kung gano'n, kung itim ay pula ang kulay ng mata mo. Ang kapangyarihan ng demon at bampira ang maaari mong gamitin?"

Sunod-sunod ang pagtango niya. "Tama po! Puwede ko rin po silang pagsamahin para makabuo ng panibago at mas malakas na kapangyarihan."

"Wow! Ang galing naman." Napangiti ako. "Kaya mo na bang sumama sa amin? Ngayon ang araw kung kailan natin ililistas ang mga kapatid mo."

Biglang naging seryoso ang kaniyang ekspresyon saka tumango. "Handa na po ako." Kahit na seryoso ang kaniyang ekspresyon, may nakikita la rin akong pag-aalala sa mga mata ni Killiav.

"May problema ba anak?" tanong ni Liam kay Killiav. Mukhang napansin niya rin ang napansin ko kay Killiav.

"Nag-aalala lang po ako kay Mama saka kay baby." Napangiti ako sa inasta ni Killiav.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon