Killiav's POV.
Matapos ikuwento sa amin ni Mama ang tungkol sa tunay naming giagiá. Hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala.
Buong akala namin si Mommy Shasha na ang grandmother namin. I wonder if our real grandmother is as kind as Mommy Shasha.
"What will you do, Ma? Hahanapin po ba natin ang tunay naming giagiá?" tanong ni Killiam.
That's exciting! Adventure! Here we—
"No." Nanlumo ako sa sagot ni Mama.
No answer from Mama, no exciting adventure. So sad.
"But why?!" Me and ate Killian exclaimed in chorus with reproach.
Mama glare at us. Para kaming maamong tupa ni ate Killian na nag-iwas ng tingin. We shouldn't shout at Mama. Aish! Am I now a bad daughter?
"Hahanapin ko ang tunay kong ina at kayo naman ay mananatili sa Heaven University para ipagpatuloy ang inyong pag-aaral. Hindi ako papayag na sumama kayo sa akin lalo na't hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang kahaharapin ko bago ko makita ang aking tunay na ina." Ngunguto-nguto kaming dalawa ni ate Killian. Wala na kaming magagawa sa desisyon ni Mama. Excited pa naman kami pero heto, nganga na naman.
Bye-bye adventure.
Ate Killian snorted. "This is unfair!"
"Anong namang unfair doon, Allish Harra Lauran Killian Nightblood?" Seryosong tanong ni Mama.
Sana gumana ang pagiging brat ni ate Killian. Sana mapapayag niya si Mama.
"Mama naman! Gusto ka naming tulungang hanapin si giagiá, pero heto ka! Pinagbabawalan kami!" Napamulagat ako sa tono ng boses ni ate Killian.
She's really a brat.
Mama sighed. "Hindi ko naman kayo pagbabawalan kung wala kayong pasok. Kailangan n'yong mag-aral sa Heaven University. That's my final decision." Maawtoridad na sabi ni Mama.
Hindi makapaniwala si ate Killian. "But I don't what to study there! I don't what to study anymore!" Nararamdaman ko ang galit at lungkot na nararamdaman ni ate Killian. Paniguradong nararamdaman din ‘yon ni kuya Killiam.
Napatingin si ate Killian kay kuya Killiam nang hawakan siya nito sa kaniyang braso at umiiling.
"Mama is right, Killian. May mga bagay pa tayong dapat na matutunan. Hindi ito gano'n kadali," sabi ni kuya Killiam. Napatingin naman sa akin si ate Killiam na parang inaalam ang aking desisyon.
Sa sitwasyong ‘to, majority rule ang labanan.
"Ate Killian..." Think Killiav! Think! Magaling kang magdesisyon, ‘di ba? Kaya mo ‘to, para sa ikabubuti ng lahat.
"Don't tell me you're agree with them too? Ha? Killiav?" Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni ate Killian. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Naaawa ako kay kay ate Killian.
"I agree..." Napatungo na lang si ate Killian at nakita kong bumuhos ang kaniyang luha. "And also disagree." Biglang nag-angat ng tingin si ate Killian. Nakita kong nagkaroon ng pag-asa sa kaniyang mga mata. "Ahm... I—" Naputol ang aking sinasabi nang bumukas ang pinto ng aming kuwarto at iniluwa no'n si Papa.
Walang emosyon siyang nakatingin sa amin pero nang madako ang tingin niya kay ate Killian biglang nagkaroon ng gatla sa kaniyang noo.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya kay ate Killian.
"It's none of your business." Pinunasan ni ate Killian ang luha sa kaniyang mata at pisngi.
Nagtatakang napatingin si Papa kay Mama na parang nagtatanong kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...