Chapter 50

2.2K 76 0
                                    

"Nandito na tayo," sabi ni Esperanza.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang kuweba sa dulo ng Higera Forest. Alam ko ang kuwebang ito dahil nakapasok na ako rito noong hinahanap ko ang aking mga anak.

"Niloloko mo ba kami Esperanza? Walang kahit ano sa loob ng kuweba na ‘yan! That cave will lead us to nothing!" Isa na naman ba ito sa mga patibong ni Esperanza? Kailangan naming mag-ingat ni kuya, hindi pa buo ang tiwala ko kay Esperanza at may posibilidad pa rin na gawa-gawa niya lang ang mga sinabi niya sa akin.

"Let me just remind you Esperanza Nightmare. We are a Nightblood. We can kill you right here and now if you're just fooling us around." May pagbabantang sabi ni kuya Zack kay Esperanza.

"Nagsasabi ako ng totoo. Ang kuwebang ito ang magdadala sa atin kay Hevianna," aniya.

"Nakapasok na ako sa loob ng kuweba na ‘yan at wala akong nakita. Dead end ang dulo niyan." Nakahanda na ako sa posibleng gawin ni Esperanza. Ang buong atensyon ko ay nasa kaniya lang, hindi ako maaaring malingat kahit kaunti. Alam kong may tinatagong lakas at kakayahan si Esperanza. Hindi ko minamaliit ang kakayahang taglay niya, dahil ramdam ko na ang kapangyarihan at kakayahang taglay niya ay kayang sabayan ang kapangyarihan at kakayahan ko.

"May ibang daan sa loob ng kuwebang ito." Natigilan ako sa sinabi ni Esperanza. "At ipapakita ko sa inyo ang daan na sinasabi ko, kung saan nakatago ang madilim at mabahong lihim ng Heaven University."

Lihim ng Heaven University?

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. "Anong lihim ang ibig mong sabihin?"

Mapang-uyam siyang tumawa. "Hindi mo ba alam? Ang unibersidad na ito ay hindi basta-bastang unibersidad lamang. Tumatanggap sila ng mga istudyante na huhubugin ang kakayahan hanggang sa lumakas." Diretso siyang tumingin sa mga mata ko na para bang desidido siyang sabihin sa akin ang nalalaman niya tungkol sa Heaven University. "Pero paglipas ng dalawang buwan at may mga istudyante na hindi lumakas o walang nangyari sa kanilang kapangyarihan, walang silang ibang patutunguhan kun'di ang Exterminating Room kung saan papatayin sila ng mga exterminators at ipapakain ang bangkay nila sa mga mababangis na dragong pandigma ng Heaven University." Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Esperanza. Hindi ako makapaniwala na may gawaing gano'n sa unibersidad na ‘to.

Sa unibersidad na hinahangad ng nakararami na pasukin.

"So that rule isn't break until now?" Napatingin ako kay kuya Zack nang itanong niya ‘yon kay Esperanza.

"Alam mo ang tungkol sa sinabi niya?" Hindi ako makapaniwalang tumingin kay kuya. "Alam mo ang tungkol sa pesteng patakaran na ‘yon pero wala ka man lang ginawa?!" Hindi ko na napigilang hindi sumigaw.

Grabe... Ang sama nila. Paano nila nagagawang sikmurain ang gano'ng gawain? Paano nila nagagawang pumapatay ng inosenting nilalang dahil lang sa mahina ito?

Bakit gano'n? Akala ko maayos ang pamamalakad sa paaralang ito...

"Killy, you have to calm down." Hinawakan ni kuya ang balikat ko at yumuko upang magkapantay kaming dalawa.

"H-How?!" Hindi ko maiwasang hindi mabahala. Ang mga anak ko. Paano kung may nangyari na sa kanilang masama? Paano kung ‘yong kumuha sa kanila na sina Spane at Spike ay mga exterminators? Paano kung patayin nila ang mga anak ko? "How can I calm if I don't freakin' know if my children are safe or not?! Matapos kong malaman ang sinabi ni Esperanza tungkol sa Exterminating Room at sa mga exterminator, paano ko pakakalmahin ang sarili ko ngayon?" Gamit sa palad ko, pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang sikreto ng unibersidad na ‘to? Bakit kuya?"

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon