Chapter 45.

2.4K 90 7
                                    

Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakatayo ako sa isang madilim at hindi ko alam na lugar.

Hindi ako takot sa dilim, pero bakit may nararamdama akong kakaiba. Na parang may kung anong damdamin ang unti-unti nabubuo sa dibdib ko. Nagugulahan ako. Parang may nakabara sa dibdib ko na hindi ko matukoy kung ano.

"P-Papa?" May imahe akong nakita. Sigurado akong si Papa ‘yon. Naglalakad siya... palayo sa akin. "PAPA!!!" Tumakbo ako. Binuhos ko ang aking lakas para maabutan si Papa. Sumigaw ako nang sumigaw ngunit hindi siya tumigil sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maabutan si Papa. Palayo siya nang palayo. Napaluhod na lang ako nang makaramdam ako ng pagod at nag-uunahang tumulo ang aking luha habang nakatingin sa papalayong bulto ni Papa.

Napatingin ako sa kamay ko. Maliit ito na katulad ng isang batang nasa limang taong gulang. Napansin ko rin ang suot kong bistida na kulay pink, nakapa ko rin ang ipit sa aking buhok.

Ngayon ko napagtanto na ito ako, noong bata. Nangungulila ako sa atensyon at pagmamahal ng isang tunay na ama. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mahawakan, pero hindi ko magawa... Anong magagawa ng isang batang katulad ko?

"‘Yong papa ko... Papa..." Naririnig ko na ang sarili kong paghikbi. Nararamdaman ko ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi. "PA!!! BUMALIK KA, PLEASE!!! PAPA!!!" Nagkaroon ako ng pag-asa nang huminto siya at lumingon sa akin.

"Tapos na Killiav. Paalam..." Isang malungkot na ngiti ang binitawan ni Papa bago niya muli ako talikuran at naglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon