"Sigurado ka ba sa balak mo, Lly? Pupunta talaga tayo sa bahay n'yo? Baka naman niloloko mo lang ako." Kanina niya pa tinatanong kung totoo ba ang sinabi ko na pupunta kami sa mansyon naming mga Nightblood. Hindi kasi siya makapaniwala.
"Hay naku! Kung alam mo lang kung gaano kabigat ang presensya sa mansyon namin baka hindi mo na balakin na pumunta roon." Nawala ang excitement sa mukha ni Vam at napalitan ng pagtataka.
"Bakit? Ano bang mayro'n sa bahay n'yo?" Nagtatakang tanong ni Vam.
"Marami lang namang demonyo sa bahay," sabi ko at napairap. "Kaya ‘wag kang hihiwalay sa akin, baka hindi ka na makalabas ng buhay sa bahay na ‘yon." Nakita kong napalunok si Vam kaya bahagya akong natawa. Natakot ang loko, kanina excited. "Natakot ka ‘no? ‘Wag kang mag-alala, hanggat nasa tabi mo ako, hindi ka niya masasaktan," sabi ko kay Vam, at tinapik ang kaniyang braso.
"Sinong niya ang tinutukoy mo?" tanong ni Vam.
"Si Dad. ‘Wag ka masyadong lalapit sa kaniya. Mapanlinlang siya at kaya niyang kontrolin ang kahit na sinong gustuhin niya. Kapag may kutob ka na na may gagawin siya sa ‘yo at wala ako sa tabi mo, just whisper my name and I'll be there to save you."
"Sino ba ang Dad mo?"
"Si Harca Levi Killshon Nightblood o mas kilala bilang El Diablo Nightblood. Isa siyang pure demon at kinatatakutan ng lahat." Hindi na siya nagsalita. Bigla kasi siyang napatungo at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko na lang siya ginambala dahil baka bigla akong masapak nito kapag ginulo ko.
Sasakyan ni Vam ang ginamit namin papunta sa mansyon. Ala-una na ng madaling araw at kanina pa kami bumabyahe. Malayo ang mansyon sa restaurant ko kaya napaka-hassel kung gagamit ng kotse. Dapat pala nag-teleport na lang kami, e di mas napadali pa, wala eh, nandito na kami kaya ipagpapatuloy na namin.
Mga ilang oras pa ang lumipas, nakarating na kami sa mansyon ng mga Nightblood. Bumababa ako ng kotse at ganon din si Vam.
"Grabe. Tumataas balihibo ko. Nakakakilabot ang presensya ng bahay n'yo," sabi ni Vam habang hinihimas ang kanyang braso.
I told you! Makapanindig balahibo talaga ang presensya rito sa bahay.
"Wala pa ‘yan. Mas malala kapag nakaharap mo na si Dad." Naglakad kami palapit sa gate pero nakakailang hakbang palang kami ng sabay kaming mapahinto. "Ayan na siya," Mahina kong pagsasatinig. Nakita ko rin ang marahan na paglunok ni Vam at ang unti-unting pamumuo ng pawis sa kaniyang noo.
Si Dad. Papalapit siya sa amin. Binuksan ni Dad ang gate at lumapit sa amin.
"Where have you been?" Seryoso niyang tanong.
"I have work, Dad. I'm in my restaurant." Tumango lang siya at ibinaling ang tingin kay Vam.
"Who's this man?" Nagkaroon ng gatla sa noo ni Dad habang nakatingin siya kay Vam.
"Good morning Mr. Nightblood. I'm Edwin Vam Lee, Killy's friend," pagpapakilala ni Vam at pilit na nginitian si Dad. Nakikita ko ang takot na pilit niyang pinipigilang ilabas.
"What are you doing here?" Nakita kong namutla si Vam sa tanong ni Dad. Nakakatakot kasi ang boses ni Dad. "Did your parents know that you're here with my daughter?"
"Hindi po alam ng magulang niya na kasama ko siya. May misunderstanding kasi siya at ang pamilya niya. Lumayas siya para makaiwas sa gulo." Ako na ang sumagot dahil mukhang naputol ‘yong dila ni Vam. Hindi makapagsalita eh.
"May relasyon ba kayo?" Nagkatinginan kami ni Vam at sabay na natawa. Grabe! Anong pumasok sa isip ni Dad at tinatanong niya ‘yon? Naalala ko tuloy si Ain. "What's funny?" Nagtatakang tanong ni Dad.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...