Chapter 2

5.6K 176 17
                                    

May mga bagay sa mundo na gustong-gusto makuha ng mga tao. Gaya ng sariling bahay at lupa, magagarang kotse, mamahaling alahas, at higit sa lahat—pera. Kahit na ano'ng paraan gagawin nila makuha lang ang kanilang ninanais, masama man ang paraan na ‘yon o mabuti.

Pero ako? Hindi ko kailangan ng materyal na bagay, hindi ko kailangan ng sandamakmak na pera dahil ang kailangan ko ay impormasyon. Impormasyon tungkol sa tunay kong pagkatao.  ako kahit alam kong ikapapahamak ko, makuha ko lang ang impormasyon na kailangan ko.

"Are you ready?" tanong niya sa akin. May kakaibang ngiti sa kaniyang labi na hindi ko maipaliwanag.

Weird.

Huminga ako nang malalim. Wala akong alam sa pakikipaglaban at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

"H-Handa na—" Nagulat ako nang bigla na lang may lumapat na kamao sa mukha ko pero ang mas ikinagulat ko ay wala man lang akong naramdamang sakit kahit na kaunti. Malakas ang pagkakasuntok niya dahil tumalsik ako at tumama sa pader.

"Ano El Rica? May naramdaman ka ba?" nakangising tanong sa akin nang lalaking kalaban ko.

"Elly Rica nga ang pangalan ko— hindi El Rica!" Sinugod ko siya at akmang susuntukin pero nasalag niya ang pag-atake ko. Sinipa niya ako sa tagiliran pero wala pa rin akong naramdamang sakit na para bang manhid ang buo kong katawan.

"Hindi ka talaga makakaramdam ng sakit sa simpleng suntok at sipa lang, alam mo kung bakit? Dahil hindi ka naman tao." Natigilan ako sa sinabi niya.

P-Paanong...

"A-Ano? Teka nga! Nababasa mo ba ang nasa isip ko?" Nasasagot niya kasi ang mga katanungan sa isip ko kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya.

"Katulad mo hindi rin ako tao, pero marami tayong pinagkaiba." Nanlaki ang mata ko nang lumipad na naman ako at tumama sa pader. Sa pagkakataong ‘to'y naiinis na talaga ako. "Alam mo ba kung ano ang pinagkaiba—" Naputol ang kaniyang sinasabi nang masapak ko siya. Tumalsik siya at tumama sa pader. Hindi ako makapaniwala na muntik ng mabutas ang pader nang tumama siya roon. Gano'n ba kalakas ang suntok ko? "Ano El Rica? Naiintindihan mo na ba? Yes, you're a human, but half human and half demon." Aatakihin ko na sana siya pero napahinto ang kamao ko sa harap ng mukha niya.

"H-Hindi, nilalason mo lang ang isip ko. Walang katotohanan ang mga pinagsasabi mo! WALA!" Sinampal ko siya. Bumakat ang palad ko sa mukha niya pero parang wala lang sa kaniya ang sampal na iginawad ko sa mukha niya.

"'Yon ang totoo El Rica, ‘yon ang totoo," paulit-ulit niyang sabi.

"HINDI SABI!!!"

"AHHH!"

Nagulat ako nang biglang tumalsik ‘yong mayabang na lalaki. Wala naman akong ginawa sa kaniya mabiliban sa itinapat ko sa kaniya ang palad ko. Ang nakakataka'y...

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon.

"Nakita mo na?" Ika-ikang tumayo 'yong lalaking kalaban ko. "You have telekinesis ability, you have the power of the Legendary Igley, or should I say—you are the Legendary Igley."

"A-Ano?" Ano ba'ng nangyayari sa akin? Ano ba talaga ako? Sino ba talaga ako?

"Kating-kati ka na bang malaman kung sino kang talaga?" Biglang nagbago ang kulay ng kaniyang mata. Naging kulay pula ito at nagkaroon din siya ng pangil. "Mag-uumpisa na ang tunay na laban." Bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Hindi ako makapaniwala na bampira ang lalaking kalaban ko! Kaya pala kaya niyang basahin ang isip ko at kaya niyang maglaho na parang bula.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon