Third Person's POV.
"KILLY!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa hallway kung saan naglalakad si Killy. Napahinto sa paglalakad ang tulalang babae at nilingon ang nilalang na sumigaw sa kaniyang pangalan. Sa lakas ba naman ng sigaw ni Zack bakit hindi babalik sa huwisyo si Killy?
Humahangos ang kaniyang kuya na si Zack habang tumatakbo papunta sa kaniya.
"We have a problem!" Puno ng pangamba at takot ang mukha ni Zack. Nagtaka si Killy at nagkaroon ng pangamba. Minsan lang niyang makita na mabahala ng ganito ang kaniyang kuya. Dalawang dahilan lamang.
May nangyaring masama sa isa sa mga mahal niya sa buhay o may nangyari na hindi nila inaasahan.
"A-Ano?" Hindi maiwasan ni Killy na mangatal dahil sa takot at pangambang nararamdaman. Ang mga anak niya ang tanging pumapasok sa isip niya, umaasa siya na sana walang nangyari sa mga ito dahil hindi niya alam kung ano'ng mangyayari sa kaniya kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniyang mga anak.
"Natatandaan mo ba ‘yong balita noong nakaraang linggo na may mga nawawalang istudyante at trainers rito sa Heaven University?" Napakunot ano noo ni Killy. Anong kinalaman no'n sa problema nila? Mas malaki ang kinahaharap nilang delima kaysa sa pagkawala ng mga istudyante at trainers!
Mapang-uyam siyang tumawa. "Wala akong panahon para sa kanila, kuya. Ang mga anak ko ang kailangan kong hanapin at hindi siya! Mababaliw ako kapag hindi ko mahanap ang mga anak ko! Kuya, sila muna. ‘Yong mga anak ko muna..." Hindi napigilan ni Killy ang mga luhang tumakas mula sa kaniyang mga mata. Sobrang pag-aalala ang nararamdaman niya ngayon, hindi siya mapanatag. Umaga hanggang gabi hinahanap niya ang kaniyang mga anak ngunit hindi niya ito mahanap at mas lalo lang tumitindi ang kaniyang pangamba't pag-aalala.
Kailangan niyang mahanap ang mga anak niya bago siya masiraan ng ulo!
"But Kill! The kidnapper wants you! The one who kidnapped you children is the same kidnapper who kidnapped the students and trainers here in Heaven University!" Natigilan si Killy. Pakiramdam niya kasalanan niya ang mga nangyari. Gusto niya na ng tahimik na buhay. Ngayon, pinagsisisihan niya na na bumalik siya rito. Sana nanatili na lang siya sa Greece.
"Kasalanan ko ‘to. Sana hindi na ako bumalik dito. Hindi na sana mangyayari ang lahat ng ‘to." Puno ng pagsisisi si Killy. Sinisisi niya ang kaniyang sarili. Iniisip niyang kasalanan niya ang lahat, simula sa pagkawala ni Liam at ng mga anak niya pati ng mga istudyante at trainers ng Heaven University.
"Hey..." Niyakap siya ni Zack at hinagod ang kaniyang likod upang pagaanin ang kaniyang loob. "It's not your faul. Wala kang kasalanan sa nangyari." Ngunit sarado ang isip ni Killy. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ng kaniyang kapatid. Patuloy pa rin siya sa pagsabi sa kaniyang sarili na kasalanan niya ang lahat. "Shh... I'm here, nandito ako para tulungan ka. Hindi ko hahayaang lumaban ka mag-isa, naririto lang ako palagi sa tabi mo." Umiyak si Killy sa dibdib ng kaniyang kapatid. Inalabas niya lahat ng sama ng loob na kaniyang nararamdaman, lahat ng sakit at galit—Nilabas niya sa pamamagitan ng pagluha.
Pagdamay lang kay Killy ang tanging magagawa ni Zack sa ngayon, dahil kahit siya'y hindi alam kung sino ang may kagagawan sa pagkawala ng kaniyang mga pamangkin. Walang ebidensya o bakas na iniwan ang mga salarin, masyado silang malinis magtrabaho.
"I can help you if you want." Isang tinig ng babae ang narinig ng magkapatid kaya natigilan sila at napatingin sa babaeng nasa harap nila. "May alam ako sa nangyayari, puwede tayong magtulungan kung gusto n'yo." Seryoso ang mukha niya at maging ang kaniyang boses.
Nagtagis ang bagang ni Killy nang makita kung sino ang nasa harap niya.
Tsk! Bakit niya ba nakalimutan na naririto pala si Esperanza sa Heaven University?! Maaaring isa siya sa dahilan ng pagkawala ng mga anak ni Killy.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...