Chapter 47

2.2K 87 12
                                    

Killian's POV.

"How can we get out of here?" Killiav asked. There's no sign of fear in her face. No doubt, we're all get into this situation several times already. We're used to it.

"What kind of rope is this? Bakit hindi nasisira kahit anong pagpuwersa ang gawin ko?" I try to break it again and again but nothing happened. This rope is  so freakin' sturdy!

"This is the String of Curse," Killiam said.

Okay... What was that?

"Sana alam ko kung ano ‘yon." Umairap ako sa hangin.

"Ang String of curse ay isang tali o lubid na pumipigil sa kalahati ng kapangyarihang mayro'n tayo. Kaya kahit anong pagpuwersa ang gawin mo, hindi mo ‘yan masisira. Only a strong feeling of emotions can break this sh*t. Sana kasi nakinig ka sa nga tinuturo ng mga trainers at professors natin para may alam ka naman sa mundo natin hindi ‘yong puro laman ng utak mo ay patayan." Mapang-uyam na sabi ni Killiam. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin.

"So pinalalabas mo na bobo ako?"

"Ikaw nagsabi niyan." Nag-iwas siya ng tingin.

Napamulagat ako. So pinapapalabas niya ngang bobo ako?!

"Hoy Killiam! Hindi porket mas matalino ka kaysa sa akin—gaganyanin mo na ako!"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Nagalit ba ako sa ‘yo no'ng minaliit mo ang kakayahan ko sa pakikipaglaban?"

"At kailan naman kita minaliit, ha? Aber?!"

"Lagi." Natigilan ako sa sagot niya. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin at mukhang hindi siya nagsisinungaling.

Gano'n ba talaga ako sa kaniya? Minamaliit ko ba talaga ang kakayahan niya?

"Tumigil na nga kayo!" Nangibabaw ang boses ni Killiav sa paligid, kaya nawala ang tensyon sa pagitan namin ni Killiam. "Imbis na mag-away kayong dalawa, bakit hindi na lang tayo gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na ‘to? ‘Yon ang mas nararapat nating gawin kaysa mag-away."

Mapang-uyam akong tumawa. "Talaga ba Killiav? Sige nga, gumawa ka nga ng plano kung pa'no tayo makakaalis sa lugar na ‘to, hindi ‘yong palagi ka na lang umaasa sa amin ni Killiam."

"Ate Killian, please, ‘wag mong pairalin ngayon ang kasupladahan mo. Hindi nakatutulong—"

"Bakit? Nakatutulong ba ‘yang mga salitang lumalabas sa bibig mo? Mapuputol ba n'yang plano mo ang String of Curse na ‘to?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Napamulagat siya at bumalatay ang sakit at lungkot sa kaniyang mukha. Muli akong mapang-uyam na tumawa nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. "Ano Killiav? Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit hindi mo ipaglaban ‘yang planong sinasabi mo? Bakit natameme ka d'yan?"

"G-Gusto ko lang naman tumulong..."

"Tumulong? Anong klaseng tulong ang sinasabi mo? Ano ba'ng kaya mong gawin sa sitwasyon na ganito? Magpaawa? Magsalita? Ah, baka naman WALA!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kahit hindi n'yo ako kasing lakas, kaya ko pa rin naman gumawa ng plano!" Namuo ang luha sa mata niya. Napairal na lang ako at umiling. "Bakit ka ganiyan sa ‘kin ate Killian? Ano ba'ng ginawa ko para pagsalitaan mo ako ng ganito? Gusto ko lang naman tumulong."

"Wala kang kuwenta." Deretsahan kong sabi habang nakatingin deretso sa mata niya. "Wala kang silbi, puro paawa lang ang kaya mong gawin! Grow up, Killian! Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo kami para ipagtanggol ka! Matuto ka namang lumaban para sa sarili mo!"

"Paano ako lalaban kung wala naman akong kapangyarihan katulad n'yo?!" Tumulo na ang luha na kanina niya pa pinipigilan. "Ate Killian, kapatid mo ako! Kilala mo ako simula bata pa lang tayo! Iniintindi nga kita, eh. Sana naman intindihin mo rin ako. Kahit ‘yong kalagayan ko lang..."

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon