Epilogue

4.2K 110 27
                                    

"Condolence."

‘Yan ang laging naririnig ni Liam. Nakatulala lang siya sa kawalan. Malalim ang iniisip, at para bang wala sa katinuan.

"Papa, okay ka lang po ba?" tanong ni Killiav sa kaniyang ama.

Bumalik sa reyalidad si Liam at pilit na nginitian ang kaniyang anak. "Oo anak, ayos lang ako."

Alam ni Killiav na napipilitan lang kaniyang papa at nagpapanggap na ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga. Kaya naman binigyan niya ito ng yakap.

"Okay lang naman na umiyak, Pa. Wala naman pong masama ro'n. Mas makabubuti pa nga po ‘yon para gumaan po ang loob mo," ani ni Killiaf habang nakayakap sa kaniyang papa.

"H-Hindi ko kayang makita siya na nasa loob ng kabaong. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya... Na iniwan niya na tayo." Naramdaman ni Killiav ang pagpatak ng luha ng kaniyang ama.

"K-Kahit ako naman po, eh. Gusto ko pa po siya makita sa huling pagkakataon. Namimiss ko na po siya." Katulad ng kaniyang ama ay hindi na napigilan ni Killiav na umiyak.

"Oh? Bakit nag-iiyakan kayo d'yan?" Napatingin silang dalawa sa nagsalita. "Hindi gugustuhing makita kayong ganiyan." Umupo ito sa kanilang tabi.

"Killy naman! Hindi ka ba nalulungkot sa pagkawala ni haring Killshack? Propappoús mo kaya ‘yon!" Nakangusong sabi ni Liam.

"Malungkot ako sa pagkawala ni tanda. Ni hindi man lang siya nagpaalam na mawawala na pa siya. Eh ‘di sana ako na ang tumapos sa kaniya," kaswal na sabi ni Killy.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan!" Inis na sabi ni Liam.

"Biro lang. Ayoko lang maging malungkot. Paniguradong masaya na si Tanda kung nasaan man siya ngayon." Isang mapait na ngiti ang ibinigay sa kanila ni Killy.

"Killy, kanina ka pa hinahanap nitong si Killiaf." Napalingon si Killy nang marinig ang kaniyang tunay na ina na si Hevianna na magsalita. Buhat-buhat nito ang kaniyang anak na limang taong gulang kung ang itsura nito ang pagbabasihan.

"Papa!" Imbis na si Killy ang tawigin nito, mukhang mas pinili niya ang kaniyang ama. Umaktong nagpapabuhat si Killiaf nang makita ang ama. Kinuha naman ito ni Liam at binuhat.

"Lablab papa." ‘Agad namang pinugpug ng halik ni Killiaf ang mukha ni Liam dahilan para mapabungisngis sila. "‘Wag kang sasama kay giagiá Hevianna mo, ‘di ba sabi ko bad siya?"

"Liam!" Pinanlakihan ni Killy ng mata si Liam.

"‘Indi naman, eh. Bait kaya si giagiá." Tutol ni Killiaf sa sinabi ni Liam. "Ikaw papa bad! Bad ka! Away mo si giagiá Hevianna!" Ngumuso ang bata at masamang tumingin kay Liam.

"‘Yan, backfire. Karma tawag d'yan Liam," nakangising sabi ni Killy sa asawa.

"Nagbibiro lang si papa. ‘Wag na magalit Killiaf. Love mo si papa, ‘di ba?" Ngunit hindi sumagot si Killiaf. "Ay, sige, aalis na ako. ‘Di naman ako love ni Killiaf, eh. Do'n ka na kay giagiá mo." Ipapasa na sana ni Liam si Killiaf kay Killy pero natigilan ito nang biglang pumalahaw ng iyak ang bata.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh." Napirap na lang si Killy.

"Shh... Joke lang, baby. ‘Di aalis si Papa. Dito lang ako." Natatarantang pinatahan ni Liam ang anak. "Killy, tulong naman, oh." Napairap muli si Killy at napailing. Lumapit siya sa anak at kinausap ito.

"Killiaf, tahan na. Nagbibiro lang naman si Papa, eh. Tama na ang iyak."

"I-Iwan t-tayo... p-papa..." Anito at nagsimula ulit umiyak.

"Hindi, ‘di tayo iiwan ni papa. Love mo na kasi siya tapos sabihin mo ‘wag niya tayong iiwan." Nagkatinginan si Killy at Liam.

"P-Papa... l-love k-ka... K-Killiaf. P-papa—‘w-wag a-alis, h-ha?" Hindi na ito makapagsalita ng maayos sa kaiiyak.

"Oo, ‘di aalis si papa, promise." Ipinatong ni Killiaf ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang ama habang mahigpit na nakahawak sa damit nito. Unti-unti pa'y nakatulog na ito.

"Killy." Napalingon ang lahat nang marinig ang boses ni El Diablo.

"Dad..."

"Magsisimula na." Para bang may kung anong bumara sa dibdib ni Killy nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama.

Pumwesto na sila malapit sa kabaong. Nag-umpisa nang lumakas iyakan sa paligad. Nandito ang ibang kamag-anak at malapit kay Hya Cashlo Killshac Nightblood na mas kalala bilang El Rio. Marami siyang natulungan sa matagal na panahong nabubuhay siya. Isang siyang mabait na nilalang kahit na galing siya sa angkan ng mga Nightblood.

At ngayon, ang oras kung kailangan lahat ng natulungan niya at malapit sa kaniya ay magpapaalam na sa kaniya.

"Maraming salamat, Tanda. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Ma-mi-miss kita. Ingat ha? May bago ka na namang paglalakabay na gagawin. Sana marami ka ring matulungan d'yan," bulong ni Killy. Tumulo ang kaniyang luha. Akala niya kaya niya, akala niya magagawa niyang hindi umiyak.

Hindi niya pala talaga kaya.

Nang binuksan ang kabaong, ang nakahimlay na katawan ni El Rio ay biglang nagliwanag at nagliparan ang napakaraming paruparo na kulay ginto. Ang katawan ni El Rio ay bumuo ng bago at napagandang nilalang.

Inangat ni Killy ang kaniyang kamay, at may dumapo ro'n na nagintong paruparo.

"Paalam, Heavenly." Matapos marinig ni Killy ang boses ni El Rio, lumapad na ang paruparong dumapo sa kaniya at sumabay sa mga kasama nito.

"Paalam, Propappoús."

Napatingin si Killy kay Liam nang marinig niya itong bumuntong-hininga ng malalim.

"May problema ba?" tanong ni Killy.

"Narinig ko ang boses ni haring El Rio. Nagpaalam siya sa akin, at sabi niya pa patawarin ko na raw si Hevianna dahil pinapili niya kung si Killiaf ba o ikaw ang pipiliin kong mabuhay." Natawa si Killy sa hitsura ng kaniyang asawa.

"Patawarin mo na kasi si Mamá. Gusto niya lang makita kung gaano mo ako kamahal kaya niya nagawa ang bagay na ‘yon."

"Kahit na! Iyon ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ko."

"Thirty-two years na ang nakalipas, Liam. Move on."

"Hayst! Bahala na."

"Kalimutan mo na ‘yon, at least natuloy ang kasal natin at mayroon pa tayong apat na anak," masayang saad ni Killy habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Tama ka. Basta nasa tabi ko kayo, magiging okay ako." Lumapit si Liam kay Killy at hinalikan ito. "I love you, My queen."

"I love you too, My king, forever."

~•THE END•~

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon