Chapter 5

4.4K 147 15
                                    

Mabilis kong pinapatakbo ang aking kotse. Inangkin ko na kahit hindi naman talaga ‘to sa akin. Mukhang wala na kasing gumagamit at nakatambak lang sa may back gate namin.

"Baka mahuli tayo ng mga pulis." May pag-aalala sa mukha ni Val. Ngayon kasi, hinahabol kami ng mga pulis. Why? Dahil ang bilis naming magpatakbo at muntik na akong makabangga ng tao. "Malipit na sila! Bilisan mo pa—Woah!" Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Malapit na kaming sa bahay ni Lolo. At hanggang ngayon nakasunod pa rin sa amin ang mga pulis.

"Shit!" Binabaril na nila kami!

"Do something!" F*ck! Ang ingay ng lalaking ‘to!

"Pumirmi ka lang diyan at ‘wag kang maingay." Ginamit ko ang Igley power ko. Pinahinto ko ang mga kotse ng pulis na nakasunod sa amin. "Ayan. Wala ng saga—What the h*ll?!" Patuloy pa rin nila kaming binabaril. Aish! Hindi talaga titigil ang mga ‘to!

"Makukulong tayo nito eh!" Sigaw ni Val.

"‘Yon ay kung maabutan nila tayo." Nakalayo na kami at hindi na rin kami inabot ng mga bala nila. Pero ‘yong kotse ko! Sobrang na-damage!

"Nandito na tayo," ani Val habang nakatingin sa bahay ni tanda na mukhang hunted house. Mukha nga itong nakakatakot dahil ang daming uwak sa paligid na parang tagabantay ng bahay. "‘Wag nalang kaya tayo tumuloy?" May takot sa boses ni Val.

"Ang duwag mo naman. Bampira ka ‘di ba? Dapat wala kang kinatatakutan." 

"Hindi naman ako natatakot sa bahay. Natatakot ako sa aura ng Lolo mo. Damang-dama ko kasi kahit nandito ako sa labas."

"‘Wag kang mag-alala, ako ang bahala sayo. Hanggat nasa tabi mo ako, hinding-hindi ka masasaktan ni tanda." Bigla akong napatingin sa mga uwak nang bigla na lang silang nagsilipad paalis. Nahagip rin ng mata ko ang matandang pabalas ng bahay.

"What a surprise! Naririto ang pinakamamahal kong apo. How are you, Heavenly?" Nakangiting tanong ni tanda nang makalapit siya sa amin.

"Stop it old man. I know that you know that we are here. I know that you can feel our presence."

"Wala talagang nagbago sa ‘yo, Heavenly." Napailing si tanda. "Ano ang sandya n'yo? Bakit kayo naparito sa aking tahanan?" Tumingin siya kay Val. Si Val naman ay agad na nag-iwas ng tingin.

"Gusto kong maalala ang nakaraan ko."

Tumalikod sa akin si tanda. "Ang nakaraan ay hindi na dapat balikan pa, Heavenly. Kaya nga tinawag itong nakaraan dahil tapos na ito at hindi na maaring ulitin."

Napairap ako. Bakit parang ang drama niya ngayon? "Hindi ko sinabing ibalik mo ako sa nakaraan. Gusto ko lang ulit maalala ang nangyari sa akin noon."

Nilingon niya ako. "Ano naman ang gagawin mo kung maalala mo ang iyong nakaraan?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ano nga ba ang gagawin ko? Ano ba ang mangyayari kung maalala ko ang aking nakaraan? May magbabago ba?

"Bakit natahimik ka, Heavenly?" Ngumisi si tanda na ikinainis ko. "Tama ang Dad mo, hindi mo na kailangang malaman pa ang tungkol sa nakaraan mo dahil wala rin namang mangyayari."

"G-Galing dito si Dad?" Gulat kong tanong.

"Oo, kaaalis niya lang kanina." Shit! Sigurado akong nasabihan na siya ni Dad na ‘wag sabihin sa akin ang aking nakaraan! Nakakinis talaga! "‘Wag ka ng mag-aksaya ng oras, Heavenly. Kahit malaman mo ang iyong nakaraan, wala rin namang mangyayari. Isa ka lang ordinaryong istudyante na nag-aaral sa Half Blood Academy, noon. Wala kang mga kaibigan dahil takot sa ‘yo ang lahat." Seryoso ang pagkakasabi ni tanda. "Ngayon, sabihin mo sa akin kung gusto mo pa ring maalala ang iyong nakaraan, gayong wala ka namang dapat pang balika dahil nag-iisa ka lang noon. Wala kang mga kaibigan, walang may gustong makipagkaibigan sayo"

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon