Spane's POV.
"Sige, Zack. Labanan mo lang ang mga alagad ko. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Nakaupo lang ako sa aking komportableng sofa habang pinapanood si Zack Nightblood na makipaglaban sa mga alagad ko.
"Hindi ka ba naiinip sa ginagawa mo?" tanong sa akin ni Spike.
"Hindi naman. Nag-e-enjoy nga ako, eh," sabi ko at nginisian siya. Masayang paglaruan ang kalaban, sobrang saya. "Makita ko lang na nahihirapan at namomroblema ang mga kalaban ko, nagagalak na ang aking puso."
"Mukhang hindi lang naman ikaw ang nag-e-enjoy. Pati siya." Tinuro ni Spike si Zack na nasa monitor. Hindi ko alam kung nag-e-enjoy ba talaga ‘tong si Zack dahil walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko nang wala akong nakitang kahit anong bakas ng enjoyment sa mukha ni Zack. Sobrang seryoso ng kaniyang mukha.
"Hindi mo ba nakikita ang bawat paggalaw niya? Ang bawat pagwasiwas niya sa hawak niyang espada? Natutuwa siya, Spane. Mukhang matagal ng hindi nakakapatay ‘yang si Zack." Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa monitor at pinag-aralan ang galaw ni Zack.
Swabe siya kung gumalaw at nararamdaman niya kung saan susunod na aatake ang kanyang kalaban. Kahit na sobrang dami ng aking alagad ay nagawa niya iyong paslangin lahat sa loob lamang ng ilang minuto.
"You want to play with me, right?" Ani Zack. Puro itim na dugo ang nakabalot sa kaniyang katawan. "Then I will give you a game that you will never forget." Nagulat ako nang magtagpo ang mata namin sa monitor. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako o sadyang nararamdaman niya lang na nakamasid ako.
"Hmm, mukhang alam niya na kung nasaan ka," sabi ni Spike na nasa likod ko.
"Nagkataon lang ‘yon." Kinuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis. Alam na kaya nito ni Zack ang nangyayari sa kaniya?
"Pero pwede ring hindi." Masama kong tiningnan si Spike. "Pinapaalala ko lang sa ‘yo, Spane. Maaari siyang makawala sa kapangayarihan mo, at kapag nangyari ‘yon... Malaking problema ang haharapin mo."
"‘Wag kang mag-alala. May nakahanda na akong plano kung sakaling makawala siya sa ilusyong ginawa ko." Kumuka ako ng isang basong tubig at tiningan ang repleksyon ko. "Kamusta na kaya ‘yong isang anak ni El Diablo?"
"Ano ba ang plano mo sa babaeng 'yon?" tanong ni Spike.
"Hindi niya maaaring malaman ang kaniyang nakaraan." Ayan na naman ‘yong galit na lumulukob sa dibdib ko. Sa tuwing naaalala ko talaga ang Killy na ‘yon laging bumabalik sa aking isip ang mga nangyari noon. Ang mga namatay sa kamay ng mga Nightblood. Kasalanan nila ‘to!
"Kung ganoon hindi ka pa nakaka-move on sa lahat ng nangyari sa atin noon."
"Paano ako makaka-move on kung patuloy ko pa ring nakikita ang dahilan kung bakit naging misirable ang buhay natin noon! Siya at ang pamilya ang dahilan—"
"Tama na Spane! Sinasaktan mo lang ang sarili mo."
"Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakagaganti sa kanila. Kukunin ko lahat sa kaniya gaya ng pagkuha niya ng lahat sa akin!" Maghaharap din tayong dalawa. Sisiguraduhin kong magsisisi ka sa ginawa mo sa amin...
Nightbloods!!!
Killy's POV.
"Tanda." Tawag ko.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
Bumuntong hininga ako. "Matagal ko ng pinuproblema ‘to. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masulusyonan." Grabe na talaga ‘tong problema ko at napakaseryoso pa.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...