"LIAM! BITAWAN MO NGA AKO!" Patuloy pa rin siya sa paghatak sa akin. Ang higpit nang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko at paniguradong mag-iiwan ‘yon ng marka. "BITAW SABI!" Gamit ang aking lakas, pinilit kong pakawalan ang aking sarili mula sa kaniya.
Parehas kaming napaatras dahil sa lakas ng pwersa ng paghila ko. Tiningnan ko ang pulsuhan ko, bumakat do'n ang kamay ni Liam pero unti-unti naman na itong nawala. Buti na lang mabilis mag-regenerate ang katawan ko.
"Ano bang problema mo?!" Nakakunot ang aking noo at alam kong sa mga oras na ito, makikitaan ng inis ang aking mukha.
Sino ba namang hindi maiinis sa ginawa niya? Sinapak niya lang naman si Val tapos bigla niya akong hinatak!
Gaya ko, bakas din ang iritasyon sa kaniyang mukha. "Baka nakakalimutan mo na may anak tayo."
"Ano naman ngayon?"
Mas lalong bumakas ang iritasyon sa kaniyang mukha. Sobrang kunot ng kaniyang noo at puno ng inis ang kaniyang mga mata. "Ano naman ngayon?! Killy naman! May anak tayo pero bakit gano'n kalapit ang mukha no'ng Val na ‘yon sa ‘yo, na halos maglapat na ang labi n'yo!"
Napataas ang kilay ko. "At least ‘yong sa amin halos maglapat lang. Eh, ‘yong sa inyo ni Esperanza? TALAGA naglapat!" Ang kapal ng mukhang niyang isumbat sa akin ‘yon! "Baka nakakalimutan mo rin na hindi tayo kasal at hindi mo ako asawa kahit na may anak pa tayo. Kaya ‘wag mong idahilan ang mga bata. Kung gustuhin ko mang magpakasal sa ibang lalaki, magagawa ko. Wala akong pakialam kung pumayag ka man o hindi." That's the reality. We both know that we're already done, kung ano man ang desisyon ko, wala na siyang say do'n! 'Cause it's my rights to make a decision without his concern!
"Gumaganti ka? Gano'n ba ang gusto mong iparating?" Mapakla akong natawa sa tanong niya.
"Bakit naman kita gagantihan? Your not worthy of my time anymore! Magagawa ko ang gusto kong gawin! At kung masaktan ka man sa mga makikita mo katulad no'ng nakita mo kami ni Val, hindi ko na kasalanan ‘yon. Kung ayaw mong masaktan sa mga makikita mo... the best decision you can do is to move on." Nawala ang bakas ng galit sa kaniyang mukha. Purong lungkot at pagsisisi ang pumalit. Hindi ko magawang maawa sa kaniya dahil mas naaawa ako sa sarili ko. Lahat ng sakit at paghihirap dinanas ko, pinaglaban ko siya noon kahit na alam kong talo na ako. Pinatawad ko siya dahil iyon ang sa palagay ko ay tamang gawin. Tinulungan ko siyang makipag-ayos sa mga anak namin dahil gusto kong maiparamdam sa mga anak ko kung ano ang pakiramdam na buo ang pamilya, at para bigyan siya ng pangalawang pagkakataon na patunayan ang sarili niya. "LAHAT ginawa ko para sa ‘yo! Tiniis ko ang lahat para sa ‘yo! Kahit sukdulan na ang kasamaang ginawa mo sa akin, pinatawad pa rin kita kasi ang akala ko magbabago ka! Pagdating sa ‘yo lagi akong gumagawa ng desisyon na hindi ko alam ang kahihinatnan. I always willing to take the risk! Gano'n kita kamahal, Liam. Gano'n kita kamahal na kahit ang sakit-sakit na! Kahit na sugatan na ako! Kahit na sobrang hirap na...! Patuloy pa rin akong lumaban kahit na ang pinaglalaban ko ay hindi ako ang gustong ipaglaban..." Hinayaan ko ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Gusto kong magpakatatag pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko. Na para bang sa oras na pigilan ko pa ‘tong nararamdaman ko, bigla na lang akong sasabog.
"Sorry..." Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung dahil sa akin nahirapan ka. Sorry sa lahat ng—"
"Tumigil ka na! Kahit ilang milyon pang sorry ‘yan, kahit mawalan ka na ng boses ka-so-sorry mo, hinding-hindi ko na tatanggapin ‘yan." Tinalukuran ko siya at naglakad palayo. Ayoko nang mas pahirapan pa ang sarili ko.
Mas mabuti nang lumayo kaysa naman mas lalo lang akong masaktan.
Killiav's POV.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...