Chapter 34

2.4K 93 4
                                    

Killy's POV.

"Mama, bakit n'yo po kami pinatawag? May importante po ba tayong pag-uusapan?" Tumango ako bilang sagot sa katanungan ni Killiav.

Nandito na ako sa harap nilang tatlo. Balak ko ng sabihin ang plano ko sa pamilya namin.

Hanggang ngayon... Hindi pa rin naalis ‘tong kaba sa dibdib ko. Kung ano man ang maging pasya ng mga anak ko, igagalang ko. Hindi ko puwedeng ipilit ang bagay na hindi nila gusto.

"Mga anak... Gusto kong mabuo ang pamilya natin." Bumakas sa kanilang mukha ang pagkagulat. Inaasahan ko na na magiging gano'n ang reaksyon ng kanilang mukha. "Matagal ko nan napatawad ang inyong ama. Alam kong galit kayo sa kaniya dahil sa ginawa niya sa atin noon, pero hindi natin maitatanggi na ama n'yo pa rin siya at kailangan natin siya."

"Hindi natin siya kailangan! Lumaki kami na wala siya! May sari-sarili na kaming ama! Nabuhay kami na wala siya at patuloy kaming mabubuhay kahit wala ang tulong niya." Nakita ko sa mga mata ni Killian ang galit at pagkamuhi. Hanggang ngayon hindi pa rin niya napapatawad ang kaniyang ama, kahit kaunti man lang.

"Killian is right," segunda ni Killiam. "We don't need him. Kaya kong tumayo bilang ama ng mga kapatid ko kung kinakailangan." Wala akong makitang emosyon sa mga mata ni Killiam. Manang-mana siya kay Liam kapag nagseseryoso.

"Ahm..." Napatingin ang lahat kay Killiav. "Wala pong problema sa akin kung mabubuo ang pamilya natin. Mahal n'yo naman pong dalawa ni Papa ang isa't isa at ayokong maging hadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa, Mama."

My eyes widened. "H-How did you know?"

Killiav smile. "Nakikita ko po sa mga mata mo. Kahit pilit man pong itago ng ekspresyon mo ang tunay mong nararamdaman, hindi naman nagsisinungaling ang iyong mata. Maningning po ang mga mata mo sa tuwing nakikita o nakakasama mo si Papa. Ibig sabihin lang po no'n, may nararamdaman ka po kay para sa kaniya." Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na pati mga kilos at ekspresyon ay nababasa at naiintindihan ni Killiav.

Mukhang unti-unti ng lumalabas ang kakayahan ng batang ‘to.

"Hindi pa rin ako papayag." Napatingin ang lahat kay Killian. Matapang niyang sinalubong ang tingin naming tatlo sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata niya na desidido talaga siya na hindi tanggapin si Liam. "Ano ‘to?! Ganon-ganon na lang?! Pagkatapos ng ginawa niya basta-basta na lang natin siya tatanggapin, tapos ano?! Sasaktan niya lang ulit tayo? Sasaktan ka lang niya ulit, Mama!" Napatungo ako sa paraan ng pagsigaw sa akin ni Killian. Hindi ko alam kung double meaning ba ‘yong sinabi niya, pero para sa akin may ibang ibig sabihin no'n. Parang... pinamumukha niya sa akin ang pagkakamali ko noon.

"Killian! Tumigil ka na!" Suway ni Killiam kay Killian.

"Bakit?! Totoo naman ‘yong sinabi ko, ah!" Sigaw ni Killian sa kaniyang kapatid.

"Sabi nang tumigil—"

"Sa tingin n'yo ba natutuwa akong nangyari ang mga masamang pangyayari noon?" Naramdaman kong natigilan silang dalawa. "Simula noong isinilang ko kayong tatlo, wala na akong ibang inisip kun'di ang kaligtasan n'yo. Sino ba namang ina ang gugustuhing mapahamak ang kaniyang anak? Mas mahal ko kayo kaysa sa sarili ko. Mas mahal ko kayo kaysa sa buhay ko. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit mamatay ako, kaligtasan n'yo pa rin ang tanging iisipin ko." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Kayo ba? Kahit minsan ba inisip n'yo ako?" Bumakas ang gulat sa kanilang mukha at mabilis silang nag-iwas ng tingin kaya naman mapang-uyam akong tumawa. "Oo nga, siguro. Baka nga kahit minsan pumasok ako sa isip n'yo, pero ano ang dahilan? Ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa isip n'yo? Dahil ba masaya kayo? Malungkot? May nararamdaman? O dahil ayaw n'yong patawarin ko si Liam?" Isang matinding katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Bumuntong-hinga ako saka tumayo sa aking kina-uupuan para lisanin ang kuwartong ‘to. Kung ‘yon na talaga ang desisyon nila, gaya nga ng sabi ko kanina, irerespeto ko.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon