Killy's POV.
"Killiaf! Baby, come here."
Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat. May mga pagkakataong naaalala ko pa rin ang pangyayaring iyon kahit na gusto ko nang makalimot at patawarin sila---lalo na siya.
"Mama, sa'n punta? Bakit 'indi kasama si papa saka sila ate at si kuya?" Inosenteng tanong ng makulit kong anak na si Killiaf.
She's really cute.
"May bibisitahin lang tayo, anak. Saka, busy si papa at ang mga kapatid mo, kaya tayong dalawa na lang ang pupunta."
"Sino po ba bibisitahin natin mama?"
Pilit akong ngumiti at lumuhod para magkapantay kaming dalawa. "Basta. Makikilala mo rin siya."
"Si mama, secret-secret pa. Mabait ba siya mama? Magiging friend ko ba siya?" Sunud-sunod na tanong nito.
"Oo, mabait siya." Alam kong mabait siya. Sana bumalik na siya sa dati. "Tara na?" Tumango si Killiaf at kumapit sa kamay ko. Sabay kaming nagtungo sa kotse.
"Mama, ako na po." Bahagya akong nagulat nang magkusa si Killiaf na buksan ang pinto ng kotse at sumakay sa shotgun seat. Inilagay niya rin ang sarili niyang seatbelt.
Impressive. Napakatalinong bata.
Nang makasakay ako sa driver's seat, kaagad kong binuhay ang makita at pinaandar ang kotse patungo sa lugar kung nasaan ang bibisitahin namin ni Killiaf.
"Sino nagturo sa 'yong magbukas ng pinto at maglagay ng seatbelt?" tanong ko kay Killiaf.
"Nakikita ko lang po sa inyo," inosenteng sagot nito. "Bad po ba 'yong ginawa ko, Mama?" Binigyan ko siya ng matamis ng ngiti at umiling.
"No baby, medyo nagulat lang ako. You're still a baby and you can do this like that? I'm impressed."
"Mama! I'm not a baby anymore. Thirty-two years na po ang nakalipas but I'm still look like a five years old human kid. I may have a kid physical appearance, but my mind and how I think is much more matured."
"Then why are you always doing baby talks?" tanong ko at bahagyang natawa.
"I like it, napapasaya ko kayo. 'Yon naman ang laging gusto ko, ang makita ang matamis at totong ngiti sa mukha n'yo. Lalo na sa 'yo, Mama. Pakiramdam ko po mahirap ang pinagdaan mo bago mo po ako maipanganak."
Hindi ko napagilang mapabungisngis. "Hindi naman, sakto lang." I'm such a liar.
Yep, thirty-two years have passed but the memories is still fresh in my mind. Nagkahiwalay ulit kaming mga Spiders dahil kami ni Liam ay mas piniling manirahan sa mundo ng mga tao kasama ang mga anak namin.
Si Hevianna, I mean si Mamá, bumalik siya sa exterminating room. Siya pa rin ang head exterminator at wala na akong magagawa pa. Binalak ko siyang pigilan pero hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya pa sa akin na may dahilan silang mga exterminators kung bakit nila ginawa ang masamang bagay na 'yon. May dahilan sila kung bakit patuloy silang nagiging madalim na sekreto ng Heaven University.
Si Kelly, hayun, hindi pa rin kami gaanong magkasundo, pero kumpara sa dati medyo komportable na kami sa isa't isa. Alam kong darating ang panahon na magiging magkasundo rin kaming dalawa.
Wala na akong balita kay Railey matapos ang insidente, wala na kaming narinig na balita tungkol sa kaniya. Nag-aalala kaming mga Spiders dahil alam namin na sobra siyang naapektuhan sa nangyayari.
At si Jane o Janine o Spane, kung sino man siya, heto kami ngayon, aalamin ang kalagayan niya. Ipakikilala ko rin sa kaniya si Killiaf.
"Wow! Mama, ang gandang iskuwelahan!" Nakikita ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang nakatitig sa Hevean University. "Nandito po ba 'yong bibisitahin natin? Sino ba talaga siya Mama? Gusto ko na pong malaman."
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...