Chapter 24

2.9K 110 16
                                    

Killiam's POV.

Hindi ako maka-concentrate sa klase. May nararamdaman akong patalim na parang humihiwa sa aking balat. May nakita pa akong hindi gaanong kalalim na hiwa sa aking braso, agad din naman itong nawawala pero hindi pa rin ako makampante.

"Mr. Night!" Bigla akong napatayo. Hindi ko inaasahan na tatawagin ako ng guro sa harap. "Are you with us?!" Masungit na tanong nito.

"Yes, Ma'am."

"Then who's the warriors of the Half Blood Academy? If you're really listening to me you can answer my question."

"Why are you asking me, Ma'am? Hindi mo ba sila kilala?"

"Of course, I know them! I'm just asking you because you're not listening to me! Bakit?! Sa tingin mo ba alam mo na ang laha—"

"They are: Heavenly Luke Killy Nightblood, Janine Varona, Ryza Brazil, Shanlee Tan, Mary Joy Sy, Aldrin Liam Dark Night, Samson Railey Sandoval, Edwin Vam Lee, Juliuse Tan, and Jessie Woon," sabi ko na hindi manlang nautal o nag-alinlangan sa aking sagot. "Still have question, Ma'am?" I asked.

"H-How did you know their full names?" She asked, stammered. "Hindi nakasulat sa history ng Half Blood Academy ang buong pangalan ng iba sa kanila, lalong-lalo na kay Ms. Killy Nightblood. So tell me, how did you know?"

Napangisi ako. "I know them all because they are my mom's friends."

"Your mom's friends? Who's your mom?"

"Why would I tell you? It's not part of your job."

Nagtangis ang bagang ng guro sa harap at masama ang tingin sa akin. Nilabanan ko ang masamang tingin niya gamit ang seryoso kong tingin. Kung titigan lang din pala ang labanan, sigurado akong ako ang mananalo.

"Class dismissed!" Padabog na lumabas ang guro sa harap. Usually lagi siyang over time at kinaiinisan talaga siya ng mga istudyante rito dahil lagi niyang ipinamumukha sa lahat na alam niya ang lahat ng kasaysayan ng mundo namin.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang inis sa guro na ‘yon. Nababahala ako dahil baka may nangyari na naman kay Killiav. ‘Yong mga nararamdaman ko kanina na parang may humihiwa sa katawan ko, ang ibig sabihin no'n ay may nangyayari sa isa sa mga kapatid ko.

Akmang lalabas na ako ng room pero biglang may humawak sa balikat ko.

"Nagmamadali ka ‘ata," sabi ng kaibigan kong si Theodore.

"Yup, nag-aalala ako. Baka kung ano nang nangyari sa isa sa mga kapatid ko."

"For sure si Killiav ‘yan. Kayang ipangtanggol ni Killian ang sarili niya, don't get me wrong bro, you know what I mean."

Tumango ako. "Yeah, si Killiav nga ang unang pumasok sa isip ko nang maramdaman ko ‘yon."

"So tara na? Hanapin na natin ang kapatid mo?"

I nodded. "Tara."

Lumabas kaming dalawa ni Theodore ng room. Hindi pa man kami nakakahakbang nang makita namin si Killiav na tumatakbo papunta sa amin. May pag-aalala at takot sa kaniyang mukha.

"Kuya..." Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin.

"Bakit? May nangyari ba sa ‘yo? Tell me." Sunod-sunod kong tanong.

Umiling siya. "Walang nangyari sa ‘kin. Akala ko nga may nangyari sa ‘yo kasi may nararamdaman akong parang humihiwa sa balat ko. Nag-alala ako kasi baka kung ano na ang nangyari sa ‘yo."

"No, walang nangyari sa akin. Kagaya mo, naramdaman ko rin 'yon kanina. Akala ko nga may nangyari sa 'yo."

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon