¤ 3 ¤

885 92 24
                                        

25%

Dane's POV

Matapos ang meeting namin kay Mr. Santos ay agad naman kaming bumalik sa opisina. Tahimik lamang kaming pumasok sa elevator, lalo na ako. Syempre bes, gulantang parin ako sa pangyayari no. Alam mo yun, ang akala kong dragon eh may kabaitan naman pala sa kaibuturanng kanyang gall bladder, char hahaha

Patingin tingin lang ako kay Sir Edrake habang siya'y seryosong nakaharap sa pinto ng elevator. Gusto ko sana magpasalamat sa ginawa niya kanina, gentleman naman pala ang mokong na'to. Ediwow

"If you waanted to thank me because that is what I see right now, then do it." seryoso niyang sabi

Hala! Kamag-anak ba nito si "Espie"? Parang manghuhula ata to or espiritista ah hmmm

"Ayy oo nga pala, salamat ho Sir" nahihiya kong sabi, syempre dalagang pilipina tayo dito uy. Nukaba

Tinangoan niya lang ako at bumukas naman agad ang pinto ng elevator. Nakabalik na ako sa aking pwesto at nakita ko namang nakangiti si Elaine sa'kin.

"Bat parang asong ulol ka kung makangiti dyan?" biro ko. Syempre close na kami masyado ni Elaine. We're actually roommates so 24/7 kaming magkasama kaya nakakapagbiro na ako ng ganito sa kanya.

"Anyare teh, chika ka naman dyan" pang-aasar niya

"W-wala. Chika ka dyan, chikahin mo mukha mo." balik ko.

"Arte neto. Alam ko may nangyari, kilala kita kahit two weeks palang tayong magkasama." sagot naman niya.

Napabuntong hininga ako kasi bat ba ako magchichika dito eh di naman big deal yun.

"Hay ang sungit nating boss sinigawan yung client kasi nakatingin sa palda ko kanina." mahinahon kong sagot.

"OMG, totoo yan?" tanong niya.

"Imagination ko lang yun, ang galing diba?" sarkastikong sagot ko naman

"Eh seryoso nga, totoo?" kilig niyang sabi.

"Oo nga, kulit naman neto."

"Wow, ganda oh! Ganda ganda" tumatawa niyang sabi

Loka-loka na yata tong kasama ko. Ediwow, bahala siya sa buhay niya.

"Alam mo, sa tinagal tagal ko dito hindi talaga yan namamansin si sir. Swerte mo nga at naisama ka niya sa appointment na yun. Halos kasi pag ganyan, siya lang ang pumupunta." kwento niya.

"Ediwow, ako naman kasi ang mas nakakaalam dun sa kliyente at medyo komplikado ang financial statements nila so kailangan talaga ako dun. Atsaka nga, wag kang issue dyan ha."

"Gentlemen naman pala si Sir. Swerte mo girl" sabay palo sa braso ko. Napailimg nalang ako kasi may tama naman siya. Hindi ko nga lubos akalain na may ganung katangian pala ang sungit na yun. Okay, 25% additional na sa kabaitan niya para sa ginawa niyang yun. Abang abang nalang ako sa susunod na araw para mabawasan yan hahahaha joke lang.

Gruuuuuuuu

Hala! Hindi pala ako nakapaglunch dahil sa meeting. Hindi rin ako kumain dun kasi nahihiya ako, display nga lang ang inorder nila kanina kasi di naman nila yun ginalaw. Sayang, dinala ko nalang sana yun para tipid.

"Ah Elaine, naglunch kana?" tanong ko

"Hala oo, di na kita hinintay akala ko kasi tapos kana. Samahan nalang kita" alok niya.

"Ayy huwag na bes, okay lang ako. Tapusin mo nalang yang trabaho mo." sabi ko at tumango nalang siya bilang sagot niya.

Agad naman akong pumunta sa canteen ng kompanya sa may ground floor at umorder na ng lunch ko. Umupo agad ako sa bakanteng table at habang nilalantakan ko ang fried chicken at rice ko with softdrinks ay may tumayo sa gilid ng upuan ko.

"Hi! May kasama ka ba? Wala na kasing bakanteng upuan" pagpapaalam ng isang matangkad na lalaki. Parang basketball player ata to ah.

"Ah wala akong kasama, sige maupo ka." alok ko sa kanya.

"Salamat. By the way, I'm Don." sabay lahad ng kamay niya

Pinunasan ko naman agad agad ang masebong kamoy ko at saka inabot ang kamay niya.

"Sorry medyo oily kamay ko, Dane nga pala." ngiti kong sabi sa kanya.

"Okay lang."natatawa niyang sambit.

"So, anong trabaho mo dito?" tanong ni Don.

"Auditor ako dito, bago lang." sagot ko sa kanya.

"Ah ang galing mo naman pala. Marketing head ako dito, two years na rin akong nandito sa kompanya." kwento niya. Nahiya naman ako sa komento niya

"Hindi ah, sakto lang. Ah Don, salamat sa pakikipag-usap pero mauna na ako ha marami pa kasi akong gagawin. See you around"

"Oh sige, kita nalang tayo bukas sa lunch" sabi niya. Medyo naguluhan naman ako, ang bilis ah. Nasalisihan ako dun.

"Ah sige ba. Sige mauna na ako, bye" pagpapaalam ko sa kanya.

"Bye." sagot naman nya.

Pagtalikod ko sa kanya napansin kong marami naman ang bakanteng upuan ah. Haaay hokage ang taong yun, natawa nalang ako sa naisip ko.

Pagbalik ko sa opisina, nakita ko si Elaine na may pinapaskil sa mga dingding ng opisina. Agad ko naman siyang nilapitan para magtanong.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Papel ata tawag dito eh." binatukan ko nga, andaming alam ng babaeng to

"Aray!"

"Umayos ka nga, para saan yan?"

"Para po sa mga babae dyang ang liliit ng palda. Bawal na ho yan kasi magagalit si boss sungit" sabay wagayway niya sa papel.

NO SHORT SKIRTS ALLOWED.

This is an office, not a fashion establishment. Wear appropriate clothes spefically skirt.

Signed: Edrake John Beckham, CPA

ABA! Di ko kasalanang maraming manyak sa paligid no. Bahala siya sa buhay niya

25% ➡ 10% real quick. Judger talaga tong mokong na'to

¤

Hi sa readers dyan. Alabyooo I appreciate your time and effort 🙌 keep reading 💫

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon