Panalangin
Dane's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas nang muling magpakita ang tatay ko. Hindi naman nagtatapos ang isang oras na hindi siya pumupunta sa bahay. Lagi namang bukas ang pintuan namin para sa kanya. Pero sadyang hindi pa handa ang puso ko subalit naging casual naman ako sa kanya. Syempre tinutugon ko naman ang mga tanong niya pero nakakapanibago lang lahat lahat. Pero hindi nato importante lahat eh, ang importante eh hindi ko pinagsasarhan si Papa sa pagkakataon na mas makilala pa ako.
Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Tatlong araw na kaming namalagi dito dahil gusto ni Papa na makasagap kami ni Mama ng sariwang hangin. Kasama rin namin si Edrake, syempre, hindi mawawala ang mokong na 'yun. Nagkausap na rin sila ni Mama at Papa, napag-usapan na rin nila ang aming engagement at soon wedding chaaaaar suportadong suportado naman kami nila sa mga desisyon namin kasi nasa wastong pag-iisip na daw kami. Pero 'yan naging isang problema din yan kasi parang ang bata bata ko pa sa lahat lahat ng 'to, 23 years old ako samantalang 25 years old pa si Edrake. Sabi naman ni Mama na sakto na daw 'yang ganyang edad para magsimula ng pamilya. Settled naman na lahat ng buhay namin, may trabaho at saktong ipon para sa future namin. Ay wala ng mas kikilig pa nito uy
"Seems like my wife is having some deep thoughts right now, would you mind sharing that to me?" sabi ni Edrake habang niyakap ako patalikod. Nginitian ko naman siya.
"Love, one week nalang, pupunta na tayo ng Germany. Kinakabahan na ako." sabi ko sa kanya. Oo, kami lang dalawa kasi sabi ni Mama na okay lang na dito nalang siya kasi may edad na daw siya para sa mga travel travel na 'yan, nandito na rin daw si Papa kaya okay lang daw. Diba ang kire din ng ina ko?
"Don't be love. I'm always here for you to love you, to protect you and to take care of you." napangiti naman ako sa kasweetan ni Edrake.
Nanatili kaming nasa ganung posisyon at malipas ang ilang sandaling katahimikan ay muli akong nagsalita.
"Love?" tanong ko sa kanya
"Yes, love." sagot naman niya agad agad
"Pwede ba humingi ng favor sa iyo?" nahihiyang sambit ko.
"Anything for you, my love." sabi niya
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita muli.
"Love, pwede ba pagdating natin ng Germany eh tayo muna ang makakaalam sa estado natin?" sabi ko sa kanya. Bigla namang lumuwag ang pagkakayakap niya sakin at unti unting bumibitaw ang kamay niya. Humarap naman ako kaagad sa kanya at nakita kong nagtataka ang kanyang mukha.
"You can ask anything love but not that one." malamig na sambit niya
"Love, patapusin mo muna ako." agad na sabi ko bago paman magkatampohan kaming dalawa. Bumuntong hininga muna siya tsaka tumango.
"Love, gusto ko lang ng time pagdating doon. Gusto ko munang patunayan ang sarili ko sa harap ng pamilya na karapat dapat ako para sa'yo. Natatakot ako na baka isipin nila na nakuha ko lahat lahat ng iyon kasi naging fianceé kita, ayokong magkaroon ng ganun na judgment, love." sabi ko habang pinipisil ang kamay niya.
Nakita kong naguguluhan parin siya sa rason ko pero yun naman talaga ang dapat. Ayokong may masabi ang ibang tao na masama sa aming dalawa.
"All you cared right at this moment is other people's thoughts, huh? How about me, Dane? Do you care what I'm feeling right now?" isang napakalamig na tanong niya.
Hinawakan ko naman agad agad ang kamay niya at pinisil ito.
"Love, hindi naman sa ganun. Please just trust me with this one, aabot naman tayo sa panahong magiging okay din lahat lahat satin. Alam mo namang nasa magkabila tayong mundo at kung tatanungin moko ngayon, Oo, hindi parin nawawala sa isipan ko na hindi tayo para sa isa't isa kasi sobrang layo natin love. Naiintindihan mo ba ako?" hingal na sabi ko
"Mahal na mahal kita Edrake kaya gagawin ko ang lahat para pagdugtungin ang mga mundo natin. Please love just give me time and I will keep my promise. Just please." pagmamakaawa ko sa kanya. Alam kong hindi naging madali sa kanya ang lahat lahat ng desisyon kong 'to kasi biglaan.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita.
"Whatever your reasons right now Dane, is just so unreal. But like what you've said, I will trust you with this one. You know how much I love you and it hurts me to know that you still have those thoughts in your mind. Can we just live and love each other without the fear of some people's thoughts about us?" tanong niya.
"I know, I know. Maybe now it matters to me. Alam mo namang lumaki ako na napakaraming insecurities, can you blame me?" sabi ko habang nagbabadya na naman ang pagtulo ng aking luha.
"Shhh love, it's enough. I will try to understand you with this one but please promise me to make it quick. I can't wait to start a family with you soon." sabi ni Edrake na nagpangiti naman sa akin.
Mahal na mahal ko talaga 'tong taong 'to. Napakaswerte ko.
"Yes, love. I love you." sabi ko sa kanya.
"I truly, madly, deeply inlove with you, my wife." sabi niya at hinalikan ang noo ko.
"Parang kanta 'yun ah." pagbibiro ko sa kanya.
Tumawa naman siya bago ako niyakap ng napakahigpit.
Panginoon, salamat po dahil binigyan Niyo po ako ng pagkakataon ng magmahal ng isang katulad ni Edrake.
Tulungan Niyo po kami sa lahat ng mga pagsubok na aming pagdaraanan. Gawin Niyo po kaming matatag at panatilihin Niyo po ang paggabay sa amin.
Tanging 'yan lang ang hinihingi ko po sa Inyo. Alam ko pong, ang laki ng paniniwala ko sa Inyo kaya alam kong ibibigay Niyo po ito sa aming dalawa ni Edrake.
Sana habambuhay na po Panginoon.
'Yan po ang panalangin ko.
¤
Happy happy hahahahaha happy reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanficMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...