¤ 36 ¤

498 46 3
                                        

📌 I would like to take this chance to congratulate Maymay and Edward for their soaring careers yeeeey Edward, for the successful First Love Media Launch and of course to Maymay, for another Metro Magazine Cover.

📌 I would like to take this chance to congratulate Maymay and Edward for their soaring careers yeeeey Edward, for the successful First Love Media Launch and of course to Maymay, for another Metro Magazine Cover

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is the face that can launch a thousand ships 😍 labyu labyu

Vote. Comment. Smile.

¤ ¤ ¤

Don't Say Goodbye

Dane's POV

It's a very emotional morning for me. Parang nakakaramdam din ang langit eh, medyo umuulan ngayon. Nandito ako sa kwarto ko ngayon at tinatanaw ang ulan mula sa aking bintana. Ang bigat sa pakiramdam na darating na ang araw na ito.

"Parang nakikisabay ka sa ulan ngayon, ah?" tanong ni Papa habang papalapit sakin. Nginitian ko lang siya at umupo naman siya sa tabi ko.

"Anak, nahihiya man akong lapitan ka kasi ang laki laki ng kasalanan ko sa inyo pero tandaan mong walang araw na hindi ko kayo naisip ng Mama mo. Sadyang napaglaruan lang talaga tayo ng tadhana." sabi ni Papa habang nakatanaw na din sa bintana.

Napabuntong hininga naman ako.

"Bakit nga po pala kinailangan niyong umalis?" tanong ko sa kanya pero nakatitig parin ako sa bawat patak ng ulan.

"Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin sa'yo na tama 'yung ginawa ko noon. Naging duwag ako anak, nilamon ako ng takot sa mga maaring mangyari sa inyo ng Mama mo. Iniisip ng mga magulang ko na hindi tama ang pagmamahalan namin ng Mama mo. Na wala itong magandang maidudulot sa buhay namin kundi kahihiyan lang. Hindi ako nakalaban anak kasi tinakot nila ako na tuluyan kayong ilayo sakin at mas nakakatakot na baka may gagawin sila sa inyo na masama. Patawad anak dahil naging duwag si Papa." sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya. Napalingon naman ako sa kanya at hindi ko namalayang tumutulo na rin ang luha ko.

"Hindi pa naman po huli ang lahat para itama ang mga pagkakamali niyo,

Papa." sambit ko na nagpaliwanag sa mukha niya. Agad niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap na matagal ko ng hinihintay. Ang pangungulila ko sa isang ama ay natumbasan naman ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

"Salamat anak at binigyan mo pa ako ng pagkakataon. Naging maikli man ang oras ng pagsasama natin sa ngayon pero pangako kong aalagaan kayo ng Mama mo hanggang sa huling hininga ko." sabi ni Papa at hinalikan ang noo ko. Naiyak naman ako lalo kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang ama.

Nabigla naman kami ng may sumali sa pagyayakapan naming mag-ama. Si Mama.

"Nakakataba ng puso na ang noong panaginip ko lang ay nagkakatotoo na ngayon, salamat sa inyong dalawa kasi hindi na ako lumulutang ngayon sa imahinasyon ko. Mahal na mahal ko kayo." sabi ni papa at hinigpitan pa niya ang yakap sa amin dalawa ni Mama.

"Oh siya, tama na 'tong pag MMK natin baka dumating nalang bigla dito si Ma'am Charo baka 'di pa matuloy tong si Dane papuntang Germany." pagbasag ni Mama, natawa naman kami.

"Aba't mabuti 'yan dahil makakasama pa natin siya ng matagal." pagbibiro ni Papa at hinampas naman siya ni Mama.

"Ikaw talaga puro ka nalang kalokohan. Huwag mo ngang itali ang anak mo satin." sermon naman ni Mama kay Papa kaya napakamot nalang siya sa batok niya.

"Eh sa mamimiss ko to eh. Dane anak, kailangan pa ba talagang magtrabaho ka 'dun? Anak, kayang kaya ko kayong buhayin. Hindi ka na dapat magpakahirap pa." sabi ni Papa. Napangiti naman ako.

"Naku si Papa talaga ginawa pa akong teenager. Pa, ikakasal na ho ako baka nakakalimutan niyo. Kailangan ko napong tumayo sa sariling paa ko." sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Siya sige kung saan ka sasaya anak doon nalang din kami ng Mama mo. Basta pakatandaan mo na kahit anong mangyari, kami ang tahanan mo. Mahal na mahal ka namin."

Napangiti naman ako. Ang matagal ko ng inaasam na buong pamilya ay nakamtan ko na ngayon. At ngayon, ang nakaharap na lalaki samin ang magiging katuwang ko sa magiging pamilya ko.

"O andito na pala si Edrake, halika ditong bata ka at kukutusan kita dahil ilalayo mo ang anak ko samin." pagbibiro ni Papa kay Edrake kaya hinampas na naman siya ni Mama. Napatawa naman siya sa kakulitan ni Papa.

"Tito, I'm still happy by doing that. She's mine now." pagbabalik naman ni Edrake ng biro kay Papa kaya binatukan agad ni Papa. Haynaku tong dalawang to para talagang mga bata.

"Ouch, that hurts. Look love, your Papa is hurting me." pagsusumbong naman ni Edrake.

"Bahala kayo kung magbubugan kayo dyan." Sabi ko agad-agad.

Nagtawanan naman sila lahat. Ang akala kong isang napakalungot na pamamaalam ay nauwi sa isang napakasayang tagpo. Isang tagpo na hindi ko ipagpapalit sa anumang mangyayari sa buhay ko. Salamat sa Panginoon at binigyan Niya ako ng kasiyahan sa puso at isip ko.

-

Nandito na kami sa airport. 12 noon pa ang flight namin pero minabuti naming dalawa ni Edrake na pumunta ng mas maaga. Kasama naman namin sina Papa at Mama ngayon. Nagkwentuhan lang kami sa isang café na malapit sa departure area ng airport. Maya maya pa at tinawag na ang aming flight. Siguro ito na nga ang oras, hindi man ito tuluyan napamamaalam pero sinisigurado ko sa mga magulang ko na magbabalik parin ako sa mga bisig nila.

"Anak, 'yung mga bilin ko sayo ha. Wag na wag mong papabayaan ang sarili mo. At 'yung mga jacket mo, ihanda mo agad pagkalapag niyo dun kasi malamig ngayon dun-" sabi ni Mama pero pinutol naman siya agad ni Papa.

"Hindi po magfifield trip ang anak mo baka nakalimutan mong 23 anyos na 'yan." sabi ni Papa at inakbayang niya naman si Mama.

"Tumigil ka nga dyan, mamimiss ko 'tong anak ko. Anak, bumalik ka ha." naiiyak na sabi ni Mama.

"Opo naman po, Ma. Dito kami ikakasal ni Edrake, pangako po 'yan." paninigurado ko kay Mama at niyakap ko naman siya ng mahipit. Sinaluhan naman kami kaagad ni Papa. Si Edrake, nakangiti lang nakatingin saming tatlo.

"Wag ka ng pabebe dyan Edrake, halika dito at sasakalin kita sa yakap para di na kayo matuloy ng anak ko." pagbibiro ni Papa. Nakurot tuloy siya ni Mama kaya napatawa naman kami. Agad namang yumakap si Edrake at ramdam na ramdam ko na hindi lang ako ang masaya ngayon pati na rin siya.

Nilingon ko ang mukha niya at nakatitig pala siya sakin. Ngumiti naman ako at ganun din ang ginawa niya.

Ang saya saya ng puso ko kasi alam ko na hindi ito pamamaalam kundi panimula sa mga bagong bagay na mangyayari sa buhay ko at samin dalawa ni Edrake. This is not a goodbye but definitely will see you again.

¤

THE END


Chaaaaaar practice ulit hahahahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon