¤ 13 ¤

685 67 11
                                        

📌 Let me just congratulate our mighty couple, MayWard for the new blessing. Thank You Lord for always blessing them 🙌

Tsaka wait lang, 'di ako makamove on sa ganda ng babaeng to 'eh.

Hi ma'am, alam kong kay Dodong kana pero ang ganda niyo po talaga 😍💙 labyu labyu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hi ma'am, alam kong kay Dodong kana pero ang ganda niyo po talaga 😍💙 labyu labyu

VOTE AND COMMENT FAM 💫

¤ ¤ ¤

Please

Dane's POV

Matapos ang madramang tagpo ay agad naman akong bumalik sa hotel room namin. Kakahiya naman kung patuloy akong magdrama 'dun sa kwarto ni Edrake, nabulabog ko na nga ang pagpapahinga niya tapos dadagdagan ko pa ng pagdadrama ko. Kaya pala 'di siya nakapunta sa Spa and dinner ay tumawag pala ang Daddy niya. Napakabait pa naman ng Daddy niya kasi one time, tinawagan niya ako. Shookt nga ako eh bakit siya tumawag sakin, nagcongratulate lang siya sa'kin kasi napag-alaman niyang ako ang naghandle ng mga komplikadong kliyente last Audit Season at nakayanan ko daw kahit medyo masakit sa ulo. Natawa naman ako 'dun.

Pero back to topic, paano kung magkrus muli ang aming landas? 'Pano kung di ko na naman kakayanin? Patay na, hindi pwede 'yun uy kasi baka magtake advantage siya sa kahinaan ko at unti-unting bumalik sa buhay ko. Tama, hindi ko hahayaan 'yun. Hindi talaga pwede, laban Dane!

Quen's POV

Hinayaan ko muna siyang lumayo sa ngayon. Alam kong ang hirap iabsorb ang mga pangyayari. Who would've thought na dito pa kami muling magkikita. I know, I am running out of time pero hahayaan ko muna siya ngayon. I'll just give her the time to breathe. Pero, I really missed her. I really do. Okay na akong mapakinggan niya ang rason ko kahit 'di na niya ako tanggapin muli sa buhay niya, okay na ako 'dun. Sana mapakinggan niya ako.

Nakamasid lang ako sa malapit dun sa pinasokan niyang kwarto at maya-maya pa ay lumabas na siya kasama ang isang lalaki. Medyo may kumirot sa puso ko sa natatanaw ko sa malayo. Eto na ba ang presyo ng pag-iwan ko sayo Nique though inexpect ko na 'to, ansakit parin pala. Naramdaman ko nalang na may tumulo sa pisngi ko. Ang tanga mo kasi Quen eh, ang tanga tanga mo.

Nakita kong inihatid niya si Dane sa elevator at ilang sandali lang ay bumalik agad siya sa kwarto niya. Di paman niya mabuksan ang pinto niya ay tinawag ko agad siya.

"Good evening ... " bati ko sa kanya. Medyo nagulat naman siya pero isinawalang bahala ko na muna 'yun.

"Alam kong masaya na si Dane sa'yo ngayon and I hope na mas papasayahin mo pa siya. Hindi ako nagpunta rito para manggulo, all I need is for her to listen to my reasons." I said kahit medyo pumipiyok na ang boses ko.

"What for?" diretsang sagot niya

"For closure I think? Mas okay na 'yung maghiwalay kami muli ng landas pero nakapagpalagayan na kami ng loob. Maari mo ba akong matulungan?" pagmamakaawa ko sa kanya

Hindi naman siya umimik kaya't hinawakan ko ang kamay niya atsaka lumuhod sa harapan niya. Bahala siya sa iisipin niya pero gusto ko talagang makausap si Dane kahit sa huling pagkakataon lang. Limitado lang ang oras ko dito, sana maging sapat 'yun para maka-usap siya.

"Get up, man. I will help you, don't worry." sabi niya at inakay niya ako patayo.

"Thank you so much bro. I owe you a lot." nakangiti kong sabi sa kanya.

Just this time Dane, please. Just this time. I promise hindi na ako manggugulo sa buhay mo pagkatapos nito.

Napabuntong hininga nalang ako.

Dane's POV

Umaga na pero hindi katulad ng panibagong araw ay 'di na nabago ang pakiramdam ko. Ang bigat pa'rin sa loob kahit naiyak ko na naman kagabi palang.

"Dane, kahit alam kong 'di ka okay, gusto ko lang malaman mo na andito lang ako palagi para sa'yo." sabi ni Elaine habang niyayakap niya ako. Nakwento ko na sa knya lahat lahat, alangan naman magdrama ako dito ng wala siyang kaalam alam. Baka mapagkamalan pa niya akong buang pag nagkataon.

"Salamat Elaine. Basta promise ko sa'yo magiging matatag ako." nakangiti kong sabi kahit alam ko namang ang peke ng ngiti ko.

"That's my girl. Halika na, mag-ayos na tayo kasi buffet ang breakfast natin ngayon eh." masigla niyang sabi

"Ayy yan ang gusto ko. Halika na baka maubosan pa tayo." sagot ko.

Tama, kahit magkita pa kaming muli dapat act normal lang tayo. Dapat ipractice natin ang art of DEADMAtology, diba Flyers? Char hahahahaha

Magkahawak kami ng kamay ng dumating sa resto ng hotel. Ang sasarap ng pagkain, bigatin talaga 'tong kompanya namin. Galanteng galante eh. Masaya naman ang aming umagahan at nakita ko rin si Edrake na masayang nagkekwentuhan sa mga CEOs and CFOs ng kompanya. Napalingon naman siya sakin at nginitian niya ako agad agad. Ibinalik ko naman ang ngiti atsaka itinuon ko na ang atensyon ko sa masasarap na pagkain sa harapan ko.

Grabe baaay, busog na busog kami. Wala daw kaming gagawin ngayon so it's swimming time. Agad naman kaming nagpahinga sa cottage malapit sa dagat. Kwentuhan, tawanan, at asaran. 'Yan lang ginawa namin habang nagpapatunaw ng mga kinain namin sa breakfast. Ansarap lang sa pakiramdam na wala kang iniisip na iba, salamat din at medyo nawala ang problema ko kahit papano. Ilang sandali pa ay nagyayaan ng maligo sa dagat. Ang ganda ng panahon, di masyadong mainit pero di rin makulimlim basta sakto lang.

Nagbihis kaagad kami ni Elaine ng two piece namin sa banyo.

"Dane, balik na ako sa cottage ha. May nakalimutan ako eh. Sunod ka nalang agad agad." sigaw ni Elaine sa labas.

"Oks." tanging nasambit ko lang.

Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin. Wala mang maibubuga ang aking hinaharap atleast may sabi naman ang likuran ko, pak! Marimar! Char hahahaha

Paglabas ko ay may anghel palang nakasandal sa dingding.

"Do you think you're going with that piece of cloth?" litanya niya.

"Oo eh bakit? Anong problema mo?" sabi ko. Ano na naman kaya ang pinuputok ng butsi ng lalaking to

"Change, NOW!" hala siya, galit ka po koya? Koyah?

"Bahala ka dyan, di ako magpapalit." magwawalk out na sana ako ng higitin niya ang braso ko.

"Please Dane, change. There are many 'manyaks' there. Listen to me this time, please." request niya sabay bigay ng plastik sa kamay ko.

Ano pa bang magagawa ko kung isang napakagwapong mukha ang nagmamakaaw na magpalit ako ng damit. Ediwow

¤

Keep reading 💫

Labyu labyu

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon