Mananatili
Dane's POV
Naging okay naman na ang pakiramdam ni Edrake. Nakalipas na rin ang dalawang araw mula ng magkausap kami. Sa loob ng dalawang araw na 'yan, naramdaman ko uli ang totoong kahulugan ng buhay. Napakamakulay, napakasaya at puno ng pagmamahal.
Nandito kami ngayon sa lilim ng puno, nakahiga kami pareho sa duyan. Nakaidlip naman siya kaya't malaya kong natitigan ang kagwapuhan ng taong 'to.
Para talagang anghel bay, ang habahaba ng mga pilikmata, ang tangos ng ilong at napakapula ng labi. Mukhang babae pa 'to kesa sakin eh. Ediwow ikaw na maganda, Edrake.
Pinapalakbay ko ang aking daliri sa mukha niya. Mula noo, mga kilay, mata, ilong pisngi at tumigil naman ako kasi syempre ayoko hawakan ang labi niya uy.
"Why did you stop?" tanong niya kaya nagulat naman ako. Muntik akong mahulog sa duyan kasi magulantang talaga ako buti nalang ay mabilis niya akong nahawakan at nahapit malapit sa kanyang dibdib. Pag-angat ko ng mukha ay mukha niya ang nakaharap sakin at tutok na tutok sakin. Jusko nararamdaman niya ata ang kalabog ng dibdib ko pero parang nasa iisang ritmo ang aming mga puso. Ang lakas ng tibok at tanging pagmamahal lang ang isinisigaw nito.
Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya at ng isang hibla nalang ang pagitan ay pinikit ko ang aking mata. Naghintay ako ng ilang sandali pero parang isang minuto na ang nakalipas ay walang tsup akong narinig ah. Pagdilat ng mata ko ay nakita ko ang isang Edrake na pigil na pigil ng tawa. Nag-init ang mukha at dugo ko. Syempre disappointed ako no, akala ko may first kiss na kami. Punyeta, hopia ang humalik sakin. Sarap ng hopia.
Tumayo naman ako kaagad at iniwan siya dun. Bahala siya sa buhay niya, humopia ako dun eh. Yun na yun eh, sana tinulak niyo man lang kami readers para magkalapat na ang labi namin. Kayo dyan wala naman kayong ginawa, basa basa lang kayo haynaku
"Hey! Wait up, Dane." sigaw niya.
"Wait mo mukha mo!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"What did I do?" pagmamaang maangan niya.
"What? What-watin ko yang mukha mo eh. Kainis ka!" sabi ko ng 'di lumilingon sa kanya.
At dahil pinaglihi po siya sa kabayo kaya naabotan niya ako kaagad. Hinapit niya ang bewang ko at iniharap sa kanya.
"Hey! Are you mad at me?" tanong niya.
"Psh." bulalas ko sabay irap. Kairita talaga tong mokong na'to.
"Are you disappointed- wait are you upset because I didn't continue that kiss?" natatawa niyang sabi.
"Sige ipamukha mo pa sa'kin. Sige, ang saya mo eh. Kairita." pagmamaktol ko at pilit pumipiglas sa pagkakahawak niya. Mas idinikit niya naman ang katawan ko sa kanya para di na ako makawala.
Titigan niya ako at inilipat niya ang tingin niya sa labi ko. Napairap naman ako.
"Naku Edrake, bahala ka 'dyan humopia na a-"
tsup
"Huy anong gin-"
At mas inilapat niya ang labi niya sa aking labi. Nararamdaman ko ang pagmamahal sa mga paghalik niya. Nagulantang ako pero nakasabay naman ako kaagad sa ritmo ng paghalik niya. Banayad at puno ng pag-iingat. Mahal na mahal ko talaga 'tong taong 'to.
Hingal na hingal kaming bumuwag sa isa't isa. Magkadikit ang aming noo habang hinahabol ang aming hininga. Ang pula pula ng mukha at tenga niya habang nakangiting nakatutok sakin.
"I love you so much, Dane." sabi niya.
"Mahal na mahal din kita, Edrake." sagot ko.
At muling naglapat ang labi namin. Harujusko di na po kaya.
-
Kaharap namin ngayon ang napakalawak na dagat at madilim na kalangitan. Ang sarap sarap ng simoy ng hangin. Bitbit ni Edrake ang kanyang gitara at nakahilig naman ang aking ulo sa balikat niya.
Nanatili kaming ganon sa loob ng ilang minuto. Naputol lang 'yun ng bigla siyang magsalita.
"Do you wanna know why I left you a year ago?" sabi niyang nagpaupo sa akin ng matuwid. Eto na ata ang panahon.
Tumango lang ako bilang sagot at bumuntong hininga naman siya.
"I woke one day before with a heavy heart. I don't why I do feel that suddenly. I looked for my phone and opened it. I was shocked because there are fifty missed calls and thirty inbox messages. My sister and mom continuously contacted me. I was nervous and frightened for the reason why they called me for many times. A few moments of thinking for the reason, my phone ringed and it was my sister. I immediately answered it and I was doomed by the news I received..." napatigil siya pero agad namang itinuloy ang kwento niya.
"Dad is brought to the hospital because he has an attack the night before they called me. She said that he's in the critical state. She said they need me there as soon as possible. I cannot think straight. My dad's life is in danger and you know that my Dad is one of my strength that's why I go back immediately to Germany." sabi niya.
"Bakit moko hindi tinawagan or tinext man lang? Maiintindihan ko naman 'yun." sabi ko sa kanya.
"I was coward at that time. I purposedly didn't connect you because I was afraid that you might get to raise your hopes too high that I will come back. I'm in the situation where I only have two choices in my hand, between you and my family. I chose to let go of you at that moment because I don't know if I can come back here. This whole thing right now is a made up 'business trip' by Marco, my close friend. We only have twenty five days left here." he explained at natigilan naman ako. Hindi ko inaasahan 'yun. Bakit pa siya bumalik kung iiwan niya lang naman ako ulit?
"Iiwan mo ako ulit?" tanong ko sa kanya.
"No. Dad said that he likes your performance here in our company and he would like you to be in our company there in Germany. Come with me, love." sabi niya. Medyo naguluhan naman ako. Paano ang mga kaibigan ko, si Mama?
"Hindi ko masasagot 'yan sa ngayon. Paano si Mama? Hindi ko siya kayang iwan dito." sabi ko. Ngumiti naman siya
"I already talked to Tita Lorna and she already said yes. She will come with us there in Germany." nagulat naman ako sa sinabi niya.
Hala napaka advance mag-isip ng isang 'to. Paano?
"Love please, I can't leave you here. I don't know if I can live a life without you. Please, come with me." he pleaded.
Ngumiti lang ako atsaka niyakap siya. Ano pa bang magagawa ko eh mahal na mahal ko 'tong mokong na ito.
"I will. I will go with you."
Nagningning naman ang mata niya at bigla akong hinalika. Isang matamis at puno ng pagmamahal na halik.
Galing din ah, three times a day. Napangiti nalang ako.
¤
Haaaay sana all. Gusto ko pa sana saktan kayo eh kaya wait lang muna kayo. Papasayahin ko muna kayo ngayon pero humanda kayo ha ha ha ha ha. Chaaaaar jowklang readers baka itigil niyo na ang pagbabasa hahahahahahaha labyu labyu 😍😚
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...