Wish
Dane's POV
I thought I would be really happy when this day comes. Pero parang kabaligtaran ata ang nangyari, ang bangungot na pilit kong iniwawaksi sa aking isipan ko ay tuluyan na ngang nangyari. Akala ko pa naman ang isipan mo lang ang nakalimot pati din pala ang puso. Ang sakit sakit parang hindi ko na makayanan ang sakit.
Naramdaman kong may mga munting kamay na punulupot sa beywang ko habang ako'y nakahiga sa kama ko.
"Nay, please I'm hurting seeing you like this." sabi ni Nate.
Imbes na matuwa ako sa pag-alala niya ay mas lalo pa akong naiyak dahil nag-aalala ako sa anak ko. Ang pangarap niya na buong pamilya ay hindi na ata matutupad. Napakasakit ito sa damdamin niya dahil minsan ko na rin itong naranasan.
"Nanay, please. For Nate, please stop crying." pagmamakaawa niya.
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako humarap sa kanya. Ngumiti ako ng pilit atsaka niyakap siya ng napakahigpit.
"Last na 'to love. I promise hindi na iiyak muli si Nanay." at tuluyang pumiyok ang boses ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
Binuwag niya naman ang pagkakayakap ko sa kanya atsaka pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.
"No matter what happen Nay, I will always be here for you. Please don't forget that." sabi niya at muling yumakap sakin.
"Love, tinawagan ko na ang Tito Don mo para sumama sa'yo sa bookstore. I'm sorry love if hindi makakasama si Nanay ha, mabigat pa kasi ang damdamin ko." sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"It's okay, Nanay. Don't worry I'll buy you something to comfort you at least." pagpapagaan niya sa loob ko.
"Thank you, Love. I love you, always." sabi ko sa gitna ng hikbi ko.
"I love you too Nanay, always." sabi niya at muling pinunasan ang luha ko ng mga munting kamay niya.
Pangako, pagkatapos ng araw na ito, hindi na ako muling iiyak pa. Tuturuan ko ang sarili ko at ipipilit sa puso ko na hindi na talaga kami pwede ni Edrake. Oo, masakit pero kailangan eh. Ayokong pagkaitan siya ng kasiyahan para sa pansariling kasiyahan ko. Mabuti na rin 'yung ganito, atleast ngayon, alam ko na kung asan ang lugar ko. Hanggang dito nalang siguro ang istorya naming dalawa. Dito na ata magtatapos ang nabuo naming pag-iibigan. Mamahalin ko pa rin si Edrake habambuhay pero hindi na ako aasa na meron pang Edrake at Dane, kasi sa ngayon, wala na talaga.
Iniwan na muna ako ni Nate para maghanda sa pag-alis nila ni Don.
Nakaramdam uli ako ng matinding kalungkutan. Ang sakit sakit talaga tangina.
Alam ko namang kasalanan ko 'yun kasi 'di ako lumaban eh. Naduwag ako, ang duwag duwag ko. Parang pinatuyan ko talaga sa mga panahon na 'yun na isinuko ko si Edrake dahil natakot ako. Siguro nga 'di ko deserve ang isang katulad niya kasi hindi ako marunong ipaglaban siya. Muli akong napahagulgol at itunuon ang tingin ko sa bintana.
"Do you think na sa pagmumukmok mo 'dyan eh mababawasan na ang sakit sa dibdib mo? Dinadagdagan mo lang eh." sabi ni Don. Hindi ko namalayang nandito na pala siya sa kwarto ko.
"Dane, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito eh. Ako rin, maging fair ka naman sakin. Ako, pinipilit kong isawalang bahala ang lahat lahat kahit ang sakit sakit na ng puso ko." sabi niya na nagpabigla sakin. Never siyang naging ganito ka nasaktan, ngayon lang.
"Hindi mo ako naiintindihan, Don." walang buhay na sagot ko sa kanya.
"Then ipaintindi mo sa akin, sa amin, kay Nate. Do you think magiging masaya ang anak mo na nakikitang ganito ka kawasak? Tangina naman Dane, mag-isip ka nga." sermon ni Don at may luha ng pumakawala sa mata niya.
Natigilan ako. Oo nga pala, hindi lang ako ang nasasaktan dito eh. Ang selfish ko. Ang tanga tanga ko dahil di ko lubos maisip na nasasaktan ko na pala ang anak ko.
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko kay Don, buti nalang kumalma na siya agad.
"Live your life, Dane. Hindi mo siya mundo, si Nate, magulang mo, kami. Kami ang mundo mo Dane, wag mong ipaikot 'yun sa isang tao lang." sambit ni Don
Nagising ako dun. Totoo ang lahat ng sinabi niya. Tama, hindi pwedeng maging ganito nalang ako. Ayokong magsettle na ganito nalang ako kasi kahit papano eh di ko naman ata deserve 'to.
I sighed.
"Join us today, Dane. Kahit papano magiging masaya naman ang anak mo."
"Sige, mag-aayos lang."
Niyakap naman ako ni Don bago umalis ng kwarto.
Cheer up, Dane. For yourself, for Nate, and for the people around you.
Isang hiling nalang ang patuloy na hihilingin ko ngayon. Lord, bigyan Niyo po ako ng sapat na lakas at gabayan Niyo po kami araw-araw.
-
Nakarating kami agad sa Mall. Tuwang tuwa naman si Nate na nakasama ako. Eto na yata ang sinasabi ni Don kanina, napatingin naman ako sa kanya at nagpasalamat. Tumango naman siya.
Duniretso kaagad kami sa paboritong bookstore ni Nate. Pagkapasok palang namin eh tumakbo na kaagad siya sa mga nakahilirang libro. Hindi halatang excited. Napangiti naman ako.
"Yan! Ayan ang ngiting deserve ng mga taong nakapalibot sa'yo." sambit ni Don na ikinagulat ko naman. Nahampas ko tuloy.
"Bat ka nanggugulat 'dyan?" tanong ko.
Nag peace sign naman ang mokong.
Matagal nakapili si Nate ng mga gustong libro niya kaya napaupo muna kami ni Don sandali at nagkwentuhan. Napag-usapan namin kung ano ang gagawin namin sa harapan ni Shar, sabi naman niya siya na daw bahala. Ediwow daming alam eh.
Nakita kong palinga linga si Nate na parang hinahanap kami. Tinaas ko naman ang kamay ko at nakita niya agad. Patayo na sana kami ng matigilan kami dalawa ni Don sa dalawang bagong dating sa bookstore.
Sila Edrake at Shar. At ang saya-saya nila. Hinawakan naman ni Don ang kamay ko kaya medyo kumalma naman ako.
"Hey!" bati ni Edrake sa amin.
Awkward.
Siniko ko si Don para siya na ang sumagot.
"Hey man! What's up?" pacool ng mokong
"We're fine. We haven't seen you yesterday after the wedding." sabi ni Edrake.
"We go home first. My girlfriend is not feeling well." sabi ni Don at hinawakan ako sa beywang. Kinurot ko naman dahil nagulat ako dun. Parang epektibo naman kasi nag-iba ang timpla ng mukha ni Shar.
"Nay, come on. Let's pay for this." pagkalabit ni Nate sakin.
Oh shit.
Ang unang tagpo ng mag-ama.
Natigilan si Nate ng tumingin siya kay Edrake. At parang ganun din si Edrake, syempre kamukha niya eh.
"Come on son, let's pay for this." pagbubuwag ni Don sa titig ng mag-ama.
"You have a beautiful family." sabi ni Edrake.
Your supposed to be family, Edrake.
"Y-yeah. I gotta go." pagpapaalam ko at tumalikod para sundan sila Don.
Parang namgungulit ang tadhana sa mga buhay namin ngayon ah. Marami akong dapat ipaliwanag sa anak ko mamaya. Help me, Lord.
¤
Unang tagpo yun oh, nagtaka kaya si Edrake? Or balewala lang? ABANGAN hahahahahahaha Happy Reading 🙌🌄

BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...