Fly Tonight
Dane's POV
Kanina pa kami nakalabas ng bookstore pero parang naiwang ang kaluluwa naming tatlo dun. Naglalakad kami pero parang walang kabuhay buhay. Si Don, tulala kasi nakita na naman niyang magkasama si Edrake at Shar. Si Nate, tulala din dahil parang nawindang ang bata sa nakita niya, hindi na 'yun picture eh, personal na kaya parang nahihirapan siyang iabsorb lahat lahat. Ako naman mas tulala dahil sa parehong dahilan nilang dalawa.
Nakakagagu rin maglaro ang tadhana eh. Para bang mga puppet kami na nilalaro niya sa mga daliri niya. Kontrolado lahat lahat ng kilos namin at tanging sakit at lungkot lang ang naidudulot ng larong 'to. Ayoko na, napapagod na ako at nasasaktan masyado. Lalo na ang anak ko at ayokong makita siyang walang magawa dahil walang kaalam alam ang Tatay niya.
Siguro, gustong gusto na niyang yakapin ang Tatay niya kanina pero naalala siguro niya na hindi makaalala ito at tanging parte na lamang kami ng nawala niyang alaala. Nasasaktan ako para sa kanya.
Narating namin ang parking lot at bumyahe ng walang imikan. Hanggang sa marating namin ang bahay namin eh wala pa ding gustong magsalita.
Nakababa na kami ng sasakyan ni Don at papasok na sana ng biglang yakapin ni Don si Nate. Alam kong nasasaktan din siya para sa anak ko kasi parehas ko, wala din siyang magawa. Agad naman siya nagpaalam matapos yakapin si Nate.
Pumasok kami sa kwarto, nagbihis at humiga sa kama. Walang nagsalita.
Nanatili kaming ganun sa loob ng ilang minuto pero binasag naman eto ni Nate.
"Nanay, I'm okay." sabi niya at ngumiti ng pilit.
Narinig kong nadudurog ang puso ko. Alam ko kasing hindi eh at nasasaktan ako para sa anak ko.
Niyakap ko naman siya agad agad at umiyak ng tahimik habang yakap siya.
"Maybe Tatay is really not meant for us, Nanay. Maybe God let those things happen because He knows that Tatay will be happy somewhere. Maybe it pains us a lot but I know God will help us get through this." sambit niya na lalong nagpaiyak sa akin.
"I'm sorry, love. Walang nagawa si Nanay." sabi ko sa gitna ng hikbi ko.
Binuwag niya ang yakap namin at pinunasan ang luha sa mukha ko at agad ngumiti.
"You don't have to, Nanay. No one is to be blamed with this. Even though it's really painful to accept Nanay but we should because we don't have any choice. We'll just continue our lives Nanay just like before. You and me. Always." sabi niya. Ang galing ng anak ko magpaiyak sa akin. He's like a taking 50-year old man. I laughed with that thought kahit na humihikbi parin ako.
"I promise you, love that we will be happy always just like before. I love you, love. Always." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"I will always love you too, Nanay. Forever and always." at pinaulanan ako ng halik. Natawa naman ako kaya medyo nag lighten up ang mood naming dalawa.
I'm thankful that God gave me my Nate. Hindi ko ata talaga kakayanin kung wala siya sa buhay ko. He's my purpose kung bakit nandito pa ako sa mundong 'to kaya I'll continue to be strong for us, for him.
"Come on, love. Let's sleep na. Maaga ka pa sa school bukas."
"Yes, Nanay. I can't wait to read those books in our library."
Naku naman talaga 'tong anak ko. Nakakaproud. Hinalikan ko siya sa noo atsaka niyakap. Kinantahan ko naman siya para makatulog agad at effective kasi mantika na agad agad. Natawa ako sa anak ko, ang cute talaga.
"Sorry, love kung hindi ko maibibigay sa'yo ang buong pamilya but I promise you, I will be always your Nanay and Tatay. I love you, always." at niyakap ko siya ng napakahigpit.
-
Nagising ako sa mumunting halik na dumadapo sa pisngi ko. Ang clingy talaga ng anak ko. Napabuka naman ako ng aking mga mata.
"Good Morning Nanay. It's already 6:30AM and my class will be on 7AM, remember?" sabi niya na agad nagpabangon sakin.
"Bakit hindi mo agad ako ginising love?" sabi ko at nagmamadaling inihanda ang damit ko.
"Because you're very tulog and tulo laway pa." sabi niya at umupo sa kama. Bihis na siya, mabuti nalang talaga marunong na 'tong anak ko. Napangiti naman ako sa kanya at binilisan na ang pagkilos. We just ate a short breakfast at pinabaonan ko nalang siya ng maraming pagkain para hindi magutom. I'll just pass by his school mamaya para ihatid ang lunch niya.
Sakto naman ang dating namin aa classroom nila kasi kakasimula palang nila. Humalik muna siya sa pisngi ko atsaka naglakad pabalik ng classroom niya.
Naglalakad na ako sa hallway palabas ng school nila nang maramdaman kong may sumabay sa akin sa paglalakad. Paglingon ko ay literal na lumuwa ang mata ko.
"What's with that face?" natatawang sabi niya.
Si Edrake.
"W-why are y-you here?" nauutal na tanong ko.
"We're actually shareholders on this school and got some documents here." sabi niya at itinaas ang isang folder.
"Oh, okay." tanging sambit ko
Medyo awkward naman ang naging paglalakad namin. Bakit parang ang layo ata ng daan papalabas dito?
"Seems like you're a very hands-on, Mom." sambit niya. Nginitian ko naman siya.
Oo at sigurado akong ikaw din kung malalaman mong ikaw ang tatay ng batang 'yun.
"Ah of course. I should be." tipid na sagot ko.
Tumango lang naman siya. Nakarating na kami sa labas ng eskwelahan at tinungo ang magkatabi naming kotse. Nagpaalam naman kami sa isa't isa.
Bago ko buksan ang pinto ko ay tumingin muna ako sa kanya pero nagulat ako nung makitang nakatingin din siya.
Binawi naman niya ang tingin niya agad at pumasok na sa kotse niya at pinaharurot ito agad agad.
May nagbabalik na ba na alaala mo, Edrake?
Sabihan mo ako please para may rason pa akong humawak sa tagilid nating pagmamahalan. Ayokong manghula parati Edrake. Hindi ko alam ang magiging kahantungan ng mga hula ko, either magdudulot ng saya o ang sakit.
Pero I always settle for less kaya hindi na ako aasa pa.
Tama na muna siguro. Ang sakit na eh.
¤
Kayo? Nasasaktan din ba kayo? Hahahahahahahaha Happy Reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanficMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...