¤ 9 ¤

778 82 12
                                    

Maybe The Night

Dane's POV

Kaloka. Kalurkey. Kaloqhxjxmakdz.

Hindi man lang nakahanda ang shield ni Captain America sa pasabog ni Sir Edrake. Ediwow, nagsisinungaling lang naman siya para 'di naman ako mapahiya.

At dahil sa panunukso nila kanina, ang awkward tuloy pagbalik namin dito sa sasakyan. Si Elaine lang 'tong anlakas makapang-asar ng mga ngiti, parang asong ulol talaga. Inirapan ko nga pero mas lalong nilakihan ang ngiti niya, bwiset. Parang wala lang naman kay Sir Edrake, eh ano pa bang iniexpect mo Monique Dane, alangan namang big deal 'yun. Shunga ka talaga.

Sumandal nalang ako sa gilid ng bintana para kunwari natutulog para naman 'di ko ramdam ang pagka-ilang. Mahirap na baka hindi ko na kiboin 'tong mokong na'to dahil ang awkward lang lage. Ilang sandali pa at 'di ko namalayang nakaidlip na pala ako. Agad kong ibinuka ang aking mumunting mga mata nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ni Sir Edrake. Nakanganga pala ako at tulo laway pa, patay na nasa tabi ko pa naman ang anghel na'to baka ano pang masabi sa'kin. Kakahiya ka talaga Monique Dane. Haaaay

"We're here. Glad you're already awake, I am about to wake you up tho." sabi niya habang nakatitig sa'kin

"Ayy salamat ho Sir. Asan po si Elaine?" tanong ko

"I already said that you'll drop that 'Sir' if we're not in the office, right?" he questioned

"Ayy oo hehe sorry Si- Edrake!" nahihiya kong sabi

He chuckled.

"Elaine is already on her way to your room. Macky helped her bring your things there and I am sure she is waiting you at the moment." sabi niya

"Ah yes po. Salamat Edrake." sabi ko at akmang aalis na sana ng hawakan nya ang kamay ko. Nabigla naman si aketch.

"No, thank you Dane." nakangiti niyang sabi atsaka pinakawalan na ang aking kamay.

Nginitian ko lang siya at naguguluhang lumabas sa kotse niya. Bakit nag-thank you 'yun eh wala naman akong ginawa sa kanyang worth it ng 'thank you' niya. Ediwow, bahala siya.

Nakatanggap naman ako ng text message kay Elaine na Rm. 305 daw kami at hinihintay na niya ako para makapagpahinga sandali bago mag lunch. Agad naman akong tumungo sa room namin pero gulantang parin ako sa pa thankyou at hawak-kamay-di-kita-iiwan ni Edrake. Pagpasok ko nakita kong inaarrange na mg butihin kong bestie ang mga gamit namin sa cabinet, ambait talaga ng babaitang eto. Niyakap ko naman siya at nginitian.

"Ang clingy mo fren. Parang good mood ka ata ngayon ah, may nangyari ba?" panunuligsa niya. Binitawan ko naman siya agad kasi nagsisimula na naman siyang mang-asar.

"Nangyari? W-wala ah, pinagsasabi mo?" pagkaka-ila ko.

"Ayown, 'di naman masyadong halata. Hindi talaga." Sinusundot pa niya ang tagiliran ko at inaasar sabay tawa ng tawa.

"Wala nga. Good mood ako kasi nakatulog nga ako, diba? Wag kang issue 'dyan." sabi ko

"Ediwow, sabi mo eh. Ayieeee" akala ko titigil na hindi rin pala. Napailing nalang ako.

Natulog lang kami buong maghapon dahil binigyan kami ng oras para makapagpahinga dahil may bonfire na gaganapin mamayang gabi at first wave na ng program and games para sa outing na ito.

Naghanda na kaagad kami ni Elaine pagpatak ng 6PM. Isinuot ko lang ang black two-piece ko at sinapawan lang ng crop top at shorts. Baka kasi magkayayaan ng night swimming. Girl Scout yata 'to, laging handa.

Sinundo naman kami ni Macky matapos naming magprepare at sabay na kaming pumunta sa tabing dagat kung saan nakaset-up ang lahat lahat para sa first wave ng program. Tawa ng tawa pa kami habang papalapit sa venue nang mapadako ang aking paningin sa lalaking nagbabarbeque, shet na malagket, 'bat ang hawt ng mokong na ituuu. Ang biceps niya, ang pawisan niyang mukha at ang abs olalaaaa meserep ehe meserep keye. Nabalik nalang ang diwa ko ng tawagin ako ni Elaine.

"Huy Dane, parang may nakikita kang 'di namin nakikita." sinundan niya naman ang paningin ko at ibinalik ang tanaw sa akin. At hinampas ako ng loka-loka.

"Huy iba ka rin ha. May pagnanasa ka ng nalalaman 'dyan. Ayieeee" sinusundot na naman ang tagiliran ko. Magiging pulutan na naman ako ng asaran mamaya nito kaya kailangan kong makabawi.

"Buang. Sa dagat ako nakatingin, 'wag kang ano 'dyan." pagdadahilan ko.

"Ediwow, dagat mo mukha mo. Napaghahalataan kana eh." nginisihan na naman ako ng bruhang to ng nakakaloko.

"Balakajan sa buhay mo." At mabilis akong tumungo sa mga kasamahan namin na enjoy na enjoy na sa pagpipindot ng mga kanta sa videokeng nirentahan nila. Sumunod naman agad agad si Elaine at Macky. Salamat naman at natigil na sa pang-aasar ang bruhang ito baka masapak ko kung hindi pa eh hahahahaha jowklang.

Nagsimula na silang kumanta at mag-inuman. Kumain na muna ako ng mga inihanda nilang pagkain. Habang busy ako sa paglalamon, may biglang nag-abot ng tatlong piraso ng barbecue sa harap ko.

"Care to taste?" sabi niya. Nginitian ko lang siya at agad kinuha ang barbacue sa kanya at inumpisahang kainin. Angsaraaaap bay keseng serep ng negbegey ehe.

"Ang sarap, salamat Edrake." pagpapasalamat ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumungo sa kabilang table at kinuha ang tshirt niya at isinuot ito. Buti naman at naisipan mo yan baka sumabog na ang kalamnan dito sa pagpipigil. Lumapit kaagad siya matapos magbihis at kumain katabi ko. Nagkekwentuhan lang kami ng kung anu-ano ng biglang inaya siya ni Jano, officemate namin.

"Sir, isang kanta naman 'dyan oh, sige na sir." pagrerequest ni Jano.

Tumayo naman siya agad at kinuha ang mikropono at nagsalita.

"This is song is for that girl who's busy eating a barbecue right now." sabi niya at itinuro ako. Nahiya naman ako kasi naghiyawan ang mga kumag kong mga ka-opisina. Ediwow balakayojan

Nagsimula ng tumugtog ang kanta at kumanta naman siya agad agad. Ang ganda talaga ng boses niya, shet de ke nepe keye seglet leng

🎶
I want to lay down by the fire with you
Where souls are glowing, ever warmer too
Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine

Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I have never been more certain
I will love you 'til we're old

Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near
Stay together here
🎶

Okay, may nanalo na ho. Itatanong niyo pa ba kung sino? 'Wag na, obvious obvious naman na eh. Pero wag ako, hindi ko kakalimutan ang golden rule ko no. Balakayojan

¤

Pasok muna ako bago mag update. Marami akong time mamaya kaya abang-abang hahahahaha alabyooow 💫

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon