¤ 20 ¤

710 75 11
                                    

Tagu-taguan

Dane's POV

Ang sarap namang magising 'pag may gwapong anghel na nakangiting nakatitig sa'yo. Haaaay ang ganda naman ng panaginip ko.

"Good morning." sabi niya.

Napamulat naman ng todo ang mata ko. Hala bakit parang totoo? Kinurot ko nga ang sarili ko.

"Aray!" sigaw ko. Agad ko namang hinahaplos ang nakurot na bahagi ng braso ko. Tumawa naman ang mokong sa tabi ko. Ang lambot lambot ng kama kaya napasarap-

HALA 😲

NABUANG!

"ANONG GINAWA MO SA'KIN? PINAGSAMANTALAHAN MO ANG KAHINAAN KONG HINAYUPAK KA! AHUHUHUHU." napaiyak ako kasi 'di ko naman namalayan na ginawa niya 'yun sana gising ako para nag-enjoy naman ako diba chaaaaar hahahahaha

Pinaghahampas ko siya bahala siya 'di ko siya boss ngayon. Bahala siya sa buhay niya, bwesit

"Hey, wait up! I didn't do anything." depensa niya.

"Didn't do anything? Eh bakit nandito ako ngayon sa kama mo ha? Sumagot ka!" bulyaw ko.

"Of course, you're sleeping uncomfortably. I can't take that seeing you struggled after you took care of me." dagdag niya.

Huminahon naman ako. Drama ko lang 'yun para masabihang maganda. Syempre alam kong 'di niya magagawa 'yun. Agad akong tumayo pero hinigit niya ang braso ko para pigilin ako.

"Ano ba!" sigaw ko

"Hey, are you mad at me?" tanong niya.

"NO!"

"It seems like you are tho." pabebe talaga tong mokong na'to

"Pwede ba Edrake, naiihi nako. Gusto mo ihian ko yang bibig mo para tumigil ka." sabi ko

"I would gladly take that."masigla niyang sambat

Tinaponan ko naman ng unan yung mukha niya.

"PERV!" nagmartsa na ako agad agad baka totohanin ko ang sinabi ko sa kanya hahahaha

Tawang tawa lang ang mokong sa pinaggagawa niya. Makalipas ang ilang saglit ay bumalik naman ako agad agad at nakita kong nakaupo na siya sa kama. Lumapit naman ko at hinapit ko ang noo niya. Buti naman at nawala na ang lagnat niya. Kukunin ko na sana ang kamay ko pero hinawakan niya ito at inilagay sa pisngi niya.

Naku naku Edrake. 'Wag yang mga galawan na 'yan, hindi aki madadala dala niyan. Hindi talaga!

Pero ang totoo eh, nangangatog na ang tuhod at kalamnan ko. Marunong pala mag cartwheel ang puso mwesit

"Kumain kana. 'Di ka pa nakapagdinner kagabi." sabi ko sa kanya kasi hindi na halos makaya ng powers ko eh.

"Just one minute Dane. One minute." nakapikit niyang sabi.

Pinabayaan ko nalang siya pero di ko pa rin nilalagyan ng kung ano-anong malisya 'tong pinaggagawa niya. Alam niyo na 'tong mga power ranger (foreigner), napaka clingy kaya normal lang sa kanila 'to lahat lahat. Never assume nga diba?

Tumayo naman siya makalipas ang ilang saglit at hinawakan ang kamay ko papunta sa kusina.

"I ordered breakfast. Let's wait for a minute, it'll be here." sabi niya habang magtitimpla ng kape naming dalawa. Pagkatapos niyang magtimpla ay ibinigay niya naman ang isang mug sa'kin at ininom ko ito agad.

"Salamat." sambit ko sa kanya. Ngumiti at tumango lang siya atsaka nagbasa ng dyaryo.

Tinitigan ko siya. Grabe bay husband material masyado 'tong mokong na'to. Ang swerte siguro ng mapapangasawa neto. Gwapo, mayaman, mabait, maalaga tsaka mapagmahal. Ne seye ne eng lehet, pasok Daniel Padilla.

May kumatok naman kaya naputol ang pagpapantsya ko sa kanya kasi pinuntahan niya 'yung tao sa may pinto. Dumating na pala ang inorder niya at bumalik naman siya agad matapos makapagbayad dito.

Inilapag niya ang mga styro foams na pinaglagyan ng pagkain atsaka kumuha ng mga pinggan, kutsara, tinidor at baso. Grabe parang ako ang boss ngayon ah. Natawa nalang ako sa naisip ko.

Pagbukas na pagbukas niya ng mga lalagyan ay bumugad ang mga berdeng dahon atsaka iba't ibang gulay. Juice colored, excited pa naman ako masyado. Expectation vs Reality. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ah Edrake, kasi ah ano ..." nahihiyang sabi ko. Syempre libre to tapoa ang arte arte ko.

"What is it Dane?" mahinahon niyang sabi

"Kasi ano, ah di kasi aki kumakain ng gulay." napayuko ako kasi nahihiya talaga ako. Tinawanan lang niya naman ako. Ang galing din.

"I know that. I'm just fooling around." sabi niya sabay labas ng isa pang supot at binigay sa'kin agad agad. Pagkabukas ko ay nagningning lang naman ang aking mata. Literal ho.

"WOW ang sarap sarap naman nito." sabi ko atsaka kumagat sa mga meatballs pero sadyang tuso talaga ang matsing. Puro lang naman ho gulay ang laman. Ibubuga ko sana kaso nakakahiya naman.

"Ang sarap hehe ang sarap talaga." napipilitan kong sabi.

Tumawa lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos ang ilang sandali ay nakasurvive naman ako sa most challenging meal ng buhay ko. Syempre busog na busog ako, sa tubig syempre. Di pwedeng lunukin kung walang pantulak ang pagkain na 'yun.

Inayaya naman niya ako sa terrace ng hotel room niya. Ang ganda ng kwarto niya, VIP ata 'to eh kaya masyadong bongga. Ninamnam ko lang ang malamig na ihip ng hangin at init ng sikat ng araw. Papikit pikit pa ako para medyo dramatic diba. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Harujusko wag po, marupok na ho ako ngayon. Just now lang po talaga.

"Dane." pagtawag niya sa pangalan ko. Nagpigil muna ako ng kilig bago humarap sa kanya.

"Hmmm?" sagot ko. Walang salita ang lumalabas eh.

"Remember yesterday that I have something to tell you but the strong rain came?" sabi niya.

Tumango lang ako.

"I was about to say to you that ... "

That ano Edrake? Jusko wag mo na akong bibitinin pa kasi quotang quota ka na.

" ... I'm tired of this hide and seek stuff so I just want to let you know that I like you." sabi niya habang nakatitig sa mata ko

I like you.
I like you.
I like you.

Repeat for the people at the back!!!

Nagulat ako sa paconfess ni koyah. Wait lang. Tumingin muna ako sa kabilang side kasi nalulunod na ako sa titig niya juskoporudeh

"Saglit lang." natatawa't kinikilig kong sabi. Parang nagcicircus na ang tiyan ko at nakatrampoline na ang puso ko sa kilig. Natawa naman ako 'dun.

"This is quite painful that someone you like is laughing at you because you freaking confessed to her, damn." sabi niya tsaka binitawan ang kamay ko.

Ang drama talaga ng mokong na'to.

"Ang OA mo, ano bang inexpect mo? Magtatalon ako dito?"

"I was expecting that you'll like me back." sabi niya ng diretso. Naku kung alam mo lang pero pabebe ho ako ng taon kaya wag ako.

"But that doesn't matter anyway, I will do everything to court you. Whether you like it or not." grabe na po talaga, Darla. Hindi ko napo kaya ang pagka straightforward ng lalaking to.

Natawa nalang ako buti nalang sinabayan niya ako. Buang rin pala kaya gusto ko to 'eh ayiiiiieut

¤

Nagbabagang Balita: Nagkaaminan na ho ang MayWard pero dito lang sa story ko hahahahahaha sarap magmahal 💙 keep reading guys 💫

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon