I Need You More Today
Dane's POV
Kailangan kong magsimba ngayon para naman mapalagay na ang loob ko. Everyone need spiritual healing, right? Maybe, mas kailangan ko 'yun pati na rin emotional healing. Sa tindi ng mga ganap ko sa buhay ang Panginoon lang ang naging sandalan ko sa lahat lahat. Siya ang gumabay sa'kin at nagbigay ng solusyon sa mga problema ko.
Akala ko noon, maghihirap kami ni Mama dahil baka hindi magkasya 'yung sahod ko dito sa Maynila pero ang bait talaga ni Lord at napromote ako makalipas ang ilang buwan, isa na ako sa mga Chief Finance Officer ng kompanya. Alam kong sa kanila 'yung kompanyang 'yun pero hindi 'yun naging hadlang para iwanan ang trabaho ko o 'di tanggapin ang offer. Nakaluwag luwag na naman kami ngayon dahil nakaipon na ako. Nakabili na ako ng sarili naming bahay at may kotse na rin, fringe benefit galing sa kompanya. Oh diba, saan ka pa hahanap?
Kasama ko si Mama ngayon. Namili kami ng groceries matapos naming magsimba atsaka umuwi naman agad agad para makapagluto, iyon nalang kasi ang bonding naming dalawa. Si Lola naman, mas ginusto niyang sa probinsiya nalang mamalagi kasi masyadong polluted daw ang Maynila baka 'di niya kayanin.
Tuwang tuwa kami ni Mama habang nagluluto at salamat sa Diyos at naging mabuti na ang kalagayan niya. Naging healthy na siya kasi naagapan kaagad ang early signs of pneumonia sa kanya. Medyo may edad na rin kasi kaya di kinaya ng katawan niya noon plus masyado pang stressful ang trabaho niya.
Kasalukuyan kaming naghahapunan ni Mama ng magtext si Mumsh Neil, punta daw ako ng SkyBar mamayang 9PM, samahan ko daw siya. Baka wasak na naman ang baklamg 'to, palagi kasing magpapauto eh kahit ilang beses na naming sinabihan na iwasan na ang paglalandi pero patuloy parin. Umoo naman ako agad agad baka magtampo pa. Nakapagpaalam din ako kay Mama mabuti nalang at pumayag siya basta mag-ingat daw ako at wag masyadong mag-iinom kasi magdadrive pa ako pauwi. Wala naman akong plano maglasing no, sasamahan ko lang ang bestie ko.
Simpleng white off-shoulder dress ang isinuot ko kasi baka maraming manyakis doon kung magpapasexy pako. Haler ang swerte naman nilang matitigan ang kamandag ko. Over my drop dead gorgeous body, no freaking way.
Nakarating naman ako ng mga 9:15PM at tinext ko na agad si Mumsh kung asan siya. Nasa may gitna daw siya na sofa, bongga ang ganda ng pwesto. Matagal tagal na rin akong di nakapunta dito eh, it just brings bad memories kung pupunta ako dito. Pero duh, move on na kaya ako weeeeh wag kang magulo dyan, oo nga.
Matapos kong makipagtalo sa konsensiya ko ay agad naman akong pumasok at lumapit kay Neil na nakadalawang bucket na ng San Mig Light. Laki nga siguro ng problema nitong baklitang 'to.
"Tsk anong sabi namin sa'yo? Ang tigas tigas kasi ng bunbunan eh, ayan tuloy wasak ka naman." litanya ko matapos mabuksan ang isang bote. Nilaklak ko naman agad kasi nauhaw ako dun ah.
"Ateng, bubungangaan mo lang ba talaga ako ngayon? Ateng 'di ko kailangan 'yan." pagsabi niya na medyo naiiyak pa.
Ang drama talaga ng baklang 'to.
"Eh ano ba problema na'tin? Pera, pamilya o lalaki?" sunod sunod na tanong ko.
"Babae, ateng." at umiyak naman agad ang bakla. Hala seryoso nga.
"Anong babae? Huy umayos ka nga. Nagbabalik loob ka na ba?" sabi ko.
"Eh nilandi ako nung nakaraang buwan, ayun nagkayayaan na mag inuman session. Pinagbigyan ko naman kasi ang sarap niyang kasama ateng. Tapos ngayon ...." di niya itinuloy kasi naiiyak na naman siya.
"Itutuloy mo o ihahampas ko tong boteng to sa utak mo?" pananakot ko. Tumigil naman siya sa kakaiyak at pinagpatuloy ang kwento niya.
"Tinawagan niya ako, sinabi niyang two weeks pregnant daw siya Ateng. Nandidiri ako sa sarili ko kasi I was harassed. Di man lang ako nakalaban." umiyak na naman siya ng todo.
"Harassed mong mukha mo, di yan tatayo yang iyo kung di mo ginusto. Wag ako Neil ha, 'pag yan di mo pananagutan, magkalimutan na tayo. Alam mo namang may bubog ako sa mga nang-iiwan na ama. Panindigan mo yan kasi ginawa mo yan." sermon ko sa kanya.
Tumango naman siya at yumuko sabay pahid sa mga luha niya. Niyakap ko naman siya agad agad kasi etoang kailangan niya ngayon.
"Alam mo namang mahal na mahal kita at tanggap na tanggap ko ang lahat lahat sa'yo. Way na ni Lord na ipadama sa'yo na isa talagang barako si Neil Crisostomo Ibarra. Tiyak matutuwa si Tito 'pag nalaman niya ang balitang 'to" sabi ko sabay palakpak.
"Matutuwa ba ako diyan? Kasi sa ngayon ansarap mong sabunutan eh. Gigil moko ha, may dalaw ako ngayon chaaaar." pagbibiro niya. Buti nalang gumaan ang pakiramdam niya agad agad. Nasaksaktan din talaga ako pag may problema ang mga malalapit sa buhay ko eh. Kaya gagawin at gagawin ko ang lahat para mapasaya sila.
Unti-unti ng nagseset-up ang banda sa stage. Gaya ng dati ay madilim parin sa parteng 'yun. Kakanta kaya siya ngayon? Malamang sa malamang hindi Dane, ano ka ba naman. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.
Matapos ang ilang minuto ay kinaskas na ng gitarista ang gitara niya at unting-unting umiilaw ang stage.
( play the music above ☝)
[I Need You More Today - Caleb Santos]
🎶
It's how you used to say
I love you and I miss you
It's how you pretend to love me then
When you wandered off the things we've done before
Now it's too late to turn back anymoreI used to say I love you
I used to say I miss you
And now it's all gone are we fading awayAre you coming back into my arms
To love me again
I love you, I miss you, I need you now
More than ever, more than words can say
I love you and I miss you
I need you more today
🎶Parang nanigas ang katawan ko. Gulantang ako sa naririnig at nakikita ko. Bakit ka pa bumalik, bakit?
At 'di ko namalayan ang pag-agos ng luha ko.
¤
Ayuuun, idadaan nalang sa kanta ang nais ipahiwatig, ang galing din ni Edrake. Lodi kita 🙌 hahahahahaha Happy Reading 💫
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...