📌 Don't forget to play the song while reading this para mas dama ang sakit hahahaha
¤ ¤ ¤
Dating Tayo
Dane's POV
Tangina.
Ano bang problema ng lalaking 'to?
Bakit parang tagos sa bone marrow ang kantang kinakanta niya? Lord, tulungan niyo po ako.
Edrake, namiss rin kita at di naman nawala ang pagmamahal ko sa'yo.
Tangina Dane. Nawawala ka na naman sa wastong pag-iisip. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Tanawin mo nga lahat ng sakit na naidulot ng lalaking kumakanta sa harapan mo ngayon. Enough na ba ang pagpapakita niya sa'yo para makalimutan mo lahat lahat? Umayos ka nga.
Agad naman akong nagpaalam kay Neil. Sinabi kong nagkaproblema sa bahay atsaka dali dali kong nilisan ang Bar dahil hindi na kinakaya ng sistema ko ang mga pangyayari.
Ang tanga tanga mo talaga Dane kasi kahit ngayon umaasa ka parin na mayroong mangyayaring 'tayo' sa inyong dalawa ni Edrake. 'Di pa ba sapat ang rason na langit siya at lupa ka lang? Babalik ka na naman ba sa mga pangako niya? Gumising ka nga.
Pinapahid ko ang luha ko habang papunta sa parking lot. Bakit ba ang layo layo ng parking lot dito, gusto ko ng makauwi. Gusto ko ng magpahinga. Ang sakit sakit na ng lahat.
Nanginginig kong kinaha ang susi ko pero nahulog ito sa sahig pero agad ko naman itong dinampot. Pagkatayo na pagkatayo ko ay ang paghigit ng isang kamay sa braso ko. Natigilan ako kasi ang amoy niya at ang mukhang minsan kong minahal ang bumungad sa'kin. Niyakap niya naman ako agad agad pero pinipilit ko siyang tinutulak subalit sobrang lakas niya kaya 'di ko makayanan. Huminto muna ako sandali at nag-ipon ng lakas at itinulak ko siya saka sinampal.
"Ang kapal ng mukha mong bumalik pa sa buhay ko." hingal na sigaw ko sa kanya.
Napayuko naman siya at randam kong umiiyak na siya. Hindi niya ako madadaan sa pagdadrama niya.
"Dane, I'm so sorry. I've been a jerk-"
"Sorry? At ano ang ipinagkaiba ng sorry mo ngayon sa mga sorry mo noon?" pagputol ko sa kanya.
Napatigil naman siya at ibinalik ang titig sa mga mata ko. Nakikita kong masyado siyang nasasaktan.
"Dane, I just want you to listen to me. Please, just this time." pagsusumamo niya.
"Para saan pa Edrake? Isang buong tanginang taon kang nawala at babalik ka sa buhay ko ng walang pasabi para humingi ng pagkakataon? Ang kapal naman talaga ng mukha mo." napatawa ako ng mapait matapos sabihin 'yun.
"I know, I know I don't deserve your time but please Dane, I just want to save us" nagmamakaawang sabi niya.
Napatawa naman ako sa pinagsasabi niya.
"Are you talking about 'us'? Edrake, for pete's sake, walang tayo, never naging tayo at kailanman ay walang magiging tayo." hingal kong sagot sa kanya.
Tanging pagyuko lang ang nagawa niya.
"Kung wala ka ng sasabihin, pwede ba lubayan mo na ako? Dumating ka sa buhay ko ng walang pasabi at umalis ng walang paalam. I guess it's better to live our own lives as strangers." sabi ko at tinalikuran ko siya.
"I wont give up on you Dane. I will do everything to bring you back to my life. Remember that." sabi niya.
Napapikit naman ako sa mga binitawan niyang mga salita. Bakit ngayon pa Edrake? Ang tagal kong naghintay pero bakit ngayon mo pa sinabi 'yan?
Pumasok naman ako agad agad ng kotse atsaka pinaharurot. Tinanaw ko siya sa side mirror ko at nakita kong nakatayo parin siya sa pwestong iyon.
May bahagi sa'kin na gusto siyang balikan at yakapin pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko na siya rin ang naging dahilan.
🎶
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan ang dating tayo?
🎶Kailan kaya darating ang pagkakataon na maging buo na ako. Panginoon, tulunga mo po ako. Ayoko na po ng sakit na'to, 'di na po kinakaya ng puso ko.
Nakarating ako ng bahay at agad pumasok sa kwarto. Alam kong nagtaka si Mama pero mabuti nalang at 'di niya ako sinundan.
Pagkalapag ko sa susi sa side table ko ay nakita ko naman ang charm bracelet sa tabi nito.
Tangina.
"Hey Dane, close your eyes." excited na sabi ni Edrake. Last day na mamin dito sa La Union at niyaya niya akong pumunta sa tabing-dagat. Ano na naman kayang trip ng mokong nato. Sinunod ko naman siya baka magtampo pa.
Naramdaman ko namang may malamig na bagay na pumulupot sa pulsuhan ko. Pagbukas ko ng mata ay nakita ko ang isang charm bracelet. Tiningnan ko naman ang nag-iisang charm dun, isang sun. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakangiti naman siyang nakatitig sa'kin. Niyakap ko naman siya agad agad bilang pasasalamat.
"Bakit sun? Dahil ba malapad ang noo nating dalawa?" pagbibiro ko habang binubuwag ang pagkakayakap ko sa kaniya. Tumawa naman siya.
"Of course, not. You are my sunshine Dane, you make my cloudy life, sunny and blissful. Thank you, my sunshine."
Kinilig naman ako dun. Syempre marupok na ako eh hahahaha
"We'll fill that with all our memories together. Promise me that you'll just put some charms onto that which are associated with the both of us." sabi niya.
"Yes ser." sagot ko at kinurot naman niya ang ilong ko. Nagtawanan nalang kami sa asaran naming dalawa.
Napangiti ako sa naalala ko.
🎶
Kailan kaya muling matatamasang?
Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan?
Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala
🎶Eto ba ang purpose ng charm bracelet na'to Edrake? Ang maging alaala nalang ang lahat sa'tin?
Hindi mo man lang ako sinabihan agad agad, sana nahanda ko ang sarili ko kasi kahit anong tanggi ko, nasasaktan at nasasaktan parin ako.
Iniyak ko na lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana bukas na bukas maging okay nako. Sana bukas maging okay na lahat. Sana lang bukas, makalimutan na kita kasi ang sakit sakit na.
Kahit imposible man ang lahat ng pinagsasabi ko ay pinagdarasal ko parin na sana matupad lahat ng 'yon.
¤
Kaya pa ba? Syempre, kaya pa ba. Strong tayo eh hahahahaha happy reading 🙌💫

BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
Fiksi PenggemarMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...