Sandaang Habambuhay
Dane's POV
Ang bilis ng panahon, akalain mong isang taon rin ang makalipas. Ang daming nagbago, ang raming dumating at marami din ang umalis. Ganyan naman talaga siguro ang buhay, people will either come or go from your life, take it as a blessing because you will learn from them.
Napapaiyak na naman ako habang sinasariwa ang mga panahomg naglipas. Hindi ko lubos akalain na darating ako sa punto ng buhay ko na ito. Ang daming hirap at sakit ang aking napagdaanan. Pero pagkatapos ng lahat ng yun, ay ito namang panibagong panimula.
"Mumsh, 'wag masyadong OA ha. Nasisira na 'yung make up mo." sabi ni Neil. Siya ang personal makeup artist ko, naging bestfriend ko na rin. Buang eh hahaha
"Huwag mo ngang sirain ang moment ko, moment ko to eh." sagot ko pero natatawa at pinapahid ang luha sa mga mata ko.
"Ayan tapos na kaya wag kanang mag crybaby 'dyan kasi todo effort ako para gumanda ka naman." pang-aasar niya.
"Oo ako na, ako na ang panget. Che!" pagbibiro ko. Tumawa lang ang bakla at tinulungan na niya akong maisuot ang gown ko.
"Is everything set in here?" tanong ng wedding organizer. Sakto namang okay na ako kaya sumunod na kami sa kanya. Haaay buntong hininga Dane, kaya mo 'yan.
"Arrange yourselves people, the lovely bride is coming." narinig kong sabi niya, kinabahan naman ako 'dun.
"Oh Dane, pumwesto kana dito sa unahan." sabi ni Fen, ang main wedding organizer. Nginitian ko naman siya.
Ilang saglit pa at tumugtog na ang musika, hudyat na magsisimula na ang seremonya.
( play the music above ☝)
[Sandaang Habambuhay - Yassi Pressman]
🎶
Wala akong ibang
Ibang hinihiling
Ibang dinadalangin
Kundi makita ang
Ang iyong ngiti
Sa bawat araw ko't gabiAt sa dinami-rami ng pagkakamali Siguro meron din akong tamang nagawa
Dahil ika'y binigay sakin
🎶Hindi pa man totally nagsisimula eh naiiyak na talaga ako. Nyetang mata 'to, sayang ang makeup ni Mumsh Neil. Pero okay lang rin naman daw kasi waterproof daw to eh, diba? Galante.
🎶
Tanging ikaw ang iibigin
Isang daang habangbuhay
Bago tayo mapaghihiwalay
Tanging ikaw hanggang sa huli Isang daang habangbuhay
Sayo iaalay
🎶At iniluwa na nga sa pintuan ang aking butihing bestie, naiiyak talaga ako kasi naging katuwang niya ako sa lahat ng mga paghihirap niya. Isa ako sa mga naging sandalan niya at nakakatuwang isipin na ikakasal na siya ngayon sa taong pinakamamahal niya. Bago siya makalapit sa altar ay lumingon muna siya sa'kin atsaka ngumiti ng pagkatamis tamis kahit basang basa na ang mukha niya ng luha.
Muli niyang itinuon ang paningin niya sa lalaking nakatindig sa gitna at patuloy ang pagpahid ng panyo sa kanyang mata. Masasabi kong ang ganda ganda ng lovestory ni Elaine at Macky, 'di man puro saya pero alam ko na isa sa nagpapatatag sa kanilang relasyon ay ang mga pagsubok na pinagdaanan nila.
Nagsimula na ang seremonya at todo assist naman ako bilang Maid of Honour at kapatid ni Macky ang Best Man sa mga cheche bureche ng kasal.
Ang sarap sarap siguro sa pakiramdam kung nandito kana sa harap ng altar. Haaay sana all
Matapos silang mag exchange ng kani-kanilang vows na nagpabaha ng luha dito sa simbahan kasi naman tagos sa puso, buto at bone marrow bes.
"You may now kiss the bride." anunsiyo ni Father. Agad namang sinunggaban ni Macky ang bestie ko kaya natawa ang lahat sa simbahan.
Sumapit ang gabi at naging masaya ang reception nila. Ang saya saya na nila lalo na ang bagong kasal. Napapangiti nalang akong nakatitig sa kanila.
"May request ang ating newly weds dito." anunsiyo ni Neil, siya rin ang nagrepresenta na maging host ng reception.
"May we call on, Miss Monique Dane Enriquez to come up on stage and offer us some good singing." sabi niya, pinanlakihan ko naman siya ng mata kasi shookt ako dun ah. Di ko yun inexpect. Itinuro naman ni Neil sila Elaine, at yun nga nagmamakaawa na pagbigyan ko. Ano pa bang choice ko kaya't umakyat nako sa stage.
"Bahala kayo kung di pang kasal tong kanta ko ha kasi naman bakit ba biglaan." sabi ko. Natawa naman sila
🎶
Never mind I'll find someone like you
I wish nothing but the best for you
🎶Pinipigilan ko ang sarili kong 'wag magbreakdown kasi di ko na deserve yun at ayokong sirain ang moment ng bagong kasal. Basta matawid ko lang tong kantang to na hindi pumiyok ang boses ko, okay na ako.
Someone's POV
I've been staring at her for about a long time. She never changed but her eyes are still expressive but expresses extreme sadness. I feel guilty and longing for her attention and love, hopefully there is something left for me.
I guess I have nothing. Maybe I am just someone she used to be with and probably buried me in the deepest ground of her heart.
¤
Panimulang sakit char taas-kuko kung nahopia kayo dun pleaseee hahahahahaha sinisingit ko lang tong pagsusulat while discussion. Lakas niyo sakin eh hahahahaha
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...