Sunrise
Dane's POV
"Thank you everyone for making it tonight and I hope you enjoyed our session." sabi ni Edrake sabay talikod sa mga kabanda niya at tumungo sa isang pintuan.
Alam kong hindi siya okay at dahil chismosa ako syempre sinundan ko siya. Nagpaalam muna ako kina Elaine na mag-cCR muna ako sandali. Tumango lang sila atsaka itinuloy ang kanilang kwento. Habang patungo ako sa pintuan na pinuntahan ni Edrake ay di ko matansya kung bakit ba paramg ang laki ng problema ng taong 'yon. Pera? Hindi naman siguro, ang yaman nun eh. Babae? Nah hindi niya na kailangang humanap pa, parang kusang lalapit 'yun sa kanya. Kaibigan? Marami naman ata siyang kaibigan, sa tingin ko.
Nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng railings ng rooftop. Medyo malamig na rin kasi hatinggabi na. Agad akong umupo sa pwestong di masyadong malapit pero di naman masyadong malayo sa kanya. Sakto lang na makita niyang andoon ako. Parang ang layo ng tanaw niya, para bang ang mga mata niya ay kusang naglalakbay sa kawalan at parang may patuloy na hinahanap ngunit bigo itong makita ang kung anumang kulang sa kanyang puso. Ang lungkot ng mga mata niya at parang nasaksaktan.
"A penny of your thoughts?" tanong ko. Oo, alam kong masyadong FC pero 'di ko kasi matiis na hindi siya kausapin kasi parang nakakahawa yung lungkot niya.
"Parang anlaki ng problema natin sir ah, pera ba, kaibigan o lablayp?" pagbibiro ko para gumaan naman ang loob niya kahit papaano.
Ngumiti lang siya ng napakapait atsaka tumingin muli sa kawalan. Nagpakawala muna siya ng isang napakahabang buntong hininga bago magsalita.
"Family." sagot niya.
Hindi ko inaasahan 'yun ah pero hinayaan ko lang na magkwento siya.
"It's been a year since I've seen them. My dad sent me here to manage the company and he promised me that if the company will do good, he'll get me back and let me manage our company there. This is not my home, Germany is my home." dagdag niya. Randam ko naman ang kalungkotan niya kaya't pinagaan ko nalang ang loob niya.
"Well, if that's the case then we'll do everything to bring you back to your home. I can help you, we can help you." pag-aassure ko sa kanya.
Ngumiti lamang siya pero alam kong may kalungkutan parin. Unti-unti ng nawawala ito kahit papaano.
"I don't know why my Dad is neglecting his promise to me. One year is enough for me though and I think the company is doing good as well." sabi niya na nakatingin parin sa kawalan.
"He probably has a better reason why you are still here. Maybe if he'll get you back, no one can manage the company better than you." pagpapagaan ko sa loob niya.
"I don't know why are you so positive, is it fake positivity?" pagbibiro niya.
Hala siya, may ganun ba? Ediwow hahahaha
"Fake positivity ka dyan, I don't know parang hindi ko na masyadong pinapansin yang mga bad vibes na 'yan kasi parang dagdag lang sa sakit sa dibdib eh." sagot ko naman.
"You have 'dibdib'?" pagbibiro niya at tumawa naman siya.
"Huy lalaking pinaglihi sa labanos, kahit hindi 'to pinagpala no atleast may bumukol." sagot ko naman. Sinabayan ko nalang ang trip niya kasi parang nag-iba naman ang mood niya.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Para bang matagal na kaming magkakilala at ngayon lang nagkita kay catch up catch up, ganern. Nagkwento ako sa pamilya ko, pag-aaral ko, mga kaibigan ko at iba pa. Siya rin pero masyadong limitado ang mga kwento niya, mayaman kasi kaya wala masyadong kwento sa buhay.
"Really? Your mom is not here in the Philippines? Where are they?"
"Ah yes, highschool palang ako ng napagdesisyonan ni Mama na mag-abroad kasi para may pantustos sa college ko. Sumunod naman si Kuya para matulungan din ako."
"Who are you with right now?" tanong niya.
"Nasa lola ako simula pa bata pa kami. Sila na ang nag-alaga sa amin. Nasa Camiguin siya, probinsya namin."
"Oh, I see." sagot naman niya.
Kwentuhan, tawanan, at asaran. 'Yan lamg siguro ang ginawa namin hanggang di na namin namalayang unti-unti ng lumilitaw ang bukang liwayway. Namangha naman ako sa scenariong aking nakita.
"Ang ganda." sabi ko.
"Yeah, it is." si Edrake.
Paglingon ko sa kanya ay nakita kong nakatitig pala siya sakin. Agad naman siyang tumingin sa sunrise agad-agad. Nagkibit balikat nalang ako.
"Alam mo, isa itong sunrise sa nagpapahatid sa'tin ng mensahe na 'wag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay. Araw araw may chance tayong maging mabuting tao at ibibigay at ibibigay yun sayo kung gugustuhin mo." nakangiti kong sabi habang nakatutok parin sa langit.
"Yeah, you're right." sagot niya.
"Oh siya sige, napasarap ang kwentuhan natin ah. Salamat Sir." sabi ko sa kanya.
"Drop that 'Sir' when we're not in the office." sabi niya.
"Okay, Ed???" natatawang sabi ko.
"I'll take that. Thank you Dane for this. You helped a lot" sabi ni Edrake.
"Nah wala yun. Kahit sino naman handa kong pakinggan kung gusto nila ng kausap."
"Sige na parang iniwan nako ng mga kasama ko eh."
"I'll take you home then." alok niya.
"Naku 'wag na. Katabi lang ng bar nato ang apartment namin kaya 'di na kailangan." sabi ko naman kasi baka mas mapagod pa siya.
"Okay, see you on Monday."
"Yeah, see you." nakangiti kong sabi atsaka tumalikod na at tumungo sa pinto palabas ng rooftop.
Edrake's POV
I'm thankful that she spent the night talking to me. I enjoyed it so much.
🎶
Sunrise
I have run this far still I find you
Sunrise
Show my weary heart that a new day will soon arrive
New day will soon arrive
🎶Yeah, a new day will soon arrive.
🌄
¤
Goodmorning, have a nice day 💫
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
Fiksi PenggemarMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...