¤ 37 ¤

497 44 4
                                    

Home

Dane's POV

Nagising ako dahil sa mga mumunting halik sa aking pisngi. Napangiti naman ako nung makilala ko kung sinong makulit ang gumising sa'kin.

"We're here, love. Get up now." sabi niya at niyakap ako ng napakahigpit.

Ang sweet talaga ng asawa ko. Wala ng katumbas pa sa kasweetan nito.

Tumango naman ako at hinalikan ang pisngi niya. Agad ko namang inayos ang sarili. Sa wakas, andito na kami sa tahanan ni Edrake. Ang magiging tahanan ko na rin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon.

Tinulungan niya naman ako sa mga bagahe ko. Pagkalabas namin sa Arrival Area ay may sumalubong agad sa amin, 'men in black'. Naks yaman yaman talaga ng angkan nitong Edrake, may pa bodyguard pang nalalaman eh. Si Edrake nga todo bantay na sakin, paano pa kaya itong mga gwardiya sibil na ito?

Ang sabi ng isa sa kanila ay dumiretso muna kami sa bahay nila Edrake at sila na daw bahala sa mga gamit ko. Kumuha ng isang apartment unit ang kompanya nila para sa tutuluyan ko. Oh diba, bongga!

Hindi naman ako mapalagay kasi makikita ko na sa wakas ang pamilya ni Edrake. Ang lakas ng kalabog ng puso ko para bang first time kong makakita ng tao ba, parang nakakapanibago. Parang napansin naman ako ni Edrake na hindi mapakali kaya hinawakan niya ng pagkahigpit ang kamay ko.

"Love, relax okay. They will not eat you alive." pagbibiro niya, napangiti naman ako. Ang galing talaga ng powers ni Edrake dahil simpleng encouragement lang niya eh nafefeel ko na agad na ligtas ako, na okay lang lahat lahat. Haynaku this love.

"Love, huwag mong kalimutan ang usapan natin ha. Just trust me with this one." sabi ko sa kanya at tumango lamang siya pero alam kong hindi siya masaya dito kaya agad ko naman hinalikan ang pisngi niya. Napangiti naman siya agad

"Love, don't start. You will not know what will happen if you won't." pagbabanta niya kaya natawa naman ako. Napakapabebe talaga ng lalaking to.

Pumasok ang sinasakyan namin sa isang napakalaking bahay. Juicecolored parang bahay namin pero times one hundred pa siguro. Ang gara mula sa gate nito hanggang sa paanan ng pintuan. Agad naman kaming bumaba ng sasakyan at dire-diretsong pumanik sa malaking pintuan. Hinawakan ni Edrake ang kamay ko kaya napahinto ako.

"No physical contact diba tayo love 'pag nasa harap ng ibang tao?" pagpapaalala ko sa kanya. Agad naman siyang bumitaw at napakamot sa kanyang batok.

"God, I didn't know it would be this hard for me." sabi niya kaya natawa naman ako.

"Patience, love." paninigurado ko sa kanya at ngumiti naman siya bilang tugon.

Bumukas ang pintuan ng bahay nila at iniluwa nito ang tatlong power rangers. Grabe bay ang gaganda at popogi nila. Para bang nasa Mall Show ako nabigyan ng chance para sa Meet and Greet. No wonder bakit ang gwapo ng jowa ko eh ang ganda ganda ng lahi.

Nakangiti sa akin ang isang ginang, parang Mama ata to ni Edrake. Habang ang dalawang kasama niya eh, napakaseryoso lang ng mukha pero hindi naman sa punto na nakakatakot na. Pero nakakaintimidate na, parang ang liit liit ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Alam kong ito ang tatay ni Edrake, normal lang siguro na ganito ang aura niya kasi ang tatag na ng naestablish niya na pangalan. At katabi naman niya ang parang Ate ni Edrake, walang emosyon ang kanyang mukha kaya hindi ko matansiya kung masaya ba ito o galit. Ewan ko ba sa mga power rangers na ito.

"Dane, iha, welcome to our home." pagbati ng Mama ni Edrake at bumeso naman siya.

"Thank you po, Mrs. Beckham." sagot ko sa kanya.

"Drop the formalities, just call me Tita Cathy." ang gaan gaan niya kausap basta talaga pinoy eh hahahaha

"This is Laurice, my daughter and my husband, Kevin." pagpapakilala ni Tita Cathy

"Good day po ma'am, sir." bati ko sa kanila pero tinangoan lang nila ako.

Minsan ng nakwento ni Edrake ang samahan nila ng Ate niya. Hindi ito parang yun sa normal na magkapatid ba, basta magkapatid sila 'yun lang walang bonding bonding. Medyo nakakaintimidate kasi ang Ate niya kasi sa murang edad niya eh pinamahala na sa kanya ang isang department ng konpanya nila dito sa Germany. Kaya siguro hindi siya masyado nag enjoy sa buhay niya.

Ang Papa naman niya eh, mabait naman daw pero napakaseryoso talaga nito sa buhay. Parang nakakalimutan na nitong ngumiti kasi nga sobrang busy sa trabaho. Normal lang naman ata yun pero alam kong masyadong mahirap iplease ang mga katulad nila. Dapat maging maingat ako sa lahat lahat ng gagawin ko kasi ayokong may masabi silang hindi maganda sakin. At baka ma bad shot pa ako para kay Edrake, diba? Hindi pwede yun.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng yayain kami ni Tita Cathy para kumain na sa mga inihanda niya.

Ang galante talaga ng bahay nila, ang ganda ng interior design at architecture. Parang nasa kastilyo ako ng mga hari at reyna. Ang perfect.

"Relax." bulong sakin ni Edrake. Sakto lang para marinig ko. Tumango naman ako bilang sagot.

Naupo na kami sa napakahabang mesa. Nasa may gitna ang Papa ni Edrake habang nasa kabisera nito si Edrake at Mama niya. Magkaharap naman kami ni Laurice kaya medyo nakakailang na titigan siya.

Nag-umpisa naman na kaming kumain. Ang tahimik lang, hindi ako sanay kaya parang hindi ko malunok ang mga sinusubo ko. Pinisil naman ni Edrake ang kamay ko sa ilalim kaya napalagay din ang loob ko. Ilang sandali pa at binasag ni Tita Cathy ang katahimikan.

"So iha, I see you have a ring there in your finger? Are you married?" sunod na tanong niya. Nabilaukan naman ako kaya uminom ako agad ng tubig. Nirelax ko muna ang sarili ko bago magsalita. Naghihintay lang sila sa sagot ko pati si Sir Kevin at Laurice napatingin din sakin.

"Ah soon po, Tita." nakangiting sabi ko. Medyo awkward nga eh kasi mukha lang ni Tita Cathy ang nagbago ng emosyon.

"Oh, I'm happy for you iha. So, whos the lucky guy?" pagtatanong niya.

Pinagpawisan naman ako ng malamig. Juskolord hindi ako na briefing na may paganito pala.

"Ah hehe." ang awkward lang kasi hindi ko alam ang maisasagot ko. Ngumiti naman ang Mama ni Edrake.

"It's okay iha, I respect your privacy." malambing niyang sabi tsaka ngumiti ulit.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Juicecolored parang hihimatayin na ako dun ah. Buti nalang marunong makiramdam si Tita Cathy kaya saved by the bell.

Ngumiti lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Mukhang hindi magiging madali ang lahat sa pananatili ko dito ah. Gabayan Niyo po ako Panginoon.

¤

Vote comment guys hahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon