¤ 59 ¤

610 65 40
                                        

We and Us

Dane's POV

Hindi ko alam anong nangyayari.

Everything is just vague and unclear to me right now.

Paanong nalaman ito ni Edrake?

Wala akong makitang sagot sa mga tanong ko.

Pero ito kami ngayon, binabyahe ang papunta sa Maynila. Puro iyak lang nag nagawa ko kasi kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa anak ko, sa anak namin.

Panginoo, tulungan Niyo po ako. Sana patnubayan Niyo po kami at wag Niyo pong hahayaang may mangyaring masama sa anak ko.

Ilang oras na kaming bumabyahe pero wala ni isa sa amin ang naglakas loob na magsalita. Hindi ko alam, ako hindi ko maatim kasi gulantang parin ako ngayon and at the same time, tanging si Nate ang nasa isip ko ngayon. I'll just set aside the revelation I've heard awhile ago. Pero sinisigurado kong pag-uusapan namin to dalawa, hindi pa sa ngayon pero dapat agad agad. Naguguluhan ang utak ko.

Ilang sandali pa at nakarating na kami sa ospital. Agad akong bumaba at pumasok sa ospital.

"Nurse, ano pong room number ni Nate Edrane Enriquez Beckham. I'm his parent." sabi ko sa reception desk.

"Room 205 po, Ma'am."

Agad kong tinakbo ang hallway papuntang kwarto ng anak ko. Kumakalabog ang puso ko at hindi ko na malaman kung kakayanin ko pa ba. Nanghihina akong pinipihit ang pinto papasok sa kwarto ng anak ko.

Nanatili akong kinakalma ang sarili ko at di ko namalayang may mga kamay na umakbay sa akin at inalalayan akong pumasok sa loob ng kwarto.

Nilingon ko siya na lumuluha na pala rin siya. Alam kong mas lalo siyang kinakabahan sa nangyayari pero nanatili siyang kalmado.

Pagpasok naming dalawa ay gulat sila Mama at Papa sa kasama ko.

"Ma, ano pong nangyari?" tanong ko pero parang nabigla parin si Mama kaya di agad nakasagot.

"Ma, ano ba!" sabi ko habang hinahaplos ang mukha ng anak kong tulog na tulog. Namumuo na naman ang luha ko ng makitang nakahiga siya dito.

"Naconfine si Nate ng Dengue, Dane." sagot ni Papa.

Oh God!

"Kailangan daw niyang masalinan agad ng dugo dahil bumababa na ang platelet count niya." dagdag ni Papa.

"Hindi agad siya nasalinan ng dugo kasi kailangan ng permission from the parent." sabi ni Mama

"Ma, hindi kami compatible ni Nate. Kayo po ba?" tanong ko sa kanila.

"Nagpatest na kami kanina at hindi rin kami compatible." sagot ni Papa.

Kinakabahan ako. Baka may mangyaring masama kay Nate. 'Wag naman po sana.

"I'll do it. Call the nurse, I'll do it." sabi ni Edrake na nagpalaki sa mata nila Mama. Syempre, di pa nila alam pati nga ako naguguluhan pa.

Agad namang lumabas si Papa kasama si Edrake para samahan siya sa pagkuha ng dugo.

Alam kong maraming mga tanong ang nabubuo sa isipan namin ngayon.

"Ma, alam kong naguguluhan ka ngayon pati na rin po ako. Pero isawalang bahala na muna natin yan. May tamang panahon para masagot ang lahat ng 'yun. Pagtuonan po natin ng pansin ang anak ko." sabi ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.

Makalipas ang isang oras ay nakabalik na sila Papa at Edrake. Halatang nanghihina si Edrake kaya agad ko siyang pinahiga muna sa sofa at pinatulog. Mabuti nalang at nakinig naman siya. Alam kong pagod siya sa byahe at ngayon sinalinan pa niya ng dugo ang anak namin.

Agad namang kinuha si Nate at ipinunta sa isang silid para isalin ang dugo. Putlang putla ang anak ko, nanghihina ako tuwing nakikita ko siyang nasasaktan. Tiis tiis lang anak, magiging okay din ang lahat. Pangako ni Mama 'yan.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ang pagsalin ng dugo, agad naman binalik si Nate sa kwarto niya. Sinabihan ko muna si Mama na pupunta muna ako ng chapel sandali. Kailangan kong humingi ng gabay sa Panginoon. Gulong gulo na ang utak ko.

Nagtungo agad ako sa chapel at nanalangin nga mataimtim. Iniyak ko lahat ng mga problema ko at isinuko ang lahat lahat sa Panginoon. Alam kong Siya lang ang makapagbibigay ng pahinga sa pagod kong puso at isipan.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at agad hinawakan ang kamay ko.

"I've been waiting for this day to come and I didn't expected that it will turn out in this way." panimula niya.

Bumuntong hininga muna siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita.

"Yes, it's true that I have temporary amnesia but three months after I woke up from comatose, I have recovered all my memories. Everything Dane, the happy moments as well as that devastating day." napatigil siya at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"I chose not to find you because I myself felt lost at that moment. I don't know the reason behind your departure and still couldn't find the answer behind it. I was hurt and I put grudges in my heart that I will never find you and that I don't care about you anymore. That is what my mind is telling me but my heart beats another beat. Few weeks before we arrived here in the Philippines for Quen's and Liz' wedding, Shar contacted me because she found out something in my past. I didn't tell anyone that I have recovered all my memories except for one person and that is Shar, she told me about what happen seven years ago and that Dad forced you to leave me and our lives. I was frustrated with my Dad, I didn't contacted them after that and now they're here to settle everything. I've heard that you both talked and settled everything, I'm happy with that. But Dane, I'm so sorry if it took me so long to make it up all to you. I love you, love. Always and forever." sabi niya na nagpahagulgol sa akin ng masyado. Ang saya ng puso ko na ngayon nagbalik na ang Edrake ko. Pero may biglang sumagi sa puso ko.

"Pero Edrake, hindi na pwede ang tayo." tipid na sabi ko

"Yeah, I know you're happy with Don right now. And with that-"

"Anong sinasabi mo?" gulat na tanong ko.

"I mean, you and Don are together right?" pagtatanong niya.

Gusto kong tumawa pero hindi appropriate yun sa sitwasyon namin ngayon.

"No, we're cousins." sabi ko na nagpaangat sa nakayuko niyang ulo. Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Tell me you're not kidding, right?" sabi niya na nakangiti at tumango naman ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Isang marahan at puno ng pagmamahal na halik. Ang pinakahihintay kong mangyari ulit, sa wakas natupad na.

Tumigil kami at naghahabol ng aming hininga.

"Edrake ..."

"Hmmm?"

"Paano si Shar?"

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Nakakatawa ba 'yun?

"What? Me and Shar are cousins also. She's our cousin in mother's side." sabi niya na nagpabilog ng mata ko.

"Ano? Eh bakit ka niya tinatawag na babe?"

"That's short for baby boy. She's like older to me, that's why." pagpapaliwanag niya.

"This is so unreal." tanging nasabi ko.

"Believe it because it's happening."

At muling nagtagpo ang mga labi namin.

Ang saya ng puso ko. Ang pinakahihintay ko at pinapanalangin ko ay natupad na rin sa wakas.

Salamat Panginoon.

¤

OH HA? ANO? ANO? Mang-aaway pa ba kayo? Hahahahaha labyu labyu. Happy Reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon