Fallen
Edrake's POV
Guess who's the happiest man on earth? ME. Everything is so perfect at the moment and I can't believe that the girl of my dreams is right here in my arms, sleeping so soundly.
God knows how much I love this woman. I don't know what life would be if she will not be with me. She taught me the greatest things in life that no matter how many times you'll fall onto your knees, don't forget to stand and face the journey of life. You can be your own captain of your ship, navigate it on the right path and also travel the vast seas of life with the love of your life. I chuckled with the thought I have.
I was slowly stroking her hair as she is deeply asleep at the moment. Due to euphoric events in my life right now, my heart is beating loudly causing me to feel any dose of sleep.
I spent my time thinking what would be our future will look like. Our own house, our own car, and our kids. I thought about cooking breakfast for my family, going to work with a smile and going home thinking that there are people lovingly waiting for me. From the morning you'll wake up facing the beautiful face you'll ever imagine and spent the night with love and compassion. I chuckled again with the thoughts I have.
Damn Edrake, you're really in love. You fell hard and the good thing is, Dane catched you. I fall freely from her and I won't mind falling deeply for her for the rest of my life.
I smiled while looking at her face and said a silent prayer. I kissed her forehead before I closed my eyes. Thank you, God.
Dane's POV
Maaga kaming nagising kasi papauwi na kami ng Maynila. Nauna ng bumangon si Edrake sakin, hindi ko nga alam kung nakatulog ba 'yun eh. It's already 3AM and we're both ready para bumalik. Agad namang nakarating ang chopper na pinadala ni Edrake dito sa isla para sunduin kami. Oh diba, bonggang bongga talaga tong asawa ko chaaaaar lakas maka-asawa ah
"Hey Marco, this is Dane, my fianceé." pagpapakilala niya sakin sa kaibigan niya.
"Woah bro, I'm proud of you man." sabi naman nung Marco sabay pagfistbomb kay Edrake. Ediwow
"Ay congrats sa inyo, Dane. Nagagalak akong makilala ka." Aba ang galing managalog ng power ranger nato ah. Akala ko spokening dollar to katulad ng asawa ko Oo, kinacareer ko na po
Nilahad niya naman ang kamay niya sa harapan ko at akmang tatanggapin ko na sana nang hapitin ako ni Edrake sa beywang at inilayo kay Marco.
"She's mine, bro. Don't you dare lay your single finger on her. Back off!" pagbabanta niya. Hinampas ko naman ang braso niya.
"Huy baliw ka ba?" tanong ko.
"Oo, sa'yo." sagot niya ng walang paligoy ligoy.
Napasinghap naman ako dun. Edrake naman oo, ke aga aga nagkakarerahan na naman yung puso ko. Nagtatrampoline na naman sa tuwa.
"Cut! Cut! That's a wrap, okay cut na po!" sigaw ni Marco na nagpatawa naman sa aming lahat. Magkakasundo kami ng Marco na to, buang din eh.
-
Sumikat na ang araw nang makarating kami sa Maynila. Nagpunta muna kami sa isang pancake house at kumain ng agahan. Kwentuhan lang at ang OAng Edrake kung makapulupot sakin parang sawa haynaku so clingy naman this guy uy
Matapos naming kumain ay napagdesisyunan naming umuwi na kaagad sa bahay. Ang saya-saya ng byahe namin pauwi kasi kwela rin tong si Marco eh. Tawa lang kami ng tawa hanggang makarating sa bahay. Nagtaka naman ako kasi may nakaparadang magara na sasakyan sa tapat ng bahay. Nagkibit balikat nalang ako kasi baka sa kapitbahay namin yun at nagkamali lang ng parada.
Tinulungan naman ako ni Edrake at Marco sa pagbitbit ng mga gamit papasok ng bahay. Nang nasa may paanan na kami ng pinto ay dire-direrso ko itong pinihit at tinawag agad si Mama.
"Ma-" natigilan ako sa nakita ko.
"Anak-" sabi ni Mama pero agad ko naman siyang pinutol.
"Akyat lang ako sa kwarto ko, Ma." sabi ko sa kanya sabay akyat papuntang kwarto ko. Naramdaman ko naman na sinundan ako ni Edrake. Nang makapasok na kami ay walang umimik sa aming dalawa. Siguro siya gulat at naguguluhan sa nangyayari pero ako tanging puot at pagsusumbat ang nasa puso ko.
Kailan ba 'to matatapos 'tong mga pasabog, Panginoon? Parang hindi naman ata kinakaya ng puso ko. Matapos mabigyan ng sagot ang isang problema ay ganoon na kabilis dumating ang panibagong problema. Nakakapagod na kasi, nakakapagod ng umintindi at masaktan.
Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako. Napakurupok ko talaga sa mga tagpong 'to, dito ko nararamdaman na ang hina hina ko pala talaga. Na kahit anong pagpapanggap ko na okay lang ako, na okay lang lahat ay hindi pa rin nun maaalis ang pagkamahina ko. Tangina parang hindi ko na talaga ka kakayanin. Ang akala kong napakasayang pagbabalik sa bahay ay napunta sa isang sorpresa. Sorpresang mas gugustuhin ko pang hindi mangyari sa tanang buhay ko.
Nakakagago lang na matapos kaming maghirap noon ay ganun ganun nalang siya babalik? Tangina hindi niya alam kung gaano nagkanda kuba kuba si Mama noon para maitagayod ang pag-aaral ko. Na mismong sarili niyang buhay itataya niya para mabigyan lang ako ng magandang kinabukasan tapos siya babalik siya ngayon na parang walang nangyari. Ang galing din niya, napakagaling.
Muli naman akong napahikbi at ngayon ay ikinulong ako ni Edrake sa mga bisig niya.
"Love, whatever pain you are having right now, please let me take that away. I'm also in pain looking at you right now so fragile. Please, love. I'm always here for you." pagpapagaan niya sa loob ko. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit kasi wala ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig. Tanging paghikbi at luha lang ang lumalabas sa kalamnan ko ngayon.
Kahit na patuloy akong nasasaktan ngayon, masaya pa rin ako kasi may isang Edrake na handa akong damayan sa mga problema ng buhay ko. Tatanawin ko itong panghabambuhay na utang na loob sa kanya.
¤
Ang dami namang revelations hahahahaha pahingahin mo naman si Dane, awtor hahahaha ediwow. Happy reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...