¤ 34 ¤

578 54 4
                                    

📌 Natatawa ako sa sarili ko kasi natuto akong mag edit edit ng dahil sa story nato. Taas kuko kung nagustuhan niyo ang bagong book cover 🙌

Vote and comment 💫

¤ ¤ ¤

Sabi-sabi

Dane's POV

Ilang oras na ang nakalipas pero nandito parin kami sa kwarto ko. Nakahiga lang ang ulo ko sa braso ni Edrake habang nakatanaw lang ako sa kisame. Hinahaplos naman niya ang buhok at isang nakakabinging katahimikan lang bumabalot sa apat na sulok ng silid. Naisipan kong basagin ang katahimakang iyon.

"Ano bang pakiramdam na lumaki na buo ang pamilya mo? Na tuwing may family day sa paaralan, eh may dalawang taong dadalo para sa'yo. Na tuwing nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa mga tatay nila ay may maipagmamalaki ka ring tatay mo. Na tuwing tinatanong ka kung nasaan ang ama ay may maisasagot kang matinong sagot." sunod sunod na lahad ko sa kanya. Nagbabadya na naman ang luha sa mga mata ko. Parang gripo na 'to ah, hindi na nauubusan eh. Bumuntong hininga naman siya.

"I think we are on the same side of the story. Yes, I do have a father but he's also absent during those days of my life. And even though I want to say those things right into his face, I can't because he's still my father." diretsang sagot niya.

"Hindi naman magkapareha 'yun kasi kahit wala siya sa mga panahon na 'yun, may inaasahan ka parin na uuwi na tatay sa bahay niyo." sabi ko sa kanya at tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mata ko. Pinahid niya naman agad agad 'yun at niyakap ako ng napakahigpit.

"Dane, do you think it is about time to let go of those thoughts and embrace what you have right now? Because, for how long you'll keep that in your heart, you'll always be hurt and continually be hurting." sabi niya na may concern sa tono.

"Sana ganun lang kadali lahat Edrake eh, sana sa pagpikit ng aking mata, magiging okay na lahat lahat kaso napakalaking hindi ang sagot." napahikbi ako habang sinasabi ang mga salitang 'yun.

"Well, if that's the case Dane, then it will always be your choice. It is up to you if you'll give people another chance. You already gave that to me and Quen, can I ask you to give also that chance to your father?" pagsusumamo niya.

Napatigil naman ako dun. Oo nga, parang ang unfair naman nun saside ng tatay ko kung hindi ko 'yun maibigay sa kanya. Dugo't laman namin ay iisa pero hindi ko siya mabibigyan ng pagkakataon habang ang ibang tao ay napakadali kong mabigyan, parang hindi naman ata tama 'yun.

"Siguro oo, pero ang pinakasigurado ko pa ay hindi pa sa ngayon. Bigyan muna niya ako ng oras na tanggapin lahat lahat at unti unting papasukin siya ulit sa buhay ko." sabi ko at hinahagod naman ni Edrake ang braso ko. Nakita kong napangiti siya.

"This why I love you, Dane. You're too selfless and kind. I love you so much, love." sabi niya sabay halik sa noo ko. Napangiti naman ako sa sinpleng gesture ni Edrake.

"Mahal na mahal din kita, Edrake." sabi ko sa kanya at hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

-

Nagpaalam naman si Edrake malipas ang ilang sandali dahil pupunta muna siya sa condo noya para magbihis. Babalik daw siya agad agad dahil dito na siya maghahapunan. Kasalukuyan akong nag-aayos sa sarili ko ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Anak?" tawag ni Mama.

"Andito po ako, Ma." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sa repleksyon ng salamin na napangiti siya ng makita ako.

"Kumusta ang bakasyon mo anak?" sabi niya habang sinuklay niya ang buhok ko.

"Hala, bakit mo 'yun alam Ma? Kasabwat ka ba ni Edrake?" napaharap naman ako sa kanya pero napatawa nalang ako ng makitang nakapeace sign ang nanay. Haaaaay ang cute cute talaga ng nanay ko

"Pasensya kana anak, napag-utosan lang." wari niya. Tumawa naman ako.

"Humanda sakin yung mokong na yun." pagbibiro ko kay Mama.

Tumawa naman siya kaya napatawa kaming dalawa. Ilang sandali pa at dumaan ang isang nakabibinging katahimikan. Alam ko na kung saan papunta ang kwentuhang ito. Inihanda ko naman ang sarili ko kaya medyo kumalma naman ako.

"Anak." panimula ni Mama.

"Hmmmm." tugon ko

"Alam mo naman at nakita mo namang bumalik na ang tatay mo, diba?" sabi ng nanay ko.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Humihingi siya ng isa pang pagkakataon anak. Gusto niyang baguhin ang buhay niya at maging ama sa iyo at asawa sakin. Anak, alam kong napakalaki ng galit mo sa tatay mo pero anak, maari mo bang mabigay 'yun sa tatay mo?" pakikiusap ni mama.

Ngumiti muna ako bago sagutin ang tanong niya.

"Ma, may tanong lang po ako." sabi ko sa kanya

"Ano 'yun, anak?"

"Bakit po parang ang dali niyong magpatawad? Bakit parang ang dali dali sa inyo na kalimutan lahat mg paghihirap natin mula nung umalis siya? Bakit ang dalidali mong bigyan siya ng isang pagkakataon, Ma?" sunod sunod na tanong ko kay mama. Napabuntong hininga naman siya bago sagutin ako.

"Kasi hindi ako Diyos, anak. Siya nga mas pinili Niyang tanggapin kahit ilang beses na natin Siyang nasaktan. Ganun din dapat tayo anak kasi tayo lang din naman ang masasaktan kung kikimkimin natin ang galit dyan sa puso mo. Wala itong magandang bagay na magagawa sa atin kundi sakit at galit lang. Panahon na rin anak na palayain natin ang sarili natin mula sa kadenang iyon, palayain mo na ang puso mo anak." sabi ni Mama na nagpatulo sa luha ko.

Oo, masakit pero tama naman si Mama. Kailangan ko ng buksan ang puso ko para sa mga taong nang-iwan sakin noon na kahit man ginawa niya iyon ay may dahilan parin siya para bumalik sakin, at 'yun ang pagmamahal. Na kahit lumpuhin paman siya ng nakaraan niya ay may gana pa rin siyang bumangon at ipaglaban ang pagmamahal na iyon. Panahon na nga siguro, sana sa pagkakataon na ito ay maging tama na ang lahat ng mali.

Niyakap ko naman agad si Mama bilang tugon. Siguro kung wala siya, hindi ko lahat makakaya lalo na ang mga sabi-sabi ng aking puso na puno ng galit at puot.

¤

Ganyan dapat Dane, inom karin ng Bonakid para may laban ka na rin hahahahahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon