¤ 28 ¤

585 71 14
                                    

📌 Maybe you noticed po na mahilig akong maglagay ng MVs together with their lyrics sa story ko po, it is actually my writing style. Nagsesearch po ako ng mga music at dun ko po hinuhugot ang mga sinusulat ko. So please listen to the music while reading this para mas dama hahahahaha

Vote and Comment 🙌

¤ ¤ ¤

We Can't Be

Dane's POV

Nabilang ko na lahat ng tupa, naririnig ko na ang paghilik ng mga butiki at nabalibag ko na ang unan ko pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok. Ano ba naman 'to? Huy puso, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman o.

Gatas. Tama, gatas. Siguro naman sa laki ng Rest House nato, may gatas naman ata sila. Agad akong bumangon at bumaba sa kusina para uminom ng gatas. Nahanap naman agad ng mata ko ang fridge at binuksan agad agad. Nagningning naman ang mata ko ng makita ang isang kahon ng fresh milk, yeeeey bingo!

Nagsalin agad ako sa baso at inumpisahan ng ininom yun. Matapos kong maubos ay hinugasan ko ang baso ko para walang bakas ng ebidensiya chaaaar

Tumalikod na ako agad at paakyat na sana ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Naistatwa naman ako akala ko kasi may magnanakaw pero ang gwapong magnanakaw naman neto. Napailing nalang ako.

Hindi ko siya pinansin at akmang hahakbang na sa hagdan ng pigilan niya ang braso ko. Naiinis akong hinarap siya.

"Ano ba, hindi ka pa rin ba titigil Edrake?" bulyaw ko sa kanya pero hindi siya umimik. Tinitigan niya lang ako at nakikita ko ang emosyon niya sa kanyang mga mata.

Lungkot. Pagsisisi. Sakit.

"Dane ..." mahinang sambit niya.

"Edrake, tama na please. Pagod na pagod na ako." at di ko na napigilan ang mga luha ko.

Napayuko naman siya at may basa na sa kanyang mga pisngi.

"Pareho na nating nasasaktan ang isa't isa, hindi ka pa nagsasawa?" tanong ko sa kanya.

"Dane, you can push me anytime but Dane, I love you. I really do." sabi niya sa gitna ng hikbi niya.

"Tangina Edrake! Sa tingin mo pag-ibig pa ba ito? Patuloy tayong nasasaktan at masasaktan, Edrake. Kung tatanggapin kita sa buhay ko, paano mo masisiguradong hindi mo na ako iiwan muli?" napasabunot ako sa buhok ko.

"I know, Dane. But please, just give me one last chance. Please." pagmamakaawa niya.

"Kung sa tingin mo madadala ako sa mga katagang 'yan, nagkakamali ka. We both know we can't be, Edrake." at iwinasiwas ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Tumalikod ako kaagad kasi di ko na nakakaya ang sakit.

Boooogsh

Paglingon ko ay nakita kong nakahandusay si Edrake sa paanan ng hagdanan. Nanlaki naman ang mata ko at agad inakay siya.

"Edrake! Gumising ka! Tangina!" naiiyak nako habang hinahawakan ang ulo niya. Naramdaman kong may basa. Nataranta naman ako ng makitang may dugo.

"MANAAAANG! MANANG MARTHA! TULONG PO!" sigaw ko sana magising sila.

"Jusko, Edrake! Gumising ka!" niyugyog ko siya.

"Anong nangyayari Ma'am-- jusko Sir! Joseph, tumawag ka ng doktor! Bilisan mo!" utos niya sa asawa niya. Agad namang tumungo si Kuya Joseph sa telepono at tinawagan agad agad ang doktor.

Inakyat na muna namin siya sa kwarto niya. Buti nalang at nandito si Kuya Joseph para buhatin siya.

Nanginginig ang buong katawan. Anong nangyayari sayo, Edrake? Natatakot ako.

Natatakot ka bang mawala siya?

Tangina, oo! Takot na takot ako.

Umiiyak naman ako sa labas ng kwarto habang nasa loob naman sila Manang Martha na ginagamot ang sugat niya sa ulo.

"Edrake, natatakot ako." tanging nasambit ko habang nakayukong umupo sa gilid ng pintuan.

-

Nagising nalang akong nasa kama. Umaga na pala. Agad naman akong napabalikwas nang maalala ang nangyari kagabi.

Tinungo ko ang kwarto niya at sakto namang palabas si Manang Martha sa kwarto ni Edrake.

"Ano hong sabi ng doktor?" tanong ko. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

"Masyado daw pong stressed si Sir. Wala daw po itong tamang tulog at nakitaan po siya ng early signs of depression." sabi niya. Napatakip naman ako ng bibig ko.

Jusko Edrake, anong nangyayari sa'yo?

Kasalanan mo 'to Dane eh, ang tigas tigas ng puso mo. Bumabalik na naman ang ugali mong hindi pinapakinggan ang ibang tao. Ang taas taas ng pride mo.

Napaiyak naman ako dun kasi sinisisi ko ang sarili ko. Niyakap naman ako ni Manang Martha.

"Ma'am, alam kong wala ho ako sa lugar para pakiusapan kayo pero po naawa na po ako sa inyong dalawa. Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa at normal lang na may pag-awayan kayo pero ang importante po ay handa kayong makinig sa isa't isa. Kung mahal mo siyang tunay dapat handa kang masaktan kasi ang pag-ibig, hindi naman 'yan puro saya at ligaya eh. Tandaan niyo po Ma'am na mas titibay ang relasyon niyo kung sabay niyong harapin ang lahat ng bagyo at unos." sabi ni Manang Martha na nagpabukas naman sa mga mata ko.

Natamaan ako 'dun. Eksaktong eksakto ang sinabi niya.

Ano ba ang punto ko sa hindi pakikinig sa paliwanag ni Edrake?

Hindi ko mahanap ang sagot kasi walang sagot sa tanong na 'yun. Alam kong ang pride ko ang nagdidikta na gawin iyon, ang tanga ko lang.

"Maraming salamat po." sabi ko sa kanya bago bumuwag sa aming pagkakayakap.

"Walang anuman, iha. Basta tandaan mong mahal na mahal ka ni Sir. 'Yan ang panghawakan mo." nakangiting sambit niya. Nginitian ko lang siya at tinanguan. Agad naman akong pumasok sa kwarto ni Edrake at nakitang natutulog pa rin siya. Umupo ako kaagad sa upuan katabi ng kama niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at nagbabadya na naman ang luha ko.

"Pasensiya kana Edrake kung naging matigas ang puso ko. Patawarin moko ..." at pumiyok na nga ang boses ko at unti-untimg tumulo ang luha ko.

"Alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo kahit ang gusto mo lang naman ay pakinggan kita. Alam kong tanga ako, patawarin moko." pinahid ko naman ang luha ko at tinitigan lang ang mukha niya.

Walang nagbago, ang gwapo niya pa rin. Nagkakaroon na ng mga linya ang mukha niya, halatang walang tulog at pagod ito. Naaawa ako sa sitwasyon niya.

Dane, wag mo munang isipin ang sarili mo ngayon. Maawa ka naman sa mga taong nakapaligid sa'yo, di lang ikaw ang nasasaktan eh.

"Pangako 'pag magigising kana, ihahanda ko na ang sarili ko sa mga paliwanag mo. Pangakong bibigyan kita ng pagkakataon na ihayag ang mga nais mong sabihin. Mahal na mahal kita Edrake at nasasaktana kong nakikita kang ganito." hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at pinahid ang luha sa mata ko.

Agad naman akong tumayo kasi kailangan kong maghanda sa sarili ko. Babalik nalang ako mamaya. Naglakad na ako patungong pintuan pero napatigil ako ng narinig ko siyang nagsalita.

"I love you too, Dane. I will always love you." sabi ni Edrake.

¤

Ayuuuun ang ganda ng ginawa mo dun Martha, dagdagan kita mga singko. Ginalingan mo eh hahahahaha happy reading 🙌

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon