Isasayaw Ka Sa Ulap
Dane's POV
Napagdesisyonan namin ni Edrake na umuwi na ng Maynila. Gustuhin man naming manatili muna dito pero may dapat pa kaming asikasuhin kaya itong araw na 'to ang magiging huling araw namin dito. Nakakalungkot man isipin pero ang saya rin kasi dumating kami sa lugar nato na puno ng galit ang puso pero aalis na may baon na pagmamahalan. Bonus na si Edrake, syempre.
Ipinagpaalam na rin namin ito kina Manang Martha at wala naman silang problema doon. Basta daw bumalik kami dun pero dapat may bitbit na daw na mga baby shark. Nawindang naman ako sa parequest ni Manang Martha pero tumawa lang ang mokong na Edrake. Ang lakas ng tama.
Malapit ng lumubog ang araw pero andito parin ako sa tabing dagat. Di ko kasi nakita si Edrake simula kaninang pananghalian. Ewan ko ba saan nagsusuot 'yun at nawala yata. Kanila naman tong isla na to, may tyansa pa kayang mawala yun? Parang imposible naman yata.
Ginugol ko nalang ang aking oras sa pag iimpake ng mga gamit namin atsaka lumabas na rin para magpahangin at gumuhit ng kung ano-ano. Ang ganda lang maging subject ang kalikasan, parang sobrang presko sa pakiramdam na may maguguhit kang isang magandang tanawin.
Habang busy ako sa pagtanaw sa mapupula at asul na kalangitan ay may tumakip na panyo naman sa mga mata ko. Amoy palang ng mokong ng 'yun alam na alam ko na. Batukan ko na nga sana buti nalang nakapiring yung mata ko. Anong trip na naman kaya neto sa buhay niya. Ediwow bahala siya
Naramdaman kong inilakad niya ako sa isang mabuhangin na lugar. Hindi pa naman ako nakaapak sa may tubig so safe pa, baka kasi may plano tong lunurin ako char lang hahahaha lunurin sa pagmamahal ba, kayo talaga.
Inalis naman niya ang pagkakapiring ng panyo sa mata ko at literal na lumuwa ang mata ko. May pa candlelight dinner ang mokong nato ah.
"Huy ano 'to?" tanong ko.
"This one is called candle. And this round one is called plate- ouch!" binatukan ko nga. Andaming alam eh.
"Umayos ka nga, sapakin kita dya eh." banat ko
"Hey! You're asking me what are those-" hindi niya na natapos ang sabi niya kasi akmang aalis na ako. Naiinis ako. Pero char lang ba
"I'm just kidding. Come on, take a seat my love." pinaghila niya naman ako ng upuan. Ayun, kilig kilig na naman ang lelang niyo kaya erase lahat ng pagkapabebe sa katawan.
Inumpisahan naman niyang ihain ang mga pagkain sa lamesa. Nagsimula na kaming kumain kahit palubog palang ang araw. Kwentuhan lang kami, tawa tawa atsaka kire kire, lamnyonayun.
"Eto ba ang dahilan kaya hindi ka nagpakita sakin buong hapon?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Parang natatae na ewan.
"Huy okay ka lang? Anyare sa'yo bakit parang natatae ka dyan?" natatawa kong tanong sa kanya. Tumango lang siya atsaka bumuntong hininga. May problema yata tong mokong nato.
"Edrake, sabihin mo sakin anong bumabagabag sayo kasi nagmumukhang CR na ako dito eh, kung makatitig ka kasi para ka ng natatae." pagbibiro ko sa kanya pero bigla namang sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko ng napakahigpit.
"Dane ..." pagtawag niya sa atensyon ko. Lumingon naman ako kaagad sa mukha niya.
"Hmmm." sagot ko at bumuntong hininga na naman siya bago magsalita.
"I know everything may seems so fast and abrupt but know that I love you. From the first time I've known you up to this day, my heart always beats for you ..." napatigil naman siya. Hinintay kong magsalita siya ulit kasi naguguluhan ako.
"I've neve imagined my life with someone before. All I wanted is to achieve things all by myself. But when you came in my life, I wanted to do things with you. Everything we do leaves a special mark in my heart and I want to achieve more memories with you ..." tumayo naman siya pero di pa rin niya inaalis ang pagtitig sa mata ko. Kinakabahan ako, ang lakas ng kalabog ng puso ko. Anong nangyayari uy, may alam ba kayo? Kasabwat ba kayo ng mokong na 'to?
Humarap naman siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko habang nakaupo naman ako at nakatingala sa kanya.
"Just like sunsets, endings can be beautiful too. And I would like to end this day beautifully just like this phenomena ..." sambit niya
Bigla naman siyang lumuhod at juskoporudeh parang natanggal ang eyeballs ko mga three-seconds. Nakanganga akong tinitigan siya at kumawala naman ang mga luha sa mata ko.
"Monique Dane Enriquez, Dane, I would like to spend my whole life together with you ..." inilabas naman niya ang pulang kahon at binuksan ito. Isang kumikinang na singsing ang laman nito at napaiyak na talaga ako ng todo.
"Marry me please, Dane." sabi niya. Hinihintay ko nalang ang mga katagang 'yon. Alam kong siya na ang itinakda ng Diyos sa'kin. Simula't sapul palang, natatanaw ko na ang buhay ko na kasama siya.
Walang kaano-anong tumango ako ng napakarami. Lumiwanag naman ang mukha niya.
"But I want to hear the words Dane, I won't settle for gestures." nakangusong sabi niya. Sinabunutan ko nga kasi umaandar na naman ang pagkapabebe ng lalaking to.
"Yes, Mr. Edrake John Beckham, will marry you." ngumiti naman siya ng napakalapad at isinuot ang singsing sa daliri ko.
Tumayo siya at inalalayan naman niya akong tumayo. Hinalikan niya ako agad agad, halik na punong-puno ng kasiyahan at pagmamahal. Matapos ang halik na iyon ay niyakap niya ako ng pagkahigpit. Isinabit niya ang ulo niya sa balikat ko habang unti unti kaming sumasayaw kahit na ang hampas ng alon lang musika sa aming mga tenga.
"You don't know how happy I am right now, Dane. I can't wait to marry you soon and start our own family. I want fifty baby sharks tho." natatawang sabi niya.
Nahampas ko naman siya kasi di ko kinakaya ang mga lumalabas sa bibig niya.
"Tigilan moko Edrake John, kung itutuloy mo yan mabuti pa't magkalimutan na tayo." pagbibiro ko naman.
"Just kidding love, I'm okay with forty seven." nagtawanan nalang kami dahil sa kakulitan ng lalaking to.
Ang saya sa pakiramdam na malapit na akong matali sa lalaking minamahal ko at mahal rin ako. Para akong sumasayaw sa ulap kasama siya, napakagaan at napakasaya.
¤
THE END
Chaaaaaar! Hahahahahahaha practice lang po hahahahahaha happy reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...