¤ 47 ¤

501 51 15
                                    

Sana

Dane's POV

Medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa mga sinabi ng anak ko. I know he's tougher than me, I sensed that. Nakakahiya nga eh na kahit ako 'yung ina, ako pa 'yung kargo niya sa mga panahong katulad nito. Buti nalang talaga nabigyan ako ng isang napakatalinong anak. Ewan ko ba sa batang 'to, simula limang taon palang siya eh nahilig na sa pagbabasa. Noong una, mga educational books lang tapos naging religious books at ngayon mga fiction books na suitable sa edad niya. I'm always monitoring his books kasi baka magulantang nalang ako bukas makalawa na ang anak ko eh marunong na gumawa ng anak chaaaaar pero oo, tama kaya 'yun lalo na 'yung ibang books 'dyan na nagtuturo ng mga ganun aheeeem

Nakarating kami sa bahay mga 8PM na kasi naabotan kami ng traffic buti nalang nakarating kami ng maaga aga kahit na rush hour ngayon.

"Nay, I'll just change. Wait for me, I will help you cook our dinner." sabi niya na nagpangiti naman sakin.

"Okay Nate. Bilisan mo. Ang bagal mo pa naman." pagbibiro ko.

Tumakbo naman siya agad sa itaas at pumasok sa kwarto niya.

Ang sayang tingnan na ang anak ko sa murang edad eh napakatatag. Biruin niyo, nakayanan niyang mabuhay ng pitong taon na hindi man lang nasilayan ang mukha ng Tatay niya sa personal. Of course, nakita na niya ang tatay niya sa mga pictures and stuff at in fact, kinuha niya ang isa sa mga sketch ko sa Tatay niya noo. Pinabayaan ko nalang kasi maganda na rin 'yun na di mawawala sa isipan niya ang Tatay niya.

Makalipas ang ilang sandali ay bumababa na siya at tinulungan na akong magluto. Ito na ang pinaka bonding naming dalawa dito sa bahay, luto-kain-gawa ng assignments-tulog. Hindi na ako kumuha ng yaya kasi hindi naman na kailangan. Kahit pagod na pagod na ako sa trabaho, I always find time for bonding moments namin ni Nate. Ayokong ipagkait sa kanya 'yun kaya gagawin ko ang lahat para mapagtuunan siya ng pansin.

Matapos mahugasan ni Nate lahat ng pinggan ay tumungo na kaagad kami sa kwarto. Yes po, pinalaki ko pong independent ang anak ko. Lalaki pa naman siya kaya dapat ganun. Ayokong lumaki siya na palaging umaasa sa iba.

"So, do you have any homework?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at binuksan ang bag niya.

"Nay, Math is really difficult to understand Nay. I always pray na sana English is the subject all day." pagmamaktol niya. Haynaku 'tong anak ko.

"Nate, it's only hard if you'll always think that it is. Pagsikapan mong aralin anak and you'll love it eventually." sabi ko at agad naman siyang nagbasa ng workbook niya. I let him do his homework at taga assess lang ako kung tama ba ang mga ginagawa niya.

"Yeeeey, it's finally done. Thank you Nanay, I will learn how to love Math now." masiglang sabi niya. Agad naman kaming tumungo sa kama at pinahiga ko na siya. It's already late kaya dapat matulog natomg chikiting na ito. He sleeps soundly talaga pag kinakantahan ko siya. Parang naging lullaby na niya ang boses ko.

Matapos makatulog ni Nate ay bumangon muna ako para tapusin ang ibang trabaho ko. I checked my emails, sign online documents and approve proposals. Mga ganyang gawain lamang.

I also found out na kaya pala si Laurice ang pumunta sa meeting kanina eh mag business partners pala sila ni Shar. They planned to extend their business here in their home country kaya ngayon they need some service for their entity's future status. Hindi naman sa pagmamayabang pero my company is the leading and growing giant in Accounting Industry. Kaya some big clients are working with us. Hindi na ako nagwonder kung bakit sa amin nagpunta ang construction firm nila Shar.

It's already midnight and I received an email. I was about to go to sleep and just let it there. But my heart wants to open it. Pagkabukas ko ay lumuwa ang mata ko sa aking nakita. Hala!

-

Morning came and hindi ako nakatulog ng maayos kasi di parin nawala sa isip ko ang email na iyon. I didn't expected that.

"Nanay, are you okay?" tanong ni Nate na nagpabalik sa diwa ko.

"H-ha? Of course, I am anak. Sige na, pumasok kana bago magbell." sabi ko and then I kissed his cheeks. He waved goodbye to me at agad pumasok.

Dumiretso ako kaagad sa opisina para gawin ang trabaho ko.

"Ma'am, someone is waiting for you in your office." Thea said and I nodded. Well, I expected this one.

Pagkabukas ko ay agad naman niya akong niyakap. Tumulo naman ang luha ko at niyakap din siya pabalik.

"I missed you."

"Na-miss din kita. Bakit hindi ka nagpakita ng ilang taon ha?" sabi ko na naiiyak pa.

"Eh we're so busy, you know preparing for the future."

"Naks, englishero na bay. By the way, congratulations Quen. Ikakasal na kayo finally ni Liz, I'm so happy for the both of you."

"Thank you Dane. You know I got nervous sending you that email kasi baka di mo na ako pansinin." pagbibiro niya kaya nahampas ko tuloy.

"Ikaw talaga dami mong alam. Nasaan si Liz? Bat di mo siya kasama?" tanong ko.

"Actualky she said na may dadaanan lang daw siya saglit and she'll be here in a while." sagot niya.

"So, are you ready to be her maid of honour, Miss Enriquez?"

Eto ang nagpakaba sakin kagabi eh kasi naman parang ang tagal tagal na nung last ko, kay Elaine pa 'yun kaya medyo natataranta pa rin ako.

"May time pa bang mag back out?" I joked. Umiling naman siya kaya natawa ako.

"Nope."

"Haynaku nagtanong ka pa."

We just both laugh and enjoyed the rest of the hour.

Siguro kung kami pa ni Edrake, malamang sa malamang eh ikinasal na kami.

Sana ganun nalang sana. Sana ganun nalang kasaya ang lahat.

Kaso hindi.

¤

Gulat kayo no? HAHAHAHAHAHAHA happy reading 🙌🌄

P.S. Wag masyadong kumain ng hopia. Nakamamatay.

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon