📌 Hi Readers. Nakakataba pala sa puso pag may nagcocomment and vote sa story ko. I'm not forcing you or obliging you tho hahahaha pero sobrang maaappreciate ko po if you'll do so. Thank you 💫
¤ ¤ ¤
Oo
Dane's POV
Aba't ang raming baon ng mokong na'to ngayong araw ah. Siguro kung masyado ho akong marupok baka bumigay na ng tuloyan ang kalamnan ko. Pero hindi eh, matatag pa naman ang mga bakod ko. Guard your heart ika nga, diba? So pag-iigihan ko muna ang pagduduty ko ngayon.
Agad namang bumalik si Edrake sa kanyang upuan na katabi ko at ngiting ngiti pa sa pinaggagawa niya. Naku naku, 'wag ho ako. Napabuntong hininga nalang ako kasi pulutan na naman kami dito.
"Haynaku pulutan na naman tayo, 'di ka ba nagsasasawa?" tanong ko sa kaniya
"I dont mind it anyway, we're good and let them do what they want." diretso niyang sabi
"Sige sabi mo eh." sagot ko
Patuloy lang sila sa pagkanta at pagkekwentuhan. At ngayon ako naman ang napagtrippan ng mga officemates ko.
"Dane, kanta ka naman. Dali na!" sigaw ng butihin kong bestie
"Wag ako Elaine." sagot ko sabay irap sa kanya.
"Ayy KJ naman neto, sige na. Nandito tayo para mag enjoy hindi para magmukmok."
"Come on Dane, just one song." sulsol naman ng kano sa tabi ko
"Oh diba si Sir na mismo nagrequest, sige na" sabay naman ni Elaine
"Oh sige na sige na. Daming satsat eh." tumayo naman ako agad agad at tinungo ang videoke. Nagpindot ng numero at kumanta.
🎶
'Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita ka muliNagtapos ang lahat sa 'di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alamAko'y iyong nasaktan
🎶Hindi ko na natapos ang kinanta ko at bigla ko nalang nilisan ang venue na iyon. Akala ko kasi kaya ko na pero 'di pa pala. Tanga tanga mo kasi Dane, bat ba kasi pinagbigyan mo pa 'yun kung iiyak at malulumugmok kana naman ngayon.
Narinig ko pang tinatawag ako nila Elaine pero 'di ako tumigil sa pagtakbo. Napadpad ako sa isang tahimik na parte, tanging pagsalpak ng tubig dagat at mga kuliglig lang ang aking naririning. 'Di naman masyadong kalayuan to pero sapat na para 'di nila marinig ang mga iyak at hikbi ko.
Ang saya ko na eh, okay na sana eh. Pero ng dahil lang sa isang punyetang kanta ay parang nanumbalik lahat ng alaala. Apat na taon na Dane eh, apat na taong pilit mong kinakalimutan pero ng dahil lang 'dun parang ang presko ng mga sugat. Patuloy lang ako sa paghikbi at iyak habang tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan. Buti pa sila, kahit nawawala tuwing umaga ay maasahan mong magbabalik lamang sila pagsapit ng gabi. Na kahit anong bagyo o unos pa ang tumabon sa kanila, alam mong nandoon lang sila sa likod ng makapal na ulap at hinihintay ang tamang panahon na bumalik at ipakita ang ningning nila. Ano ba naman 'yan, pati bituin pinagdidiskitahan mo eh. Natawa nalang ako sa naisip ko.
"A penny of your thoughts?" sabi ng taong alam ko na kung sino habang umupo sa tabi ko.
"Wala akong barya eh." pagbibiro ko pero humihikbi parin
"I just want to let you know that I am here in case you need someone to talk to. It's my time to return the favor, if it's okay with you." Nakangiti niyang sabi sa'kin.
Napabuntong hininga muna ako. Kaya ko na bang sabihin lahat lahat? Hindi ko malalaman kung 'di ko susubokan. Napabuntong hininga lang ako ulit atsaka sinimulan ang pagkwento.
"I had this boy bestfriend noong highschool. Isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan at naging close talaga kami dahil nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. He brings out the best of me like noon akala ko magaling lang akong sumayaw pero natutunan kong kumanta at tumugtog ng mga instrumento ng dahil sa kanya. We're both enjoying our youth and one day, he confessed his feelings toward me. Nagulat ako syempre pero 'di ko inakala na we share a mutual feeling pala kaya hindi na naging mahirap ang lahat lahat sa amin. We're both legal sa parents namin since they were our family friend. Everything was so magical and happy ..."
Napatigil ako at nilunok ang namumuong pagkabahala sa aking lalamunan. Pi-nat naman ni Edrake ang likod ko kaya na-okay 'din ako agad-agad.
" ... but during our 4th Anniversary, todo effort ako nun kasi syempre nagtagal kami ng apat na taon. Hinintay ko siya sa school garden namin sa highschool noon, he said he would come immediately pero lumubog nalang ang araw ay walang nagpakita sakin kahit anino man lamang niya. I was worried and disappointed but pagdating ko sa bahay, I was crashed by the news that I've heard from my mom. Bumalik na daw sila sa Amerika kasama ang buong pamilya niya. Walang paalam at walang pasabi kung bakit. Maraming tanong ang nabuo sa isipan ko kung saan ba ako nagkulang kasi 'di ko lubos maisip kung bakit niya ako iniwan ng ganun ganun nalang .."
Napahikbi ako at muli namang hinaplos ni Edrake ang likod ko. Ngumiti naman ako sa kanya bago itinuloy ang pagkekwento.
"He was my first love and at the same time my first heartbreak kaya 'di ako agad agad nakamove on kasi naging malaki ang parte niya sa buhay ko. Na kahit apat na taon na ang lumipas ay nandito parin ang sakit pero alam kong hindi na ito katulad noong dati. Maybe tama nga siguro ang sabi nila na "Time heals", siguro nga. Pinipilit ko namang maging masaya sa ibang bagay pero nandun parin ang kirot na idinulot niya sakin. Pero life must go on nga diba, kaya laban lang." pagkukumbinsi ko sa aking sarili
Nabigla nalang ako ng bigla akong niyakap ni Edrake. Well, maybe ito ang way niya of comforting people. Infairness, effective kasi gumaan ang loob ko at medyo nabawasan ang bigat sa loob ko. Napangiti nalang ako nung buwagin niya ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap sakin.
¤
Listen to that song, ansaket kasi eh hahahahaha keep reading guys 💫
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...