¤ 43 ¤

531 48 30
                                    

Maghihintay Ako

Dane's POV

Pitong taon na ang nakalipas pero sariwang sariwa parin ang mga sugat ng kahapon. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umaasa na may isang Edrake na magbabalik sa buhay ko balang araw. Walang gabi na hindi ko naalala ang mga ngiti at mukha niya, ang mga ngiting nagpasaya sa buhay ko at ang mga ngiting paulit-ulit kong inaalala para sabihan ang sarili ko na maging matatag para muling masilayan ang mga ngiting iyon.

Alam kong isang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko pitong taon ang nakalipas, alam kong naduwag ako at natakot na sa magiging buhay namin kung sinunod ko ang kagustuhan kong makapilimg siya. Kasalanan kong hindi ako naging malakas at matatag para ipaglaban ang pagmamahalanan namin. Nadala ako ng takot, galit at puot. Hindi ko alam pero sa kabila ng nangyari sakin pilit ko paring iniintindi ang mga pinagdaanan ko noon sa Germany. Na kahit ang mga masasakit na salitang binitawan ni Sir Kevin ay pilit kong inintindi kasi gusto niya lang maging maayos ang buhay ni Edrake. Pero ang katumbas nito ay ang paglayo at pagbitaw sa pagmamahalan na meron kami.

Tuwing umaga, nagigising ako na may pag-asa sa puso ko na nagbalik na ang mahal ko pero agad naman itong pinapawi ng realidad na walang Edrake na dumating. Na wala kahit anino niya ang pumunta dito sa Pilipinas parin mabigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pagmamahalan naming dalawa.

Kinukumbinsi ko ang sarili ko na baka inintindi pa niya ang sitwasyon at rason kung bakit ako bumitaw, kung bakit ko piniling hindu tuparin ang mga pangako namin sa isa't isa, at kung bakit hindi ako natutong lumaban.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, parang ang tagal naman na ata ng pitong taon. Edrake, bakit parang natagalan ka yata? Naiisip mo pa ba ako? Minsan ba sumasagi sa isipan mo ang kasiyahan na pinagsaluhan natin noon? Naiisip mo ba na baka meron pang tayo?

Hindi ko namalayang unti unti ng dumadaloy ang mga luha sa aking mga mata. Nakatanaw lang ako ngayon sa palubog na araw at inaalala ang mga sandali na kasama ko ang mahal ko sa tuwing sabay naming pinagmamasdan ang magandang tanawin katulad nito.

Naramdaman kong may munting kamay na pumahid sa magkabilang pisngi ko. Pagtanaw ko ay nakita ko ang isang anghel na nakangiti habang hinahawakan ang dalawang kamay ko.

"Wag ka ng umiyak, nanay. Kung naalala mo man si Tatay ngayon pwede mo naman akong titigan, diba sabi mo magkamukhang magkamukha kami?" inosenteng sabi ni Nate.

Ang aking munting anghel. Ang munting anghel na nagbigay sakin ng lakas ng loob na lumaban sa buhay at magiging matatag para sa kinabukasan naming dalawa. Siya ang naging sandata ko sa mga unos at problema. Na kahit ngayon na unti unti ko ng nakakamit ang mga pangarap ko ay nanatili parin siyang inspirasyon ko para mas pag-igihan pa ang buhay ko.

"Halika ngang bata ka dito." inakay ko naman siya at pinaupo sa gitna ng hita ko. Niyakap ko naman siya patalikod at sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng araw.

"Look Nay, look at the sunset." turo niya sa makulay na kalangitan.

"It is a reminder for us not all endings can be sad, that endings can be beautiful too." sabi niya.

Just like sunsets, endings can be beautiful too.

Agad namang napatuwid ang pag upo ko sa naririnig ko sa anak ko. Eto na yata ang epekto ng pagkahilig niya sa pagbabasa, manang mana sa Tatay eh.

"You, young man, I'm so proud of you anak." pagbaling ko sa iba kasi medyo nawindang ako sa narinig ko mula sa kanya.

"No Nay, I'm more than proud of what you've become." Haynaku talaga tong batang 'to. Sa tuwing kausap ko siya eh para naring naging si Edrake ang naririnig ko mula sa kanya.

'Hindi kaya sinapian to ni Edrake.'

Napatawa nalang ako sa mga naiisip ko.

"Hey, I've remembered something." sabi ko sa kanya.

"What is it, Nay?" tanong niya

"Why did you stole that poem huh? Hindi ka nagpaalam kay Nanay." Pagbibiro ko sa kanya.

"Nah if I told you that I will, then you'll not allow me." tama nga naman.

"That's why it's better to keep that in that way." ang pilyo talaga ng anak ko. May pinagmanahan.

"Haynaku bata ka, bakit ba sa twing may pag-uusapan tayo eh parang palagi akong talo." pagbibiro ko sa kanya atsaka kiniliti siya.

Napapitlag naman siya

"Nay, s-stop hahahaha please Nanay, stop na." pagmamakaawa niya.

"Amg cute mo talaga. Kiss mo nga si Nanay, bilis." sabi ko at agad naman niya itong sinunod. Mga munting halik mula na pinaulan niya sa buong mukha ko.

Napatawa naman ako sa kakulitan mg anak ko.

"Ang sarap naman ng mga halik na 'yun pero bakit ang dami yata?" pagtatanong ko sa kanya.

"I included Tatay's." diretsang sagot niya.

"Saglit lang nak ha, ihanda ko muna ang shield ko. Wait lang." pagbibiro ko sa kanya at tumawa naman siya kaya't napatawa naman ako.

"I love you so much Nanay, always." paglalambing niya.

"I love you more, love. Always and forever." Atsaka hinalikan ang malalambot niyang pisngi.

Ang swerte swerte ko talaga sa anak ko. Mabait, magalang, matalino atsaka maka Diyos. Buti nalang at naambonan ng katangian ng Tatay niya kaya napakaswerte ko talaga. Salamat Panginoon dahil binigay mo si Nate sa buhay ko. Isang hiling nalang po ang patuloy kong hihilingin sa inyo. Sana po magbalik na si Edrake, pangako po pagdating ng takdang panahon, kahit gaano pa katagal 'yan basta maghihintay po ako.

Someone's POV

"Babe, are you sure about this?"

"I've never been more sure in my life babe. So, let me please."

"Okay, babe. I will."

¤

Hala hala may pasuspense hahahahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon