¤ 55 ¤

586 62 24
                                    

Hanggang Dito Nalang

Dane's POV

I'm still shaking.

Hindi ko alam pero hindi parin ako kumakalma kahit na kinakalma naman ako ni Edrake.

Feel ko we're on the both ends of the elevator so parang malaki ang distance between us.

"Hey! Are you okay now?" tanong niya. Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita kasi madilim.

Ilang sandali lang ang nakalipas at naramdaman kong lumapit siya sakin. Biglang nasagi ng braso niya ang braso ko kaya nakaramdam ako ng kuryente. Kuryenteng matagal ko ng hindi nararamdaman.

"I hope you don't mind me sitting here beside you." sabi niya

"O-okay lang." sagot ko naman kahit nanginginig ako.

Bumuntong hininga naman siya. At nabigla ako sa mga sinabi niya.

"Seven years ago, I was involved in some serious accident. My family told me nothing about the reason behind it. That's why, up to this day, there's a big question mark running in my head. I know there's a deeper cause of it because I can hear it in my heart, but still I don't know. And it frustrates me because I can't recall anything." malungkot na sabi niya.

Nabigla ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko namamalayang tumutulo ang luha ko at napapahikbi na ako.

Kung desperada lang akong ipaalala sa'yo at pagpipilitan ko ang sarili ko sa'yo eh ginawa ko na Edrake. Kaso, hindi ko kaya. Hindi ko kayang diktahan ang tibok ng puso mo kasi alam kong iba ang itinitibok ng puso mo. Oo masakit pero matutunan ko ring taggapin lahat lahat.

"There's this girl whom I drew so much strength and optimism. That no matter how hard my situation right now, she always stays on my mind and continuously inspires me." mahinang sabi niya.

Syempre, si Shar.

Ano pa bang laban ko kung alam kong tapos na?

Naramdaman niya ata na napapalakas na ang hikbi ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Hey, what's wrong?" pag-aalang tanong niya.

Hindi ako agad sumagot kasi pinag-iisipan ko pa ang tamang sagot sa tanong niya.

"Napakalungkot kasi ng kwento mo." sambit ko na nagpapiyok ng boses ko.

"Yeah it is but don't be Ms. Enriquez, someday, all my questions will be answered. Just help me pray." masiglang sabi niya.

Araw-araw kong pinapanalangin Edrake na bumalik na lahat ng alaala mo at bumalik kana sa amin. Pero mag-iiba na ang takbo ng kwento eh kasi hindi na kami ang nasa main picture mo at the moment, may Shar na umaalalay sa'yo sa mga panahong kinakailangan mo ng kasama. Mga panahon na sinayang at inaksaya ko kasi naging duwag ako.

Gustong-gusto ko ng bumalik ka Edrake hindi para sa amin, pero para sa mga taong nagmahal sa'yo noon. Tatanggapin ko nalang na wala na talagang tayo kasi ayokong makasira ng 'tayo' ng iba. Hinding hindi ko hahayaang bumalik ka samin matapos mong sirain ang relasyon mo para sa iba, hindi 'yun makakaya ng konsensya ko. Na kahit na mahal na mahal kita, handang handa din akong magparaya at magpalaya.

Bigla namang bumukas ang ilaw at umandar na ang elevator. Bumukas nama ang pintuan nito at nakita namin sa labas sila Shar, Don, Lau at ang nga taong nagrepair ng elevator.

Niyakap naman ako agad ni Don. Paniguradong nag-alala siya ng masyado. Habang sila Shar naman at Lau ay nilapitan si Edrake.

"Okay ka lang ba, Dane?" nag-alalang tanong ni Don.

"I'm okay." tipid kong sagot.

I'm okay with the fact that we are stuck their for about thirty minutes but I'm not okay with the revelations and realizations I've thought.

Naramdaman siguro niyang hindi ako okay kaya sinamahan niya ako pabalik ng opisina ko.

Nang paalis na kami ni Don ay muli akong nagbalik ng tanaw kay Edrake. Saktong nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako ng tipid at ganun din siya.

Hanggang dito nalang muna tayo Edrake. Kasi may mga bagay talagang hindi nating mapipilit mangyari. Maybe I just need to let go at the moment and let God navigate my decisions.

Sakto na muna ang sakit Edrake, tama na muna.

Mahal na mahal kita pero nasasaktan na ako.

Parang hindi ko na makakaya pa.

-

Tulala akong naghihintay sa labas ng classroom ni Nate. Ilang minuto nalang at lalabas na sila.

Nasa ganun akong estado ng ilang minuto at di ko namalayan na may munting anghel na nakangiti sakin sa harapan ko.

"Hi Nanay! I missed you." masiglang sagot niya.

Kakalimutan ko muna ang lungkot dahil kasama ko ngayon ang anak ko.

"Namiss din kita love." sagot ko at niyakap siya.

"Nanay, I got many stars from our class today. Look oh!" sabi niya at itinaas ang braso niya na punong puno ng mga bituin. Nakakaproud talaga tong anak ko.

"Wow, I'm so proud of you love. Nanay will treat you." sabi ko at ngumiti ng malapad.

"Ice cream!" diretsang sagot ko.

Nagtawanan naman kami sa kasiglahan ng anak ko.

Naglalakad kami sa hallway ng may biglang tumawag sa atensyon ko.

"Miss Enriquez."

Si Edrake. Na naman.

"Yes, Mister Beckham." sabi ko at napatingin sa anak ko na matamang tiningnan ang Tatay niya. Pinisil ko naman ang kamay niya para sabihing nandito lang ako, ngumiti naman siya bilang sagot.

"Where are you going, young man?" tanong ni Edrake kay Nate.

Unang pag-uusap nilang mag-ama.

Hindi naman agad nakasagot si Nate kasi parang nabigla siya. Pinisil ko ulit ang kamay niya.

"We're going to the ice cream parlor outside." nahihiyang sagot ni Nate.

"Oh that sounds great. Can I join you?"

Oh God.

Lord, pampabawi na ba ito sa lahat ng sakit?

Hindi nakasagot si Nate at tumingin lang siya sa akin. Napansin naman ito ni Edrake.

"Miss Enriquez, is it alright?" sabi ni Edrake.

"I won't mind. Come on." alok ko.

This is the day I've been waiting for. Pero iba nga lang sa inimagine ko kasi ibang Edrake ang makakasama namin ngayon.

Naramdaman ko namang sumaya si Nate. Alam kong hinihintay niya din ang panahong 'to.

Bumulong naman siya sa akin.

"Thank you, Nanay."

Ngumiti nalang ako sa kanya para ipadamang masaya din ako.

¤

Buhay pa ba kayo? Hahahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon