Take My Hand
Dane's POV
Hindi na natigil ang pag-iyak ko.
Kaninang umaga pa 'to eh pagkagising na pagkagising ko palang kasi naman nawindang ako ng masyado.
Nagulat ako pagmulat ng mga mata ko na may mga tao sa loob ng kwarto namin. Nakita ko sila Neil at Elaine kasama ang mga pamilya nila. Sabi nila na maghanda na ako dahil magiging masaya ako sa araw na ito.
Heto ako ngayon, minamake-upan ng mahal na mahal kong kaibigan na si Neil. Naiiyak parin ako kaya di na niya matapos tapos ang pagmake up sakin.
"Dane ha, konti nalang bibigwasan na talaga kita. Tumigil ka muna sa pag-iyak mga one hour lang. Patapusin mo muna ako kasi di ako makapagfocus eh. Kaloka ka." litanya niya kaya hinampas ko nga.
"Ikaw kaya nasa kalagayan ko na windang parin sa nangyayari. Hindi ko naman alam na may pinaplano na pala ang mokong na iyon." sabi ko naman at natigilan ako ng may inabot ang anak ko sakin.
"Nanay, take this gift from Tatay and always remember that I both love you. You two are my everything and all I can say is that I'm happy for whatever we were at the moment." sabi niya at niyakap ako ng napakahigpit. Ang gwapo ng anak ko sa suot niyang tuxedo, para talagang little Edrake eh.
"Thank you love, ikiss mo nalang ako kay Tatay ha." sabi kon at tumango naman siya. Nang makaalis si Nate ay binasa ko kaagad ang liham na pinadala ni Edrake.
-------------------------------------------------------------
My love and my wife,This is the day that I've been waiting my whole life. I still remeber the day you said yes to me where sunsets and seas are our witnesses. I thought that would be the happiest moment in my life, not until this day came.
I planned this whole thing seven years ago and now, it's time to make that plan a reality. I know you deserve this and I'm so full with love and happiness right now.
Thank you for bringing me back on your lives and giving me an angel that is so loving and caring.
I will say everything to you in our vows later. Make sure to bring extra hanky, you'll cry a river for sure.
I love you and I can't wait to see you walking on that aisle later.
Love,
Your husband.
-------------------------------------------------------------
At tuluyan na ngang bumagsak ang lahat ng luha ko ng mabasa ang liham niya at makita ang singsing na charm kalakip nito. Isinuot ko ang charm bracelet na ibinigay niya sa akin dito noon, ang isang bagay na naging inspirasyon ko na magiging okay din ang lahat."Haynaku nasan ba 'yang si Edrake ng makutusan ko sa eyeballs. Ginigigil ako ng dalawang alien na 'to eh." sermon ni Neil
"Wag ka na ngang magreklamo dyan Neil Crisostomo Ibarra, isa nalang ha at ipapakain ko 'yang makeup mo sa'yo." natatawang sabi ni Elaine. Masaya ako kasi nandito tong dalawang to sa tabi ko ngayon.
Ang saya saya ko.
-
Hindi ko alam pero for sure sobrang namamaga na'tong mata ko ngayon. Buti nalang nag effort talaga si Neil maglagay ng concealer sa undereye ko. Jusko ang araw na sana sobrang ganda ko eh parang baligtad yata. Bushak kasi 'tong Edrake nato. Ang daming alam eh.
Nandito na ako sa harapan ng hall na pinagdausan ng kasal namin. Eto na yata ang pinakabongga sa lahat ng nakita kong design para sa kasal, everything is just like a fairytale at the moment. Para akong prinsesa na hinihintay ng kanyang prinsepe.

BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...